Chapter 7:part2✅

1.7K 59 1
                                    

Kath POV

Hindi ko pala sya maloloko
Umakyat ako sa kwarto dahil nga inaantok na ako, Sumunod naman sya at pumasok din

"Bakit ka pumasok?" Nakapamewang kong tanong sa kanya

"Ahhh..ehhh" humagilap pa ito sa utak nya ng isasagot

"Tigilan mo na ako sa alpabeto mo, ang sabi mo kahapon ngayon lang ako makikitulog. Tapos ngayon papasok ka sa kwarto ko? Kakasuhan na talaga kita ng sexual harassment pag pumasok ka sa kwarto ko" Babala ko dito

"Antaray mo naman. Oo na, lalabas na ako" Sagot nito at naglakad palabas sa kwarto

Wala akong balak mag shower ngayon kaya diretso higa na si ako. Pagkakumot ko ay nagulat ako sa pagbukas ng pinto kaya napabakod ako

"Sure ka na okay ka lang mag isa?" Nakangiti pang tanong nito

"Oo!!!" sigaw ko at binato sya ng unan na katabi ko

Pagkasara nya ay nagtalukbong na ako. Hindi po ako mahilig mag lock ng pinto

Makatulog na nga.....

Zzzzzzzzzzz 😴😴 😴

Crrrriiiinnngggg!!!!!!!!!(my alarm)

"Hahayyyy!!!!" napahikab ako

Tatayo na sana ako...

Bakit ang bigat???

Gumalaw ako...

May nakapatong ba sa akin???

Shit!!! Ang bigat talaga!

Gamit ang kamay ko ay tinanggal ko ang nakapatong sa akin at tinanggal ang pagkakatalukbong ng kumot...

What the!!!!

Si Alex natutulog!!! At bwisit nakayakap ang paa nya sa akin!!!

Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si tita...

Sa sobrang kaba ko ay gumulong ako at nahulog sa kama

"Tita...." tawag ko dito

"Ohhh, Kath, kain na sa baba, maaga akong nagising kaya nagluto na ako at tutal mamaya pa akong alas nuebe papasok sa work" Mahinahon na sabi ni tita
Well, may tiwala talaga sa akin si tita kaya kahit may nakita syang lalaki sa kama ko ay hindi sya nagagalit kahit pa alam nya na dapat ay birhen akong dadalhin sa altar kasama ang mapapang asawa ko.

Tumalikod si tita

"Wait ta, nasaan pala si tito?" Habol na tanong ko

Lumingon naman ito

"Maagang umalis 2 weeks syang mawawala pupunta kasi sya sa L.A. may aasikasuhin sya, by the way gisingin mo na si Alex" utos ni tita pagkatapos ay umalis na ito.

Pagkalabas ni tita at naramdaman kong malayo na sya ay kumuha ako ng unan at hinampas ko sa sleeping prince...

Yyyaaaahhhh!!!!

Nung malapit na ito sa kanya ay hinawakan nya ito

Gising pala sya...

Hinila ko ulit yung hotdog pillow ko pero di ko mahila, Anlakas nya. Maya maya pa ay hinila nya ito.

Di ko yun inaasahan kaya nasama akong nahila

Aahhhh...

Nakayuko ako halos magkiss na naman kami same lang ang distansya nung unang nangyari na magkatabi kami.

"Narinig mo na ba ang kasabihang, lokohin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising?" Tanong nya with a husky voice

Ang lamig ng boses nya nakakadala ng kahit ano...

Kahit puso ko nadadala........

Hinila ko ang unan ulit at nagtagumpay ako.

Nakakahiya na ang posisyon namin...

"B-bumangon ka na dyan, kakain na daw sabi ni tita" Utos ko dito at ibinato ang unan sa paanan nito

Nag iinit ang pisngi ko...

"Okay, teka kinikilig ka ba?" Maang na tanong nito

"Aahh ako? bakit naman ako kikiligin?" Kinakabahan ko namang tanong sa kanya

"Sabagay, bakit ka nga ba kikiligin, ehhh bakit ka din kaya nag bablush?" Halatang nang-aasar na tanong nito

Aaaiissshhh!!!!

"Tumigil ka nga, bumangon ka na at kakain na!" Ulit ko na utos sa kanya at nauna na akong lumabas ng kwarto

Pagkasunod nya ay kumain na sya, sige akong tingin.

Okay lang busy naman sya sa pagkain kaya di nya ako mahuhuli

Nang matapos akong kumain ay nagmadali na akong mag ayos para pumasok. Pumasok ako sa school at gaya ng dati pinagtitinginan padin ako

Hahhahahaha, ganda ko!

Pero sa totoo lang kaya nila ako pinagtitinginan ay dahil sa lahat ng estudyanteng babae dito ako lang yung manamit ay napaka baduy...😒😒

hahahahahaha tanggap ko na laking hirap ako kaya di na ako nag-iinarte, pag pasok ko sa room ay walang bumati sa akin, wala naman kasi akong kaibigan mahirap lang kasi ako at ang tanging maipagmamalaki lang ay ang talino ko.

Umupo ako sa likuran.

Well classmate ko si crush sa first subject pati na ang impaktang si Stephanie nasa unahan sila lagi feeling matalino kasi...

Nakapwesto ako sa likod, tahimik ako at walang katabi.

Makulit lang naman ako sa kakilala ko more pa pag kaclose ko, nag lagay ako ng earphone at nakinig ng music at Maya maya ay pumasok si sir kaya tinanggal ko ito

"Good morning class" Bati ni sir

"Good morning sir" Sagot nila

Hindi ako kasama tamad ako eh

"Today ay may new classmate kayo" Bungad ni sir sa amin

Sino kaya? Gwapo ba? mabait?

Itatanong pa sana ng iba kung sino pero pumasok na ito. Lahat natulala lalo na ako.

Lintik ang gwapo nya!

When They Accedentally Meet(COMPLETED✔)[still Editing]Where stories live. Discover now