Chapter 3:part2✅

1.9K 76 4
                                    

Kath POV

"Okay fine" mahinahon kong sagot

HAHA, papayagan ko syang tumira pero syempre, lahat ng bagay may kapalit! wala na yatang libre sa panahon ngayon.

"Thank you" pasasalamat nito sa akin habang nakangiti

Pagkatapos ay pumasok na sya sa bakanteng kwarto na magsisilbing kwarto nya. Pumasok na din ako sa kwarto ko ay inilabas ko ang pantulog ko at inilagay ito sa higaan pagkatapos ay naghubad ng suot na uniform at pumasok sa c.r. ng naka underwear na lang.

"Lalalalalala...🎶🎶🎶" Pahaming-haming pa akong naliligo

Ang lamig talaga ng tubig ang sarap maligo!

Lumabas ako sa cr na nakabathrobe at pinupunasan ang basa kong buhok. Tumingin ako sa higaan ko na pinaglalagyan ng hinanda kong damit ng---- Anak ng baklang tipaklong!

Halos maubos ang natitira kong adrenaline dahil sa biglaan kong pagtakbo pabalik cr at sinara ang pinto nito, tiningnan ko ang mukha ko at nakita kong pulang-pula ito.

"May saltik ba yun sa utak?" Inis kong tanong sa repleksyon ko at tinapik-tapik ang mukha

"Relax Kath, relax." Pagpapahinahon ko sa sarili

Bumaling ako sa pintuan at naglakad papunta dito at binuksan ng konti ang pinto para masilip si Alex na kasalukuyang nakaupo pa sa kama ko.

I relax then take a breath before walk towards him, kahit pa naka bathrobe lang ako.

"H-hoy la-lalaki b-bakit k-ka pumasok sa kwarto ko!" Nagmamatapang kong tanong pero halata padin ang pag-uutal-utal

"Ha? Ah sorry, mainit kasi sa kwarto ko" sagot nito at pinaypayan ang sarili bago napatingin sa akin pababa sa paa

"Shit! anong paki ko? Kwarto ko 'to! Private room! At wag mo akong matingnan-tingnan ng ganyan at baka bulagin kita!" Bulayaw ko dito habang nakapamewang pagkatapos ay dinuro ito gamit ang dalawang daliri na itinapat pa sa dalawang mata nang magsabihin ang mga huling babala

"Hindi kasi ako makatulog. 'Di ako sanay na walang aircon. And don't worry hindi ka naman kapanta-pantasya." Mahinahong sabi nito at tiningnan muli ako pero sa pangungutya ng paraan

Napatingin ako sa sarili ko.

Oo nga naman, ay este! Well maganda naman ako at may korte naman ang katawan pero hindi ganoon kasexy kagaya ng mga fashion models.

"And so?" Pilit kong winalambahala ang pangungutya sa akin at itinago iyon sa pagtaas ng kilay

"Pwede dito muna ako matulog sa kwarto mo? ngayong gabi lang naman please." Pakiusap nito

"Mamaya na tayo mag -usap, lumabas ka muna at magbibihis pa ako!!!" Malakas kong utos at itinuro ang pinto ng kwarto ko habang matalim na nakatingin kay Alex.

Sumunod naman ito kaya binilisan kong magbihis at pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng nakapamewang.

"Pasok na" utos ko habang nakasmirk

Pumasok ito at umupong muli sa Kama na akala mo kanya.

"Anong sabi mo kanina???" Tanong ko habang nakapamewang na nakatayo sa tapat nya

Umupo sya ng indian sit at tinapik ang katabing pwesto para sabihing umupo ako, kaya ganoon na lang ang ginawa ko.

"Tulad nga ng sabi ko kanina, di ako sanay na mainit ang kwarto ko kaya kung okay lang sayo ay dito nalang ako sa kwarto mo matulog kahit ngayong gabi lang, pwede ba? atleast ito na ang last ko na makakatulog sa nakasanayan kong temperatura ng kwarto" sabi nya kasabay ng pagharap sa akin.

abat nag paawa effect pa, ehem di na yata tatalab sa akin yan. Bagong ligo yata ako kaya fresh na ang utak KO!!!

"Hindi" matibay kong sagot

"Ha?" Tanong nya na parang binagsakan ng langit at lupa ang pagmumukha

"Akala ko ba pulubi ka? eh bakit sanay ka sa aircon? ano ka natutulog sa bus?" Nakataas kilay kong tanong at tiningnan mabuti ang mukha

"Kung papayagan mo ako dito matulog sa magdamag, I will tell you everything about me" saad nito

Wow!!!pulubing De English!

#nosebleed!

"Okay, basta every part" pagpayag ko

"Yup" sagot nito

"Fine" pagpayag ko sa kasunduan

Matalim syang tumingin sa akin na parang nagbabasa ng ekspresyon bago magsalita at nagkwento.

"Ganito kasi yan my real name is Alexander Hernandez and not Alex Perez ,same age as you I'm sure" umpisa nito

Oh my!!!

Alexander Hernandez ba kamo? parang napakalaki naman masyado ng ambisyon nya!

Tiningnan ko sya sa mukha. Mukha nga, Mukhang pang Hernandez nga ang ka-gwapuhan, pero kung ganoon kalaki ang apilyedo nya tiyak na mahihirapan ako. Imbis na sya😑

Dahil paano ko sya ma-pahihirapan kung panigurado ng wala syang alam sa mga trabahong bahay? Nakatulala lang ako sa kanya at hinihintay mas buksan pa ang pinto mula sa buhay nito.

"Lumayas ako sa amin dahil hindi ko gustong magpakasal sa kahit na sino, while my father is really that serious to make me marry to that freaking lady!" Naiinis na sumbong nito

Nakakaawa naman pala sya...

Naalala ko tuloy sarili ko sa kanya...@~@.

Pero kilala nya na kaya ang ipapakasal sa kanya?  Bakit ayaw nya magpakasal? At may posibilidad ba na ako ang mapang-asawa nya?

When They Accedentally Meet(COMPLETED✔)[still Editing]Where stories live. Discover now