Katy's Pov
*Classroom
Bakit sobrang tagal naman nung babaeng yun?! Mag i-istart na ang klase in 5 minutes. Ngayong araw naman ang botohan ng kaylangan ng Volleyball player na ilalaban sa ibang school. And yes! I'm excited. Kasi siya ang iboboto namin.
10 minutes later at dumating narin ang babaeng toh. Hayysss. Kala ko di siya papasok ngayong botohan! Naging isa na kasi siya sa nag pa-champion sa school na ito.
*Flashback
5th quarter na. Nasa score na 13/13. Kakompetasyahan nanaman namin ang New Era Misama Academy. Ang school sa sumira ng record ng school. Kinasusuklaman ng school namin. Sana naman ito na ang oras na mabawi ulit namin ang titulong nahawakan ng sampung taon.
Wag sanang magkakamali ang players na ibigay ang ISANG puntos sa kalaban. Dahil malaki na ulit ang tiyansa na sila nanaman ang makakuha ng titulong gusto na naming makuha pabalik. Kasi kung mangyayari nanaman yon. Mauubusan na ng studyante dito. Sawa na kami sa pagkatalo. Ginagawa naman lahat ng representatives. Kahit kaming mga supporters, naapektuhan. Syempre mahal namin ang representatives.
Binigay kay Yana ang bola. At PUNTOS!
Sobrang ingay ng school namin! Velasco! Velasco! Velasco! Sigaw ng mga taga school namin.
Ang kabila naman ay sobrang tahimik, kagaya ng damit nilang puti.
This time, wala kanang maririnig na ingay dito sa sports center.Pito,tunog ng bola at scorer nalang ang maririnig.
Tila lahat ay naka atensyon sa mag se-serve. Sinerve ni Bañez papunta sa kalaban ang bola at tuloy ang laban. Binigay nila sa scorer nila sa kabila na si Abellano.
Pumalo ito ng napaka-lakas. At. NA SAVE NG LIBERO NAMIN. Si Bañez ang nag toss. Binigay kay Yana at.......
Ang palong iyon ang bumuhay sa Saint Enderun Louis Academy at ang palong umagaw ng titulo pabalik mula sa kalaban.
*End of the flashback
Nagising nalang ako sa realidad dahil sa Ayie ng mga kaklase ko. Pagtingin ko sa doorway. P*TAHAMNIDA. NANDUN SI MAC AT YANA! GHADDDDDD. WAAAHHHHH
Naki-isa na kami ni Demi sa nag Ayie. Napansin kong namumutla nato si Yana sa hiya. HAHAHA.
"Bakit late kayong dalawa?" Ms. Cruz
"Ma'am late po ng gising, sorry." Yana
"Ma'am nasiraan ako ng makina" Mac
Luh palusot netong Mac nato. Hahaha.
"Sige na. Maupo na kayong dalawa" Ms. Cruz
Umupo namang nakayuko si Yana. Hahaha
Ariana's Pov
Nakakainis naman tong araw nato. Leche kasi may papuya-puyat pakong nalalaman kagabi. Nakakahiya. Ba't ba nila ako inaasar dun. Matutulog na talaga ako ng tama sa oras. SUMABAY PA KASI TONG MAC NATO KAIRITA!
Hinihintay kolang matapos Ang SOBRANG BORING NA MATH. Dahil excited nako magbotohan para sa magiging representatives. Because I'm ready to defend our crown.
*P. E Time.
"You know what to do na guys. 1/2 sheet of paper. Iboto nyo ang dapat iboto para sa representative natin sa Volleyball." Ms. Bella
Velasco! Velasco! Velasco!
Matagal-tagal nung huli kong narinig ang mga katagang iyan.
So ayun botohan nanga. At iboboto ko ang sarili ko HAHAHA.
"Please pass your papers" Ms. Bella
Nagkatinginan kami nila Demi at Katy na parang sinasabi nilang panalo ka ulit jan.
