Nagbiro si Tadhana

44 2 0
                                    

"Sa tingin ko this relationship is not working, mas mabuti pang maghiwalay muna tayo Chris." Mahinang sabi ni Jenny.

"Ano bang nagawa kong pagkakamali Jen? Sabihin mo sa 'kin."

Tatlong taon nang magkasintahan sina Christian at Jenny. Marami na rin silang pinagdaan, magkasama sila sa lungkot man o ligaya. Pareho nilang mahal ang isa't isa, kaya lubos na ipinagtataka ni Chris kung bakit nakipaghiwalay si Jen sa kanya. Wala siyang nagawa kundi respetuhin ang desisyon ni Jenny kahit sobrang sakit nito para sa kanya.

Lumipas ang tatlong buwan ng paghihiwalay nila, maraming nabalitaan si Jenny tungkol kay Chris subalit binalewala niya na lang ito. Isang gabi, habang nag-aayos si Jen ng kanyang kama nang may biglang nahulog. Pinulot niya ang isang larawang tila pamilyar sa kanya. Pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata nang muling sumariwa sa kanyang alaala ang mga nangyari noong araw na makunan ang litratong hawak niya. Ika-17 na kaarawan iyon ni Jen, naalala niya pang abalang-abala noon si Chris para sa inihanda niyang surpresa para kay Jen kahit alam niyang may sakit ito. Nangako sila noon na kahit anong mangyari ay hindi sila maghihiwalay at magmamahalan habambuhay. Biglang napatindig si Jen at napag-isip-isip niyang mahal pa rin niya si Chris at nais niya itong balikan.

Kinabukasan, agad na nagtungo si Jenny sa bahay nina Chris subalit wala raw ang kanyang hinahanap. Nagulat siya nang biglang may isang napakagandang dilag na bagong dating sa bahay nina Chris.

"Kumusta kana?" wika ng babae na ikinagulat ni Jen kung bakit siya kilala nito.

"Oh! Tina! Nandyan ka na pala!" sigaw ng kapatid ni Chris. "Kanina ka pa pala hinahanap ni Jenny, sa loob na kayo mag-usap".

Gulong-gulo na ang isip ni Jen kung sino ba talaga ang babaeng iyon kaya pumasok na lang siya sa bahay upang makilala na rin ang babaeng bago niya lang nakita.

Umuwing lutang at blangko ang pag-iisip ni Jenny dahil sa lahat ng pangyayari at matapos magpunta sa bahay nina Chris. Wala na pala ang Chris na dati niyang minahal ng lubos. Nakausap at nakilala niya ang babae na akala niya'y kasintahan ni Chris. Ang babaeng nakausap niya pala ay si Christina Mendez, ang dating minahal niya nasi Christian Mendez. Isang napakalaking, Oo! Nag-transform into Darna, ang peg niya. Lubos raw na nasaktan si Chris noong nagkahiwalay sila ni Jen pagkatapos, mahabang istorya na ang ipinaliwanag sa kanya ni Tina kung ba't siya nagbago. Walang nagawa si Jen sa lahat ng nangyari, nagsisi siya sa huli kung ba't niya hiniwalayan si Chris. Subalit, nang Makita niyang Masaya naman si Chris sa kung ano siya ngayon, ay ayos na sa kanya ang lahat. Balang araw ay matatanggap at maiintindihan niya rin ang lahat ng nangyari sa kanya. Gayunpaman, napatingala na lang siya't nasabi ang mga katagang...

"Sadyang mapagbiro ang tadhana".


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nagbiro si TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon