Destinasyon

15 0 0
                                    



Manong, para.

Hanggang dito na lang talaga.

Ang biyahe putungo sa kanya,

Ngayon ay nagwakas na.


Manong para jan sa tabi.

Hindi ko naman siya masisisi.

Kung ang pagsinta ko, sakanya ay walang silbi.

Pagmamahal ko'y di naman niya hiningi.


Manong bayad po.

Jan sa tabi ay ihinto.

Ayos lang kahit walang sukli.

Sanay naman akong nagbibigay palagi.


Manong bakit ayaw mong huminto?

Sana nama'y pakinggan ang hinagpis ng puso.

Ang sugat ay napakalalim na.

Hindi na kaya ang isa pa.


Manong, bakit ganito?

Bagalan na ang pagtakbo.

Wala na akong paroroonan.

Ang destinasyon ay hanggang dito na lang.


Manong, manong para na.

Hanggang dito na lang talaga.

Ako lang naman ay nakisampa

Kahit alam kong ang biyahe ay puno na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Autumn LeavesWhere stories live. Discover now