JHO
Nakakailang. Hindi ko alam pero yun yung nafefeel ko ngayon. Kasama ko ngayon si tita det---mommy ni bea. Sya kase yung halos makabungguan ko sa front door ng eliazo, inaya nya akong mag merienda na hindi ko naman matanggihan kaya imbes na kina maki ang punta ko ngayon eh kay tita na ko sumama. Sa malapit lang na coffee shop kame nagpunta, around katipunan pa rin naman.
Lumipas na ang ilang minuto at nangangalahati na yung frappe ko at maging yung kape nya ay wala sa min ang nag basag ng katahimikan sa pagitan nameng dalawa, tanging yung background music na maririnig mo na nagpeplay ngayon dito sa coffee shop.
Nakakapanibago si tita ngayon, although malambing at ngumingiti sa kin si tita pero alam ko at ramdam ko yung kakaibang vibes nya ngayon. Nakakapagtaka lang hindi nya hinanap si bea sa kin na madalas nyang tinatanong pag nagkikita kame at hindi nya agad makita yung makulit nyang anak na kasama ko.
Siguro alam ni tita kung san si bea ngayon, nakapag paalam sya sa mommy nya pero sa kin hindi nya nagawa. Naipaalam din kaya ng magaling na yun ang di nya pagpasok ngayon ng buong araw, sa lahat ng subjects nya at andun ngayon kina maki at masayang nakikipagharutan dun sa kung sinumang babaeng yun. Grrr....😠
"Goodluck nga pala sa game nyo sa saturday." basag ni tita sa katahimikan namen. "I know you can do it. May game 3 pa kameng aasahan sa inyo." nakangiti netong sabe.
"Gagawin po namen lahat ng makakaya namen para makaroon pa ng game 3. Ibabalik po namen yung korona sa katipunan." nakangiti ko ring sabe sa kanya.
"So we expect na all out na yung game nyo ha?" tanong nya na tinanguan ko naman.
"Opo. Kelangan." sagot ko. "We give our 110% na effort at teamwork sa game 2."
Nginitian naman ako ni tita, kala ko umpisa na yun ng tuloy tuloy na pag uusap/kamustahan namen pero nanahimik na naman kame. Nakakailang talaga. Hindi ako sanay na ganto kame ni tita.
"Wala ka talagang pasok, hija?" muling basag nya ng katahimikan sa min kaya napaangat akong bigla ng tingin kay tita na kaharapan ko ngayon sa mesa. Bago kase nya akong inaya ay tinanong na muna nya ako ng ganyang tanong kanina.
"Yes po tita." sagot ko naman tas nagsmile sa kanya. "Bukas pa po."
Napatango tango sya. "Tamang tama naman pala yung punta ko." si tita at sumimsim ng kanyang kape.
May problema kaya si tita? Hindi kase sya yung tipong pala punta sa eliazo kahit pa nga pinipilit sya ni bea kaya nakakapanibago lang na paglabas ko eh sya agad yung nakita ko and agad nya akong inaya.
"Actually, ikaw talaga yung ipinunta ko sa ateneo. Meron lang sana akong sasabihin....hihilingin sayo.....and sa tingin ko mas magandang personal ko yung masabe." si tita det pa rin.
Ako!? Ako talaga yung ipinunta nya sa ateneo. May problema nga siguro si tita....Pero bakit ako? Di ba kung may problema nga sya dapat si bea yung kinakausap nya lalo na at kung personal yun at family matters.
Muli nakita ko ang pagbuntong hininga nya. May problema nga si tita. May kinalaman kaya si bea dun?
"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa...." panimula ni tita.
Hindi ko alam pero nung bitawan nya yung salitang yun ay bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Pilit kong inaalis yung kabang yun at di in-entertain pa, nag focus na lang ako kay tita na mataman sa king nakatingin.
Para namang humugot ng malalim na hininga si tita bago syang nagsalita. ".....Putulin mo na yung kung anuman na namamagitan sa inyo ng anak ko.....Ni bea." si tita.
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
FanfictionTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!