Ahhh, ala ala...Lahat naman tayo ay may mga ala ala diba?
Mga ala ala na hindi natin malilimutan dahil sa sobrang ganda,
May mga ala ala rin na sobrang kapangit, na palagi mong maramdaman ang sakit,
Mga ala ala, ng mga situasyon na ika'y nasasaktan o kaya ipinaliligaya.
Ako? Ang pinakamaganda kong ala ala, ay noong tayo pang dalawa,
Yung mga araw na ginagamit natin para sa ating dalawa, dahil mahal natin ang isat-isa.
Yung mga araw na laging ligaya, ang makikita ko sa iyong mga mata.
Pero bakit bigla, mayroon akong nakikita, may hinawakan kang kamay, ng babaeng aking kapitbahay.
Alam mo? Ba't pa ako sayo naniniwala sa mga sinasabi mo na ako ay "maganda, mabait, at napakatalino mo talaga!"
At yang babae na yan, ay ang aking matalik na kaibigan,
Sabi ko sa sarili ko, "Ano ba yan!?", hindi ko talaga tong inaasahan,
Lumapit ako sa iyong dalawa, at sinampal kong babaeng yan na napakalakas talaga!
At ikaw? Ay aking pinagsabihan, na akala ko na ako'y mahal mo hangang magpakailanman?
Mahal, bakit ba? Bakit mo ba akong pinagpalitan, sa aking pinakamatalik na kaibigan?
Mahal, ano ba? Ano ba ang ginagawa ko para ako ay iyong pinalitan ng iba?
Mahal, ano bang gusto mong gagawin ko, para ako'y papayagan mo, na maging ikaw at ako?
Mahal, alam mo ba? Na napakasakit ng aking narararamdaman!
Ang puso ko ay iyong sinaktan!
Ang pagmahal ko sayo ay iyong ipinaglaruan!
Mahal ko, ba't ba ako ay iyong pinagpalitan!
Mahal, hindi ko gusto ang aking nararamdaman!
Ang sakit! Ang sakit, ng puso kong ito, dahil inakala nya na minahal mo ako ng totoo,
Kasi minahal kita ng husto, ngunit ganito lang ang gagawin mo?
Mahal, nasasaktan ako! Nasasaktan ako nang nakita ko kayong dalawa na magkasama,
Mahal, ayaw mo na ba talaga? Kasi kapag ayaw mo, ako rin ay ayaw ko na.
Tapos na! Tapos na! Tapos na tayong dalawa!
Bawat araw ang dibdib ko ay sumasakit, dahil ikaw ay aking naalala,
Dahil ang puso ko ay inakala, na mahal pa kita,
Dahil sa gabi, parang ako ay sinasaksak mo paulit-ulit kaya mahal ayoko na!
Grabe na ang nararanasan ko na sakit kaya ayoko na!
Ngunit kahit ano pa ang gagawin ko para makalimutan kita, sumasakit pa puso ko, mahal, ayoko na.
Wish ko lang na sana wala ka na sa aking mga ala ala, na sana hindi na ako nasasaktan sa tuwing nakikita kita.
Ayoko na sa mga ala alang to, tapos na tayo.
So!!!...this is my second poem that is well, tagalog, and I apologized for those who cant understand, and for not translating it and for not having an english version of this poem, I am just not soo good in tranlating even if it has very deep words. Again, I apologize, hope you enjoyed. <3 <3 <3
YOU ARE READING
POEMS I a Collection I✔️
PoetryThis book , is a collection of poems I have made for a portion of my life. It's made with effort, that caused me my life to make. I enjoyed making this, so I hope you enjoy reading this too. Thank you<3
