BEA
15 minutes.
15 minutes, na mula ng mag start ang morning training namin ay saka pa lang dumating si "negra". Kaya ayun, na awardan sya ni bundit. Pinagalitan sya neto at dinoble pa ang parusa sa kanya.
Every time kase na may male-late sa min ay automatic na ang parusa sayo or sanyo.
Eh wrong timing pa ang pagkalate ni Maraguinot ngayon. Bad mood si coach, masama ang gising! Halos lahat kame nasita nya ngayon! Maging si captain phenom di nakaligtas!Habang nakatayo ako at hinihintay ang turn ko sa pag spike ng bola ay di ko maiwasang mapatingin kung nasan si "negra". Nasa isang sulok at ginagawa na ang isa sa dalawang parusa nya ngayon.
Natapos na nya kase yung una. At yung pagtakbo sa Moro field ng 30 times! At take note, ng walang tigil, ha! Gusto ni coach tai tuluy tuloy ang pagtakbo. #BAWALMAPAGODKitang kita ko ang pagod ni Maraguinot sa face nya. Butil butil ang pawis nya sa mukha at basang basa na rin ang suot nyang shirt. Parang na feel ko ang pagkaawa sa kanya ngayon. Parang may kung ano sa loob ko na nagsasabeng "tulungan mo na sya".
Saka ako bumalik sa kasalukuyan ng may tumama sa king mikasa (brand po yan ng volley ball)Saka pa lamang ako tumingin sa kanila.
Inihagis ko ang bola kay jia at binigyan naman ako ng magandang set, kaya...... Bang! Lumagapak sa sahig ng gym ang malakas na pagpalo ko sa bola."Nice one, bei!"cheer sa kin nina trey at maddie. Ganyan talaga guys, mahal ko yan! Bayad kaya ang dalawang yan,charot!
Batch mate kame kaya suportahan ang magagawa namin sa isat isa!Balik ako sa likod tas muli akong tumingin kay "sungit"na nag pu-push up na. Narinig ko ang pasimpleng pagbulong ni jamie Kay gizelle. 30! 30 push up ang pinagawa ni coach sa kanya!
"Wawa naman si marag."comment ni kim pero pabulong din.
Napalingon ako sa likuran ko ng sabihin nya yun. Tas muling binalik sa kanya ang tingin ko, na ngayon ay nakatayo na at parang pinagsasabihan sya ni assistant coach. Nakatungo lang sya at paminsan minsan ay natango.
"Huy!"tas muling may tumama na bola sa kin. Napakamot ako sa ulo at muling nag spike.
Paglipat ko sa likuran ay nasusundan ko na si "negra". Gusto ko sanang tanungin sya kung okay lang ba sya pero wag na lang. Baka di nya magustuhan at alam Kong ayaw nyang pag usapan kaya shut up na lang ako.
*AFTER 2 DAYS *
Nalaman na lang namin kay ate ly na suspended si Maraguinot sa buong season ng SVL. Meaning di na "muna" sya makakapaglaro kasama ang team sa competition. At least dito lang sya sinuspend at di sa up coming season ng UAAP.
Kase ba naman naulit na naman ang pagka-late nya sa training at malala pa dyan ay minsan di na umaatend ng training!
Tapos malalaman na lang namin ay nakipagkita sya dun sa GWAPOng LOKOng yun. Kung ilang beses na rin syang pagtakpan ng team besh at lalong lalo na ni captain phenom sa coaching staff.
Eh, minsan may nakakita kay Maraguinot na nasa San Marcelino (Adamson university) sya at nakatambay na parang may hinihintay. Eh, may training kami that time at kung minamalas ka pa,ang nakakita pa sa kanya si sir Ricky (palou)!
PAKTAY NA!Wala ng nagawa pa si ate ly. Nang gabing yun ay kinausap sya ng pribado ni
captain phenom. Pwede naman daw syang sumama pero nasa side lines lang sya at panonoorin lang kame.Pero matigas talaga bunbunan ng babaeng yun!
(Hala! Bakit? Nakapa mo talaga?)
May epal na naman po!
Sinabihan na kase kame ni ate den na magsitulog na kaya kanya kanya na kameng akyat sa mga rooms namin. Nagsi pahinga na ang buong team dahil galing kame sa game kanina at thank god nanalo kame! At dahil maganda ang naging performance ng buong team ay nilibre kame at ang lahat ng coaching staff ng masarap na dinner pagkatapos ng training namin kanina,sagot ng ateneo management. Syempre basta foods at higit sa lahat, magic word lang katapat nyan
#LIBRE.LOL!Pag sinabe kong buong team as in kameng lahat! At kakalimutan ba namin si "Miss sungit"kaya kasama sya maka experience ng libreng foods! Suspended lang naman sya sa SVL pero kateammate pa kame.
