Chapter 2:part1✅

2.4K 73 2
                                    

Kath POV

Nakapikit lang ako ng------

"Booommm!" sigaw nito sa mukha ko

Shit!!!!!!

nagulat ako kaya napadilat ako. Lintik! todo ang ngisi ng loko.

Naisahan ako ng gago!

"Akala mo naman hahalikan kita, sorry pero hindi ikaw ang type ko" tumalikod sya sa akin pero sige parin ang hagikhik.

nakakainis sya promise!

masyado syang pang asar! I let out a sarcastic laugh as a sign of shock on what he say.

"Excuse me mr. Anonymous or Mr. Demotic Angel, para sabihin ko sayo hindi rin kita type! at iisipin ko palang na hahalikan mo ako nandidiri na ako at iniisip ko na kung ilang beses akong magtotoothbrush para lang mawala ang baho mo sa labi ko!" sigaw ko dito na halata ang pagkairita

Siguro kung cartoon to baka may effect na usok usok sa ilong ko naiinis kasi talaga ako!

sobrang inis!

"Ganoon ba?" Tanong nito bago humarap ulit sya at unti-unting lumapit pero  bago pa sya makalapit, siguro mga 2 dangkal mula sa akin ay----Buuugggshhh!

Sinuntok ko sya. Napahawak sya sa ibaba ng labi nya at napaatras. Lumapit ako sa kanya.

"Warning yan. Kung di mo ko titigilan...." lakas loob kong sabi habang nakaduro sa mukha nya paibaba sa ano nya.

"Yan ang sunod na masasaktan at sisiguraduhin kong  di ka na makakatayo sa sakit" mahinahon kong babala sa kanya habang nakangiti

Tumalikod ako bago sya magsalita, basta ang huli kong kita sa kanya bago ako pumasok ay ang masama nyang tingin sa akin.

Tsk. SPELL ASA kung matatakot ako sa kanya. Mas matakot sya sa akin kasi baka mara-, no! baka mabugbog ko sya. Tsk. Bat ko naman sya rerapin? Eh mas gwapo pa sa kanya si Ji Chang Wook.

Pagkapasok ko ay diretso ako sa kusina kasi alam kong may panibagong order na naman at paglabas ko ay nakita ko na naman sya.

bwisit! bakit ba kasi dito sya nagtatambay ngayon?

patext-text pa akala mo busy na tao...

Eh pulubi naman, walang tirahan, matindi pa sa akin. Tsk. Lumapit ako sa kanya na may dalang mainit na kape pagkatapos ay inilagay ito sa ibabaw ng lamesa nya.

"Ohh! para sayo, last na yan kasi aalis na ako. bye!" yun lang at umalis na ako nakakaawa naman kasi sya.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nagmadali na akong  umuwi kasi nga gabi na nga at madilim sa daan.

Mahirap na, sa ganda kong to baka ma-rape ako.

Habang ako'y naglalakad sa subdivision ay napansin kong may sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad.

I know na lalaki sya dahil sa itsura ng anino nya, mukhang malaki din ang katawan nito at baka pag sinapak ako nito eh tulog talaga ako. Kahit pa daplis lang.

Sinigurado ko kung sinusundan ako ng lalaki kaya lumiko ako pero lintik lumiko din sya, binilisan ko ang lakad ko at ginaya nya din ang bilis ng lakad ko.

Kinakabahan na ako, parang lalabas na yung heart ko sa ribs ko sa kaba na baka mapatay ang GANDA ko sa 'di tamang oras.

Paano kung rapist nga to???

Sino ba sya? anong gagawin ko? Haharap na ba ako? Kokomprontahin? Pipiliting lumaban ng harapan? Ano kaya ko ba? Kaya ko kayang mapatulog ang malaking mama na 'to?

Shit! Wala na akong choice! If tatakbo ako tiyak naman na mahahabol nya ako, kaya mas mabuti pa na atleast maipaglaban ko ang sarili ko, kasi baka naman mas magaling ako dito.

Sana...

Nagpatuloy ako sa paglalad at biglang humarap sa sumusunod sa akin.

Putsang anghel na nilalang!

Kegwapo-gwapong nilalang eh bakit nanakot nga naman?

Kislap ng mga mata nito ang nakikita ko sa kalagitnaan ng gabi, napakaganda nito na kumakain ng kalamnan ko.

When They Accedentally Meet(COMPLETED✔)[still Editing]Where stories live. Discover now