kagaya ng ginawa mo (like what you did)

58 1 0
                                    

Kamusta kana?

Ok kalang ba?

Naalala mo pa ba ako?,

Kung sino ako?

Naalala mo pa ba ang mga araw na lagi lang saya ang makikita natin sa ating mga mata?

Yung mga araw na minsan masaaabi ko sa sarili ko na ang swerte swerte ko talaga,

Nung mga araw na lagi mo akong sinabihan na "mahal kita" at may forever pa,

Naalala mo pa ba ang mga panahon na tayo pa lamang dalawa, at hindi ikaw at siya?

Kasi kapag hindi mo na ako naalala,

Hindi mo na naalala ang mga panahon na gagamitin natin para sa ating dalawa,

Ok lang,

At pasensya na.

Minahal mo ako, at minahal din kita,

Pero dumaring ang araw na ikaw ay nagbabago na,

Unti-unti kanang bumitaw sa aking mga kamay at lumayo sa aking buhay,

Para lang may matatagpuan kang iba, at ako ay iyong kalimutan na.

Yung mga sinabi mo, mga pangako mo na hindi mo ako bibitawan,

Yung mga sinabi mo sa aking na maging tayo lang dalawa magpakailanman,

Yung mga sinabi mo na grabe ang pagmamahal mo saakin,

Kaya ako ang iyong ipinili na mamahalin.

Pero binaon mo lang to sa limot..

Bakit ba..

Bakit ba..

Hindi na ba ako sapat para sayo kaya iniwan mo lang ako,

Bigla-bigla, bakit ba..

Bakit ba na ang taong dating nag mahal sa akin, na araw-araw ay masaya dahil "Oo" and isinagot ko nya ay nawawala na pala,

Bakit ba na ang dating 'tayong dalawa' ay napapalitan ng 'tayo ay tapos na',

Bakit ba tayo umabot sa ganito? Na ang 't' sa tayo ay ipinalitan mo ng 'k' kaya ang tayo ay naging kayo,

Bakit ba.. bakit ba ako ay iyong iniwan? Na walang kahit isang dahilan?

Ano ba ang nangyayari sa ating dalawa?

Mga ala-ala natin na iyong ibinaon..

Mga pangako mong napako..

Ating pagmamahal na itinanggal ng panahon..

Hindi ko na alam kung sino ako maniniwala,

Sayo na sinasabi mo na may "forever" talaga tayo?

Sa mga tao na laging nagsasabi ng "walang forever"?

O kaya hihintay pa ako sa iyong ipinangako, nasan na ba ang "happily ever after" ko?

Kaya wag mo na akong husgahan kapag sinabi ko na "walang forever" kasi ikaw mismo ang sumira sa aking "happily ever after",

Ikaw, wala ka namang pake sa aking kung ano ang nangyayari,
Kasi alam mo naman na hindi ikaw ang umaasa at nasaktan ng grabe,

Kasi hindi ikaw ang umiiyak sa gabi kasi namimis na kita palagi.

Ano? Susuko na ba ako? Oo susuko na ako..

Kase pagod na akong maniniwala ng mga pangako mong iyon ibinitawan,

Pagod na akong mag alala ng mga araw na ako ay iyong isinaktan,

Pagod na akong umasa na baka, may araw na ako ay babalikan mo pa,

Pagod na akong magmahal na hindi mamahalin, kasi parang ang dibdib ko     ay natatalo na sa akin damdamin!

Pagod na pagod na talaga ako,

Kaya susuko na ako sayo,

Kagaya ng ginawa mo

Sumuko kana rin sa aken.

POEMS I a Collection I✔️Where stories live. Discover now