Di muna ako natulog agad kase nag re-review muna ako,may long quiz kame bukas sa HISTORY!
"Oh shoot!"mahina kong sabe ng makita ko ang relo ko! "Quarter to 11 na!?!"
Mabilis kong inayos yung gamit ko pero i make sure na di ako magiingay,para di ako awayin ng ka room mates ko. Therese and Maddie and also Me are sharing a room.
Actually dalawa lang ang bed sa isang room pero sa room namin yung isa maypagka malapad naman,pwede nga ang dalawa dyan at yung isa naman ay single bed. Kaya ang ayos namin ng ka-batch ko, magkatabi sina maddie at trey. At ako naman, syempre dun sa single bed pumuwesto agad habang nagtatalo ang batchies ko. Kaya ng matapos ang cute debate ng dalawa ay wala na silang nagawa pa nakahiga na ko eh!May nakita akong liwanag sa labas ng room namin. "May gising pa?"bulong ko sa sarili ko. Mabilis ding nawala ang liwanag kaya sinundan ko ito. Pagkabukas ko ng pinto ay may naaninagan akong anino na pababa ng hagdan.
Na-curious ako kaya sinundan ko ito. Nasa hagdan na ko kaya sinilip ko na kung sino yun.
Di nga ako nagkamali ng hinala.
Si "sungit"! Si "negra" nga 'to!
At palabas na sya ng pinto ng dorm?!"San na naman pupunta ang babaeng 'to?
Don't tell me kay GWAPOngLOKO ka pupunta? At sa gantong oras pa talaga?
Baliw ka na talaga!"(Lumabas na sya!) Panic na sabe ni brain.
Bahala na sya 'no! Gusto ata nya mapagalitan uli ng coaching staff.
(Kaya ba ng konsensya mo na pagalitan sya na alam mong meron ka naman magagawa para pigilan sya?)
Eh, di naman yan makikinig sa kin. Asar nga yan sa kin, eh.
(Kung makipagbati ka na kase. Bawas bawasan mo na ring asarin sya.)
Di naman na, ah! Sya lang 'tong naiinis sa kin ng walang dahilan!
(Okay. Fine. Wala na kong sinabe.)
"Urgh! Okay. Okay. Pinapakonsensya pa talaga ako neto. Oo na. Sige na. Pero susundan ko na lang sya! Yun lang!"parang may kaaway ako neto, eh. Sarili kong brain nakikipagaway ako! Tsk!
Sa kakasunod ko sa babaeng 'to ay napadpad kame sa............
.......sa rooftop?
"Anong gagawin nya dito?"tanong ko sa sarili ko.
(Baka dito sila magkikita ni GWAPONG LOKO!)
Weh? Di nga?
(Or.... Or....or---)
"Or what?"ako at napatakip sa bibig ko dahil napalakas ang pagsalita ko kaya napalingon sya sa gawi ko at buti na rin lang nakapagtago ako sa-----
(Sa likod ng pinto ng rooftop! Hahaha....)
Ano pa nga ba? Hay naku, mabuti rin may kadiliman dito at di ako mapapansin.
Tiningnan ko sya na ngayon ay nakatalikod sa kin,nakaharap sa labas. Umupo sya sa gutter ng rooftop tas parang may kinuha sa isang plastic.
(Or baka naman may gawin sya sa kanyang sarili..... You know, broken yung tao.)
Shut up!
Di na ko nagdalawang isip at lumapit na ko sa kanya. Imbis na magulat sya kase biglang pagsulpot ko sa likod nya, ay ako pa ang nagulat ng bigla syang magsalita.
"Ba't mo ba ako sinundan?"tanong nya sa kin ng di lumilingon.
Napahinto ako sa paglapit sa kanya.
Alam nya? Alam nyang nandito ako? At sinundan ko sya?"E-eh, i-kaw? Anong ginagawa mo dito? May kikitain ka ba dito?"lakas loob kong tanong.
Di sya sumagot.
So.....totoo may kikitain nga sya dito!Maya maya pa ay may narinig akong parang may binuksan na in can na drinks. Nakita kong tumingala si "sungit" na para bang umiinom.
Nilapitan ko na sya ng tuluyan at na shock ako ng makita kong.....
"UMIINOM KA!?!"
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
FanfictionTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!