Chapter 2:part2✅

2.2K 85 4
                                    

Kath POV

Lumingon ako at nakita ko si Mr.demon.

Shit! nagiging demon talaga ako pag nakikita ko sya!

Kahit ang gwapo nyang mukha ay 'di nakasasawang tingnan pero nakakaasar naman tingnan dahil sa naalala ko ang ugali nito.

"Ikaw ba talaga eh nang aasar?! bakit mo ba ako sinusundan, hah?" Nakataas kilay kong tanong dito

"What? Are you kidding cutie height? As far as I remember, I am just walking because my friends house is here in this subdivision." Nakasmirk nitong sagot.

"Hoy ikaw hah, wag mo akong madaan-daan sa pa english-english mo, dahil pag ako nagpasada ng english ko eh, baka dumugo yang ilong mo! At tsaka, bakit nung lumiko ako eh lumiko ka din? at nung binilisan ko ang lakad ko ay nagmadali ka din? Sa tingin mo ba di ka mapag-iisipan ng masama sa ginawa mo?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.

Pero kung iisipin, di sya pedeng rapist kasi di na rape ang tawag dun. Heaven na yun! Look at him. Kung sya siguro ang example ng rapist eh baka ang dami ng babaeng magpaparape. O baka sya pa ang marape! Hehe. Joke lang, kidding.

"Di ikaw ang tipo na pag-iisipan ng masama, miss. Maya ligtas ka sa masasamang loob. Unless wala silang taste or nakadrugs na sila." Mahinahing sagot nito at nakakalokong ngumiti.

"Aba-aba mister! Dyan ka nagkakamali! kung di mo lang alam ang dami ng lalaking uniyak sa pagkabasted dahil sa akin at tsaka paano ka naman di pag-iisipan ng masama, Eh nung nagmadali ako sa paglalakad eh binilisan mo din ang lakad mo, aber?" Nakataas kilay kong tanong

"Ahhhh eehhh, ganito kasi ahhhh. k-kasi.. kasi mag isa ka lang at baka mapaano ka kung nag-iisa ka lang maglakad" sagot nito pero halata na nagcocompose pa ng sasabihin.

Mas cute pala sya pag nag iisip ng isasagot.

"Bahala ka nga!" Naiinis akong tumalikod at naglakad ulit

Nakarating na lang ako sa bahay namin pero nakasunod parin sya kaya kinausap ko ulit sya

"Saan ka ba talaga uuwi?" mataray kong tanong

Nilagpasan nya lang ako at hindi sya sumagot. Suplado! Nakita ko syang tumigil sa katabi naming bahay at nag doorbell. So doon pala sya. Akala ko sinusundan nya talaga ako.

Pumasok na ako sa gate namin at patuloy lang ang pag-doorbell nya sa kabila. well, para na syang tanga. Ang alam ko pumunta sa America yung may ari ng bahay.

Mamumuti na lang ang mata nya kasabay ng uwak eh di yan bubukas. Tsk. Maglalakad na sana ako papunta sa main door ng bahay ngunit napansin ko maya-maya na naglakad ito papunta naman sa gate namin. Ano to? house to house door bell?

"Anong kailangan mo!?" Naiinis kong tanong

"Nasaan na yung nakatira sa kabila?" Tanong nito habang nakaturo pa sa katabing bahay namin.

"Ang Alam ko umalis..." mahinahon kong sagot habang nakatingin sa kanya.

"Shit!" Narinig kong mahinang mura nito.

Tumalikod na ako at maglalakad papasok ng.

"Miss, pwede ba dito nalang muna ako matulog?" Habol na tanong nito sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya habang nakataas kilay.

"Please...." pagpapacute nitong pakiusap

Neknek mo ulol!

" no." Sagot ko dito bago nang-aasar na ngumiti

Yun lang ang huling usap namin bago ako tuluyang pumasok.

