19

5.1K 74 2
                                    

JHO

"Ano,wala ka pa ring napili?"si ate ells na naiinis na.

"Ihhhh......wala pa."ako.

"Eh, halos lahat na ng boutique dito napasok na naten. Wala ka pa ring nagustuhan?!"di makapaniwalang sabe ng donya.

Napa pout na lang ako. One week ng nakalipas ng mag celebrate kame ng beh ko ng "friendsary" namen at wala pa rin akong gift sa kanya! Ang sabe naman ni Beatriz ay wag na lang daw at next time na lang kase nga naging busy na rin kame. Nag start na ng class at twice a day na rin ang training.

Pero bilang ako si Jhoana Maraguinot na matigas ang ulo ay gumawa ako ng paraan. Ang motto ko kase "PAG GUSTO MAY PARAAN, PAG AYAW MARAMING DAHILAN"

Dahil GUSTO ko ay nakagawa ako ng paraan. Tinawagan ko ang donya para magpatulong sa kanya kase kung isa sa mga ka teammates ko ay madali lang kame mabuko ni beatriz. Sa daldal ba naman ng mga yun!

"Uy, ineng, pagud-tom na aketch!"reklamo ng donya tas binagalan ang paglalakad.

Inaya ko ng mag merienda ang donya kase wala akong mapapala sa kanya kung wala 'tong energy mag sasama sa kin sa pag iikot dito sa mall. At para masiyahan ang donya ay punta kame sa shakeys,agad akong umorder tas ng makuha ko yun ay galit galit muna ang peg namen netong "nanay" ko, pareho kameng nagutom!

"Oh, ano? Pagkatapos nateng lumamon,anuna?"si ate ells na kakatapos lang ininom ang ice tea. "Lilibot pa rin ba tayo?"

"Ewan ko."sagot ko naman. "Aray naman!"
Pinalo ba naman ako sa kamay.

"Anong ewan mo?! Aba, Pinaaalala ko sayo Maraguinot, ha, na nag half day pa ko para sayo kase sabe mo magpapatulong ka sa pag hahanap ng pwede mong gift sa beh mo. Tas ngayon, yan ang isasagot mo sa kin! Gusto mong sabunutan kita?"mataray nyang litanya.

"Ihhh...di ko alam ang ireregalo ko sa damulag na yun!"ako tas napanguso pa.

Totoo naman kase eh. Di ko alam kung ano ang pwede kong ibigay na gift sa kanya. Kase nga "NASA KANYA NA ANG LAHAT" halos. Remember mga bes, RICH KID ang beh ko at halos lahat ng gusto nya or nagugustuhan nya ay nabibili nya. Minsan pa nga ibinibigay pa sa kanya ng parents nya bilang gift. May okasyon man o wala. Di ba? RK talaga ang beh ko.

"Ganto na lang ineng,"si ate ells na umayos ng upo at sumeryoso ang fez....ng slight. "Di ba malapit na rin naman ang b-day ng beh mo? Mas makakabuti ng sa b-day nya na lang mo ibigay ang gift mo para di magastos!"

"Eh, ganun din donya! Bibili pa rin ako ng gift sa kanya. Ang hirap kaya nyang bigyan ng gift, pano ba naman? Ang RK nya! Baka di nya magustuhan ang ibibigay ko sa kanya."parang bata kong sumbong sa nanay ko.

"Ay, yun naman pala! Kaya di makapili ng gift para Kay de leon ay nag e-emote pala sya! Sabagay, feel kita dyan 'neng. Ang hirap ngang bilhan yang si bei. Di naman sya maarte pero 'lam mo yun? Yung tatanungin mo pa sarili mo kung meron na ba sya neto or what?"

Ay, salamat naman! Na gets na rin ng donya!

Nandito pa rin kame sa mall at napag pasyahan na lang namen ni ate ells na mag window shopping. 3:48 pm pa lang naman at tapos na rin yung class ko this time, actually kanina pang 3:00.
Okay. Nag skip po ako ng class ngayon kase nga mga bes, ngayon lang nagkaroon ng medyo maluwag na sched ang donya kaya gri-nab ko na 'to. At saka, akala ko kase may mabibili na kong gift kay beatriz. Nag promise kase ako kaya gusto kong tuparin yun....pero sad to say,parang uuwi akong "luhaan". Wala akong mapili para kay beh! Nubayan?

Palabas na kame ng mall ng donya ng mapadaan kame sa isang stall na nagtitinda
ng mga cute t-shirts. Kaya inaya kong pumasok dun ang donya. Pagkapasok namen ay agad kameng inasikaso ng saleslady. May mangilan ngilan ding pumapasok na kustomer, sumenyas sa kin si ate ells na magtitingin tingin din ito kaya tumango lang ako bilang sagot.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now