Chapter 3:part1✅

2K 77 5
                                    

Kath POV

Pagkapasok namin ay ganoon nalang ang aming gulat dahil sa sobrang seryosong mukha ng aking tita at tito.

Wow ang formal ko nagsalita!

Dahan-dahan kaming lumapit at napakaingat na umupo dahil sa takot na magkamali.

Sus! Namimiligro ang buhay ko dahil sa hayop na lalaking 'to eh! Gwapo lang ang maipagmamalaki!

"G-good evening po ma'am, sir." halatang kabado nitong bati kanila tita

"Pwede ba naming malaman kung saan kayo nagkakilala ng pamangkin ko?" Umpisang tanong ni tita

Wow straight to the point ang tita ko! Pero ano ang isasagot ng lokong 'to? Mapaniwala nya ba si tita? Tsk. 'Bat ba ako nag-aalala? Bahala sya!

"S-sa work nya po ma'am, sa restaurant poh" magalang na sagot nito

Napatingin ako sa kanya magkahalong inis at pagtataka ang ekspresyon ko, ano yun? Paano nangyari?!

Tumingin din sya at ngumiti sa akin na nakapagpatigil ng tibok ng puso ko.

Ang tamis ng ngiti nya...

"Ang cute mo nga nun babe ehh" nakangiting sabi nito habang nakatingin sa akin at parang inaalala ang isang nakaraang di naman talaga nangyari. Sobrang sinungaling ng mata nya pero hangal ang puso ko na agad naniniwala dito, samantalang ang utak ko eh halos mapaos na sa kakasigaw na niloloko nya lang ako.

Bakit nakakahipnotismo ang mga mata nya?

Hindi ko inaasahang napatango nalang ako, na tila ba remote control ang mga mata nya na napasusunod ako at ang buong kalamnan ko, kasabay ng tulyang paghinto ng tubok ng puso ko.

"So anong name mo?" Tanong ni tita

"Alex po Alexander Perez" nakangiting sagot nito

Yun pala ang name nya.

"Course?" Tanong ni tito

"Business po" lakas loob nitong tanong

"Bakit ka nandito at nag so-sorry?" Usisa pa ni tita

"Nagalit po kasi sa akin si Kath nung nalaman nya na naglayas ako" sagot nito at tumingin sa akin at ang mga mata nya ay parang nagsasabing 'everything will be alright,babe. Just trust me'

Nanatili akong nakatulala at parang walang kahit ano ang gustong sabihin at ang tanging nais lamang ay pakinggan ang boses nya.

"bakit ka naman lumayas???" Muling tanong ni tita

"Ayaw po kasi ng parents ko kay Kath pero ikamamatay ko ang mawala sya sa buhay ko" seryosong sagot nito

Ayoko mang maging assuming pero anong gagawin ko? Parang totoo ang mga sinasabi nya!

"Ganoon ba? sige dito ka nalang makitira pansamantala" desisyon ni tita

Natapos ang usapan na parang sa kanya lang pumanig ang lahat. Walang sobrang mahirap na tanong para dito at napakagaling pang umarte na halata namang nahulog sila tita sa kanya.

Shit! bakit nga pala pati ang katawan ko ay sya ang pinapanigan?

"Kath, samahan mo na sya sa pag punta sa bakanteng kwarto" utos ni tita sa akin

Shane POV

Di ko na kailangan magpakilala kasi di naman ako main character basta ako si Shane tita ni Kath.

Well boto ako kay Alex dahil bukod sa gwapo ay may na fe-feel ako like------bagay talaga sila ni Kath at okay nadin yan kay Kath na may nobyo para di na sya masyadong serious, at gumawa naman sya ng mga bagay na gusto nya.

Pero sana di nya makalimutan ang totoong dahilan kung bakit ko sya pinag-aral sa isang sikat na paaralan at kung bakit sya nandito.

Sana maging okay lang ang lahat...

Kath POV

Naglakad kami papunta sa bakanteng kwarto, at alam nyo? magkatabi lang ang kwarto namin ng loko.

Pagkakita ko na di na nakatingin sila tita at nakapasok na sila sa kwarto ay agad kong tiningnan ng masama si Alex pero pag tingin ko sa mga mata nya ay para akong nabitag o kayay nahulog sa bangin kaya pinutol ko ang tingin ko at tumalikod then hinga ng malalim.

Kanina lang dahil sa mga mata nya tumitigil ang puso ko, at pagkatapos ay titibok na akala mo ba eh nakikipag racing sa sobrang bilis. Pagkatapos kong buuhin ang lakas ng loob ay humarap muli ako sa kanya.

"Hoy lalaki! ano ba ang ginagawa mo?" Lakas loob kong tanong habang nakaduro sa mukha nya at nakatingin ng masama sa gwapong mukha nito

Yes! nakaya ko!

"I ask you to let me sleep here but you did not let me, so I make a scene." sabi nito at nakakalokong ngumiti

Shit!

"Bukas umalis ka na!!" Utos ko

"Payagan mo na ako dito please. Promise I'll do everything you want, sadyang kailangan ko lang ng matutuluyan." Pakiusap nito

Bigla akong nakaisip ako ng isang malaking katangahan. Patay ka sa akin I'll make sure that you'll be misirable here! Pagsisisihan mo na pumasok ka sa buhay ko at ang guluhin mo ako.

Get ready mr. Alexander Perez, WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!(insert evil laugh)

When They Accedentally Meet(COMPLETED✔)[still Editing]Where stories live. Discover now