Aba! matindi sya! Hindi ko nga alam ang pangalan nya papatuluyin ko pa sya at patutulugin? What if magnanakaw pala sya at ginagamit nya ang kagwapuhan nya sa pang momodus sa mga dalaga? No way! Di ako masasali sa listahan nya! Tsaka yang mga gwapong kagaya nya madaming babae, at yung mga babaeng yun eh kayang latuluyin sya. Not me mr. Don't me. tsk!

"Kath." tawag ni tita sa akin na kabababa lang at mukhang kagigising lang.

"Good evening tita" bati ko dito at nagmano.

"Sino ba tong kausap mo sa labas? Parang may narinig kasi ako." Sabi ni tita.

"Wala po yun." nakangiti kong sagot

"BABE! PLEASE KAUSAPIN MO NAMAN AKO OHHH! SORRY NA BABE."narinig naming sigaw mula sa labas.

WHAAATTT?????

Napatingin si tita as in WHAT-IS-HAPPENING?-look

Umiling lang ako bilang sagot.

"BABE SIGE NA, SORRY NA!" sigaw ulit ng tao mula sa labas

Anong nangyayari sa kanya?!

Nagmamadaling lumabas si tita at mukha pang nagulat sa nakita kaya lumabas na din ako.

Ahhh! ano 'to?! bakit sya nakaluhod?!

Tumakbo ako palapit sa bwisit

"Anong ginagawa mo?"pabulong kong tanong

"Babe, please patawarin mo ako. nagawa ko lang yun dahil mahal kita." Pakiusap nito at pinilit pang abutin ang kamay ko mula sa rehas ng gate.

Napalingon ako kay tita at laking gulat ko na katabi nya na si Tito. Bumalik ako ng tingin sa bwisit.

"Anong pinagsasabi mo? ni hindi ko nga alam ang pangalan mo ehhh" pabulong pero naiinis kong sabi sa kanya

"Sorr-------" naputol ang sasabihin sana nito ng magsalita si tita.

"Tumayo ka na dyan at pumasok ka dito, ikaw naman Kath samahan mo na sya sa pagpasok" utos ni tita sa akin.

Pumasok na sila tita at Tito sa loob, Binuksan ko ang gate at tumayo na ang loko.

shit!!

pang best actor ang gago akala mo totoo, may pa iyak-iyak pang nalalaman!

Sabay kaming pumasok at matalim ko syang tinitigan hanggang sa makapasok kami sa pinto ay di ko pinutol ang titig ko sa kanya.

Alex POV

I am Alexander Hernandez, 20 years old, anak ng may-ari ng pinaka malaking kumpanya sa buong Asya,
describe my self well masasabi ko lang ay, I'm perfect mula sa height hanggang sa itsura, gwapo, PERFECT!

Brown ang mata, may taas na 6'1, mapipilantik ang di kakapalan at hindi kanipisang pilik mata, itim na itim ang makapal na kilay, may mataas at pointed nose, natural na pinkish lips, at masculine na katawang hindi naman sa nagmamayabang eh madami na ang nagkakagusto, lalo na ng 6 packs abs ko.

Well back to the story...

Matalim syang nakatingin sa akin akala mo any time kakainin nya ako ng buhay.

Sorry talaga miss kailangan lang talaga eh, wala kasi ang friend ko, at wala akong tutulugan dahil naglayas ako.

Buti nalang magaling akong umarte hahahahaha best actor kaya ako, ang lahat ng mga naging GF ko ay natablan nito.

Sumunod din ako sa kanya kanina dahil sa totoo lang takot ako mag-isa lalo na pag di ako pamilyar sa lugar. sorry talaga miss. wait ano nga kaya ang name nya?

ah! got it naalala ko na kanina nung nadapa sya nakita ko na Katherine Lopez ang name nya sa name tag nya sa bulsa ng damit nya.

When They Accedentally Meet(COMPLETED✔)[still Editing]Where stories live. Discover now