Chapter 6:part1✅

1.7K 58 2
                                    

Kath POV

Maya-maya pa ay dumating na ang iba pati na ang professor namin. Hindi ako nakikinig kasi nasa ibang dimension ang utak ko.

Sino ba talaga ang lalaking yun?

Bakit ang daming alam ng pamilya nya? Pati arrange marriage eh pinapatupad. 'Di ba pwede na sa taong mamahalin lang nila?

Arrange marriage...tsskkk...

What the fudge...

Bahala na....

Nagvibrate yung cp ko kaya tiningnan ko ito

One message

Pag open ko ng message ito ang nabasa ko

From:tita
   Kath he is the son of mr. and mrs. Hernandez

Ha???!!!!He-hernandez??? Well alam ko naman na Hernandez ang may ari ng company na pinagtatrabahuhan nila tita pero ngayon ko lang naalala, is there a Possibility ba na si...

Ay hindi yun possible baka pinsan nya lang or baka kapatid nya.

Cring!!!!!!!(the bell rang)

Naglakad ako pauwi...

Wala ako sa sarili at di ko na inisip kung may naiwan ba ako o wala. Pagkapasok ko sa bahay nilagay ko lang ang bag ko sa sofa maya-maya ay nakaramdam ako ng uhaw kaya pumunta ako sa kusina...

Aaaahhhh!!!!an0ng???

Nakaupo sa upuan si Alex at nakatingin sa mga hugasin, and you know ang daming hugasin!!!!

>_____<!!!!

Naramdaman nya siguro ako na malapit lang kaya humarap sya sa akin na parang nagpapaawa

"Paano ba maghugas?" Inosenteng tanong nito

"Ha?" Maang na tanong ko sa tanong nya

"Di ako marunong maghugas" sabi nito na halata pa ang pagpapaawa

"Hala! tutulungan nalang kita. Wala ka namang kwentang katulong, pang cook lang tsk." Sagot ko dito bago hinubad ang uniform ko.

Wag kayong ano lagi akong nagdodoble ng T-shirt

Nakalimutan kong maharlika 'to, di sanay sa hirap baka mabasag nya lang ang mga plato, paktay ako kanila tita.

Sinimulan ko na ang paghuhugas habang sya naman ay tumabi sa akin at nakatingin sa ginagawa ko pagkatapos ay tumulong na.

"Maiba ako, tutal Hernandez ka naman pede ba akong magtanong?" Basag ko sa katahimikang namagitan sa amin sa lababo

Tumingin sya sa akin

"Okay lang, ano yun?" Ganting tanong nito

"Lahat ba sa pamilya mo naka arrange marriage?" Tanong ko sa kanya

Napatigil sya sa ginagawa at tiningnan ako ng maigi.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?" Balik na tanong nya sa akin

"Naka arrange marriage din kasi ako sa isang Hernandez" Sagot ko sa kanya

"Oo, lahat kami. pero hindi tulad ng iba na sa mayayamang katulad namin ang ginagawang kapares." Paliwanag nito sa akin

Sabagay kasi si tita empleyada lang.

"Ang namumuno sa isang kumpanya ang nagdedesisyon, ang ipakakasal ay yung paborito nilang empleyado. Yung tapat, mabait at mapagkakatiwalaan, kung Hindi ito ay anak o ka relatives nito" Dagdag na paliwanag nito

Ahhhhhh...

"Sino ang sa iyo?" Tanong nya sa akin

"I don't know ehhh magkikita kami sa Sunday" Sagot ko sa kanya

Bigla na lang nagbago ang expression nya sabay ngisi

"Ahhh!!! bagsak ka naman sa taste ng isang Hernandez ehhh" Pang-aasar ni Alex at binigyan ako ng nakakaasar na ngiti

"Bakit?!" Niinis kong tanong

"Kasi type namin yung magaganda, eehhh ikaw PANGET, WAHAHHAAHAHAH" pang-aasar pa nito pagkatapos ay pinisikan ako ng tubig sa mukha at tumakbo.

"Hoy! wag kang tumakbo! lagot ka sa akin! panget pala ahhh!" Hinabol ko sya dala ang sponge para gumanti sa ginawa nya sa akin

"Habulin mo ako kung kaya mo!" Nang-aasar ang mga ngiti nito na hamon

"Patay ka sa akin pag nahuli kita!" Banta ko dito

Hinabol ko sya paakyat papunta sa kwarto at shit ang bilis nya, ni lock ko ang pinto pagkapasok ko at...

"Aahhhh!!!!!!!!!" Sigaw ko

Love POV

Hi readers! my name is Lovely, favorite cuz of Alex.

Lovely Hernandez, same age as Alex and same kami ng taste...most of...😂

Back to story tayo. Tsaka nyo na malalaman yung iba tungkol sa akin

Nang i-text sa akin ni pinsan ang address ay agad ko itong hinanap kung saan.

Ito ba iyon????

Nakatingin lang ako sa gate ng bahay na bukas pa...

Pumasok ako at kakatok na sana ako sa pinto ng

"Aarraaaaayy!!!!" Isang malakas na sigaw ng isang babae mula sa loob

Nagmamadali akong pumasok at umakyat alam kong sa taas yun galing dahil sa boses. Naglakad ako ng dahan-dahan at sa bandang huli na kwarto ay doon ko narinig.

"Aray naman, hinayan mo, masakit kaya" Angal ng babae na halata na nasaktan

"Oo na, wag ka kasing sumigaw" Sagot ni Alex dito

I know that it is Alex, dahil sa boses nya.

"Ganyan, hinayan mo" Sambit ulit ng babae

Ako naman ay nakadikit na ang mukha sa pinto para lalong marinig ang nasa loob

"Okay na?" Tanong ni Alex

Umatras ako para buksan sana ang door pero naka lock.

"Ano ka ba naman kasi ang likot mo, nasabit tuloy" Sambit ni Alex

Napahawak ako sa labi ko

WTF!!!

"Okay na tapos na" Satisfied na sabi ni Alex at dinig ko pa ang pagbuga ng malakas na hangin nito na mukhang pagod

"Shit" reklamo ng babae

"Satisfied?" Narinig ko pa na tanong ni Alex

"Okay na." Sagot naman ng babae

"Salamat naman at tapos na, punta muna ako sa cr ang init kasi di bukas ang aircon
.." Narinig kong sabi ni Alex bago ako makarinig ng mga yabag ng paa palayo

"Sige" sagot ng babae

Kumatok ako.

"Wait" sagot ng girl sa loob sa akin

Pagbukas ay nakita ko ang babaeng gulo-gulo ang buhok

What happen???

Did they j-just...the hell!!!

When They Accedentally Meet(COMPLETED✔)[still Editing]Where stories live. Discover now