"Ms. Velasco got 19 votes and Ms. Dinodo got 16 votes"
So kakampi konanaman ang hipokrita, malandi, ahas, sawa, cobra, desperada, kulang sa pansin at mang-aagaw na babaeng toh.
Actually kulang na kulang payang mga salitang yan para i-describe yang pamumuka nyang kala mo kung sinong inosente! Leche! Yang babaeng yan ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon namin ng kauna-unahang karelasyon ko. MALANDI!
*Gymnasium
Nandito ako para mag practice para sa volleyball . Di naman nadaw kaylangan paglabanin pa ang mga nakuha kasi, alam nila na magagaling kami mag volleyball. Di katulad ng iba magaling din manglandi. ABA GIFTED!
Nanunod lang sila Demi at Katy. Syempre mga bebe ko yan. Kaya support ako ng mga yan:*
At nandito na ang malanding mabahong hininga nato. Take note. Kasama pa nya yung mga kaibigan nyang mga buto sa bulalo. Alam nyo kung bakit? Mga patapon nanga yung mga muka pati katawan, pero mautak. Kaya nakakapaglandi padin.
Ganyan sila. Tsaka isa pa. Bagay na bagay silang magkakasama, kasi muka silang 20 pesos 1/4 na buto buto sa palengke.
Start na ng practice at muka namang malinis pa makipaglaro tong ahas nato, kasi alam kong dudumi nanaman pakikipaglaro neto mamaya. Kasing dumi ng bunganga nya.
Maya-maya break muna. Pinuntahan ko sila Demi at Katy para kumain nalang sa labas ng school. Bumibili kami ng shake habang dumaan ang mga buto ng bulalo sa harap namin
"Hays. Feeling ko ako magiging MVP sa taon nato sa Volleyball. Kasi mukang mas magaling nako sa isa jan" Parinig ni Nadia the buto buto.
Dahil narindi ako sa mga sinasabi nya at sa bunganga nya nilapitan ko sya.
"Excuse me. Wag feelingera ah? Wag nagmamagaling. I-ayon ang ganda sa pagiinarte. Toothbrush muna ah? Puro ka dada jan. Kaya nagsisi-alisan mga tao dito dahil sa hininga mo" Naka crossed arm na sabi ko sa pangit nyang muka.
"Look sinong natamaan sa mga sinabi ko. Palibhasa kasi sabik sa lovelife kaya nababaliw kay Zylen dati. Psh" sagot ni tanga"Hello. Panong di ako matatamaan sa mga pinagsasasabi mo. Eh NANUNUNTOK yang hininga mo". Madiin na pagsabi kopa sa Nanununtok.
"Tsaka isa pa, bakit ako masasabik sa lecheng lovelife nayan? Sa ganda kong toh! Di kasi ako kagaya mo! BALASUBAS NA AHAS!" Dagdag ko
Ohhhh. Mukang may namumula ng muka dito sa kahihiyan.
"Katy, Demi! Halika na. Umuwi na tayo. Baka matuklaw pako ng poisonous snake dito" aya ko sa dalawa. At iniwan kona ang mga lecheng magkakaibigan na sakit sa mata ko araw-araw.
*Bahay
Magpapahinga nako. Kaylangan ko ng beauty rest. Dahil ayokong maging mukang desperadang wasak na kagaya ng Nadia nayon. PWE!
Gusto gusto mo ilabas tunay kong ugali. Game!
Since the day that I saw you and Zylen in the backseat at his car. One thing comes in my mind. I'm f*cking ready in your dirty games.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
FanfictionDate started:September 1, 2017 Basketball player sya at Volleyball player ako. Matatawag ko siyang isang lalaking namukod tangi sa kanilang mag-kakaibigan. Mataas ang scores sa exam, minsan mas mataas pa yung kanya kaysa sakin. Tahimik lang. Minsan...