61

4.5K 56 1
                                    

ALYSSA

Andito ako ngayon sa ateneo, nasa labas lang ako ngayon ng BEG. Nakatanaw lang ako sa harapan neto ngayon, mula sa kinatatayuan ko at habang inililibot ko ang paningin ko sa estrakturang nasa harapan ko ngayon ay di ko mapigilang di maalala ang lahat.

Ang unang araw kong tumapak sa gym na to, ang unang araw na nakipagtraining ako sa kanila, ang una kong pag iyak dahil sa pagod sa training at dahil sa pagkamiss ko sa family ko and marami pang iba.

Napangiti ako bago ako tuluyang pumasok sa loob. Papasok pa lang ako ay binabati na ako ng mga nakakasalubong kong student athlete din na kagaya ko.....NOON (ehehehe....😅) Yung iba pa nga ay humihingi sa kin ng selfie kaya pinagbibigyan ko din naman.

Nagpatuloy akong lumakad papasok sa loob, lalong lumalakas ang mga naririnig kong boses , mga malalakas na hampas sa bola, mga pagtalbog ng bola sa floor, mga hiyawan, sigaw ni coach tai.......

Si coach tai.... napangiti ako.

Ang nagpasimula ng "happy happy" lang sa paglalaro sa court and nag introduce sa min ng "hearstrong" mantra ng team almost 4 years na. Ang pinaka malupet na magpatraining na coach na naranasan ko sa buong collegiate career ko. 😅

Ang coach na mas marame pa yatang naiinom na tubig sa min at mas pagod every game namen dahil sa likot at sa pag checheer sa min every point ng team.

Nakakamiss sya. Yung papagurin ka sa training na para bang gugustuhin mo ng "mamatay" sa hirap at pagod pero all worth it naman ng mga pagsisigaw nya sa inyo at mga "penetensya" namen dahil maganda naman ang resulta non. Maiinis ka sa kanya dahil sa mga "pahirap" nya sayo sa training pero maaapreciate mo ang mga paalala nya hindi lang tungkol sa vball minsan pati sa personal mo.

Umupo ako dun sa part na di nila ako mapapansin. May kalayuan ito sa court at kita ko ang bawat galaw nila. 8pm na pero parang mageextend sila ng time kase panay pa rin ang paghagis ng bola ni coach kay jia na iseset nya kay jho.

"Ikaw ngayon ang paborito." nasabe ko saka nangiti.

Alam kong sa pag alis ko sa team ay kay jho nila ibibigay yung responsibility sa scoring department. Nung una palang na isinalang si jho sa laro ay alam ko ng may ibubuga tong kababayan ko, may lakas ang palo nya at ang pag lipad nya sa ere ay talagang nakakamangha lang. Sabe ko nga na onteng hasa pa at mabigyan ng mas marameng playing time si jho sa court eh magiging lethal spiker din ito.

Di nga ako nagkamali dahil last season ang pinaka malaki nyang break na mag starting 6 na sya kasama namen. At ngayon nga lalo pa syang mahahasa dahil sa pagtutok sa kanya ni coach tai, kasama pa na meron kameng magaling na setter na si jia na merong "magic touch" sa mga bola na sineset nya. Malaki ang chance nameng maibalik ang korona sa katipunan.

Pagkatapos ni jho ay si kat tolentino naman ang "papagurin" ni coach hehehe....✌😁

Kita ko dito mula sa kinauupuan ko ang paglapit agad ni bea kay jho di pa man ito tuluyang nakakalapit sa kanila. Agad nyang inasikaso si jho, ipinunas ni bea ang towel netong kanina pa nya hawak sa pawisang si jho. Lumayo sila ng onte sa mga kasamahan nila at dun umupo sa upuan, asikaso pa rin nya ito. Inabutan nya ito ng tubig then punas agad sa noo then sa leeg at balikat neto. Di pa nakuntento eh pinatalikod nya si jho tas itinaas ng onte ang shirt neto tas pinunasan.

Onteng kwentuhan tas maya maya eh nakita kong minamasahe na bei ang balikat ng beh nya. Nakita ko pang pinalo ni jho ang kamay ni bea na tinawanan naman ni bea bago muling minasahe ang balikat neto.

Di rin nakaligtas sa paningin ko kahit pa nga na may kalayuan ako sa kanila ngayon ang pasimpleng(nakaw na) halik kay jho! 👀
Napa ayos ako ng upo at di ko na hiniwalayan ng tingin ang dalawa na nasa sidelines talaga ng court at nag moment na naman.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now