(spoken poetry)
Hope lang po na ang itong i-peperforma ko sa harap niyo, ay inyong magugusto..
Feeling...
Lahat naman tayo ay may feeling na minsan naman ay ating pagka asuming,Yung feeling na kinakain parin mo yung bubble gum kahit wala na ang tamis,
Yung feeling na sinabihan ka nya na mahal kita, ngunit hindi naman niya ito ginagawa.
Naalala ko pa nung nanligaw ka saakin kahit na inamin mo na hindi ka marunong pero gagawin mo lang ang lahat para sa akin dahil ang mahal mo, ay ako,
Naaalala ko pa, nung mga araw na paulit-ulit mo akong sinabihan na mahal kita, mahal kita, mahal...kita..
Naalala ko pa ang mga araw na magaganda, na ginagamit natin para lang sa ating dalawa,
Pero mas naaalala ko pa, ang mga araw na paulit-ulit mo akong sinabihan na ako ay mabait, matalino at maganda, ngunit ano nga ba talaga ang dahilan, kung bakit mo akong iniwan?
Ang mga ala-ala na to ay parang may powers na ka pare-pareho ng kape, kape nag mag iwas sayo para matulog kasi alam mo na sa umaga, ay nandyan na ulit siya,
Ngunit pag gising ko sa umaga, ang taong mahal ko ay nawawala na pala,
sa mga araw na lumpas, sa mga gabi na hindi ako natutulog, ginagamit ko ang kape, kasi ako'y nag asume na sa umaga, nandito ka lang sa aking katabi
Ilang araw na tayo hindi nag kikita, para lang makikita kita na may kasama nang iba.
May bagong feeling akong naramdaman, na hindi ko gusto, yung feeling na minahal mo siya nang husto, ngunit pina-plastic mo lang pala ako,
Ang bagong feeling na ito ay ang rason kung bakit ako umiiyak sa gabi kasi namimis na kita palagi,
Itong feeling na akala mo na ika'y minamahal niya, ngunit ako ay ginagamit mo lang pala,
Kaya ayoko na sa feeling na to! na gustong kong ito'y mawala na, kaya minsan ay sinasabi ko sa sarili ko na TAMA NA!
Mahal kita..mahal na mahal na mahal kita..
Pero dahil ako ay ginagamit mo lang pala, na ako ay iniwanan mo na para sa iba, kaya tama na!
Ayoko na! Dahil akala ko na minahal mo na ako talaga, ba't kasi na-hi-hypnotize ako nung sinabi mo sa akin na "ikaw na! At wala nang iba!"
Kasi ginawa ko nalang ang lahat para mapasaya ka, ngunit ako'y sinaktan mo pa!
Kaya ang pinakahuli kong sasabihin sayo ay tama na,
Iwan mo na ako kasi tuwing makikita kita, ang dibdib kong ito ay sumasakit, dahil sa mga panahon na akala ko na tayo nang dalawa, pero hindi ko inakala na ang puso kong ito ay iyong sisirain lang pala,
Kaya ang sakit, ang sakit pakinggan ang puso kong nasisira, dahil ang puso ko gustong ika'y bumalik at siya'y mamamagkaawa,
Hindi masarap, hindi masarap, hindi masarap ang mga pagmamahal na akala mo ay magla-last ngunit maiiwan lang pala yun sa past.
Kaya tama na, ayoko na, dahil na rerealize ko, na sinaktan mona ako pala, na ginagamit mo lang ako, pinaplastic mo lang ako, kahit na ang gusto ko lang ay palaging maging ikaw at ako . Kaya tama na, napapagod na ako.
YOU ARE READING
POEMS I a Collection I✔️
PuisiThis book , is a collection of poems I have made for a portion of my life. It's made with effort, that caused me my life to make. I enjoyed making this, so I hope you enjoy reading this too. Thank you<3