*PRESENT TIME*"Nasan ka?"pasigaw na tanong ng nasa kabilang linya.
Napangiwi na lang ako sabay layo ng phone sa tenga ko. Natawa na lang ako kase siguradong umuusok na ang ilong neto ngayon.
"Wag kang tatawa tawa dyan! Sagutin mo ko! Nasan ka?"
"Relax---"
"Relax? How do i relax? Eh, bigla ka na lang nawala! Sabe mo mag c-cr ka lang. May mag c-cr bang inabot na ng isang oras di pa nabalik? At ang malupet pa dun ni anino mo wala! Now tell me nasan ka?!"
Woah! Galit na talaga sya. Wala sa loob kong napakamot sa noo ko kahit di naman makati.
"Where. Are. You?!"
"Okay. Okay. Nasa kotse ako ngayon?"sabe ko.
"Isa! Sumagot ka ng maayos!"
"Nasa kotse nga ako."muli kong sagot. Kaya nakatanggap na naman ako ng mga sigaw mula sa kanya kaya ni loudspeaker ko na lang phone ko,mabibingi ako. Kawawa naman ears ko. Pati ba naman ito kailangan masaktan? (HUGOT?)
"Seryoso. Nasa loob ako ng car ko."
Nanahimik ang kabilang linya." Okay. Sana sinabe mo na lang umuwi ka na para di na ko nag aalala."malumanay nyang sabe.
"Huminga ako ng malalim. "Di pa ko umuwi."mahina kong sabe pero alam kong narinig nya yun. "Gusto ko syang makita..... Makausap.... Maka----"
"Hoy! Don't tell me----"
"Sandali lang ako..... Promise."
"Pero---"
"Pag bigyan mo na ko."muli kong putol sa sasabihin nya sana.
Narinig kong nagbuntong hininga ang kausap ko. "Ganto na lang. If you want pwede kitang samahan."
Napangiti ako ng tipid. "No i can manage na and don't worry about me pakatapos kong kausapin sya uuwi rin ako."
"Sabe mo yan ha? Pero kung kailangan mo ng....you know what i mean....."
"Yeah,yeah."sagot ko na natango pa kala mo naman nakikita ng kausap ko. "Sige na. Bye."
Nasa harap ako ngayon ng bahay nila,actually nakaparada ang kotse ko sa gilid ng daan. Kanina pa ko dito pero parang ayokong lumabas ng kotse. Ewan ko ba. Kanina naman halos paliparin ko ang kotse ko makarating lang dito sa sobrang pagka excited ko na makita sya pero ngayon sobra akong kinakabahan.
Buti na lang nakabili ako ng ilang beer incan kanina habang nagpapa-gas ako. Makakatulong 'to ngayon sa kin lalo na kabadong kabado ako.Naka ilang beer na ko at parang nakakaramdam na ko ng pagkahilo kaya ipinilig ko ang ulo ko. Di pwede nya akong makitang ganto ang itsura ko kaya inayos ko ang sarili ko. Itinali ko ang nakalugay kong buhok, pinunasan ko ang mukha kase naman pinagpapawisan ako kahit may aircon naman ang BABY ko. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Pwede na.
Kinuha ko phone ko tas dinayal ang number nya. First try, busy. Second try, busy. Third try, busy pa rin! Sinubukan ko paulit ulit pero ganun pa rin,busy.
Nubayan? Di man lang ako makasingit.
Muli akong nagtry at thank you, Lord! Nag ring din sa wakas! Naghintay akong sagutin nya call ko pero antagal na nagri ring ayaw pa rin nyang sagutin. (O baka naman.......wala talaga syang balak sagutin ang call mo?) Eto talaga si utak walang magandang sinasabe. Panira ng confidence."Please pick up the phone."bulong ko habang nakadikit pa rin sa tenga ko ang phone ko. "Please....please."
"Hello?"
Napa ayos akong bigla ng upo ng marinig ko ang boses na yun. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"H-hello..."gosh. Nauutal ako. Lumunok ako kase feeling ko nanunuyo ang lalamunan ko. "H-hey...."shit! Nauutal talaga ako! At parang.... parang.... Nanginginig ako?
Nanginginig nga ako! Fuck this!"Oh."tipid nyang sagot.
"U-uhm.... A-ah.... A-ano k-kase...."
"Kung may sasabihin ka,sabihin mo na. Inaantok na kase ako." cold nyang sabe.
Nataranta ako ng marinig ko yun. Nag isip ako ng sasabihin pero.....fuck! Wala akong maisip!
"Okay. Bye---"
"Wait!"mabilis kong sabe. Sana wag nyang i-end ang call. Narinig ko ang pagbuntonghininga nya sa kabilang linya.
"H-hello?..."ako.
"Hmm...."
"Can... Uhm...can we talk?.... Please?"ako.
"A-no kase eh.... Pwede next time na lang? Super late na kaya. Gusto mo sa ano na lang... sa pagbalik ko na lang dyan?"
"No need na. Nandito na ko."
"Huh?"
"Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nyo."sabe ko sabay labas sa kotse ko.
Nagkatinginan kame mula rito sa kinatatayuan ko at sya naman dun sa terrace nila. Halata sa itsura nya ang pagka gulat ng makita nya akong nakatayo sa labas nila. Actually,kanina ko pa syang pinanonood mula sa loob ng car ko. Alam ko din kung sino ang kausap nya sa phone kanina pa.
"Pwede na ba tayong mag usap?
..................JHO?
AUTHOR'S NOTE:
Ang mga lugar at mga ganaps ay mga gawa lamang ng aking imaginations.
Ang mga characters na ginamit ko ay may kinalaman pa rin sa kanilang buhay pero ang kanilang ugali rito ay di naman siguro ganun sa tunay na buhay. (Hopefully.)Sana po ma appreciate nyo story ko.
Ito ang version ko ng kanilang #FRIENDSHIP GOALS (daw) nila. Hehehe....Kahit may pinagdadaanan ang ship naten ay go lang! Kahit walang ganung ganap ay keri na! Dito na lang tayo sa wattpad, kontrolado naten sitwasyon. Always may ganap at happy ang ending (?) Dito muna tayo kiligin!
Dami ko ng sinabe.
Pero THANK YOU na agad sa mag babasa netong pangit na story ko.
(Nilait ko talaga eh no) Lol!
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
FanfictionTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!