BEA
"Anong problema non?"
Takang tanong ni gizelle, napatingin kami
kung sino ang tinutukoy nya.
Si jho pala. Na ngayon ay papalabas na ng gym. Katatapos lang namin ng training at paalis na rin kame, sa dorm na lang kame mag lilinis ng katawan namin tutal naman 8:00Pm na para tuloy na rin ang dinner namin."San punta naman kaya ni jho?"curious na tanong naman ni trey.
Oo nga. San kaya nagpupunta ang babaeng yan? Halos everyday naalis, minsan pa nga dalawang beses pa! (Ba't gusto mong malaman?)nakikisabat na naman si utak.
"May inaasikaso lang sya, girls."sabe ni ate ly.
"Wag nyo na nga pakelaman pa si maraguinot."sabat naman ni ate ella. "Tara let's na! Pagutom na me!
11:00Pm
11:00Pm na pero wala pa si "negra".
Kanina pa sya naalis at hanggang ngayon di pa rin sya bumabalik. Di pa yun nag di-dinner. (Wow, concern sya!) Eh di wow.Okay. Fine, fine.
Sige na. Concern na kung concern!
Dapat lang di ba? Kase nga po teammate ko sya. At di lang naman ako 'no? Actually halos lahat kame nag aalala na sa kanya.
Ang team besh at ang jiamich lang ang hindi. Parang sila lang ang nakakaalam sa pinupuntahan ni maraguinot.Pero feeling ko....may iba pang dahilan kung bakit ganun sya recently.
Di ako makatulog kaya bumaba ako sa kitchen para magtipla sana ng gatas, para makatulog na ko. Sabe kase ni mom drink lang ako ng milk para mapabilis ang pagtulog ko. Kaya hanggang ngayon big girl na ko dala dala ko pa rin ang sabe ni mommy. Good girl be like! Tularan! Lol.Tumuloy ako sa kitchen at kukuha na sana ako ng baso ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng dorm.
Kinabahan ako kaya dali dali akong nagtago sa likod ng pinto ng kusina. Nakiramdam ako sandali pero biglang nanahimik,gusto ko sanang silipin kung sino yun pero natatakot ako!
Baka multo! Ayokong makakita ng ghost!
Or baka.... baka magnanakaw! Pinasok kame ng magnanakaw! Oh shet! I need to call ate ly. Fuck! Nasa room ko pala phone ko! What to do?!Tahimik akong nagpa-panic dito sa likod ng pinto ng kusina ng marinig ko ang mahinang paghikbi. Natigilan ako pasandali at pinakinggan mabuti. May umiiyak! Shet! May umiiyak talaga! Alam nyo yung sa sobrang katahimikan ng paligid kahit pagbagsak ng karayom maririnig mo. Parang ngayon,tulog na ang lahat, tahimik na ang dorm kaya rinig na rinig ko ang pag iyak ng kung sino man yun.
(Pano mo malalaman kung sino yung taong yun kung di mo sisilipin?....)
May point ka dun, utak.
(....at kung tao nga ba yung naiyak?)
Pakyo ka! Nananakot pa! Upakan kita dyan eh!
(Hahahahaha.....)Okay. Fine.
Kung gusto ko malaman kung sino or anuman yung naiyak,kailangan ko silipin.
Hingang malalim, beadel. Inhale. Exhale.Unti unti kong binubuksan ang pinto at bago ko tuluyang mabuksan yun ay kinuha ko muna ang walis tambo na nakasabit sa likod neto.
Eto na. Bubuksan ko na......................"JHO!?!"
In-open ko ang ilaw sa sala ng dorm ng makilala ko kung sino yung umiiyak. At tama nga ko si jho. Si jho yung naiyak!
Pero....bakit? Bakit sya umiiyak?Inabutan ko sya ng isang basong tubig. Kumuha kase ako agad kanina ng makita kong halos di na sya makahinga sa kakahikbi nya. Buti na rin tinanggap nya.
Pagkainom nya ay nag patuloy pa rin sya sa pag iyak nya. Naupo naman ako sa single sofa na katabi lang ng mahabang sofa kung saan sya naka upo tas nakayuko lang habang walang tigil sa pagtulo ng kanyang luha. Tahimik akong nagbantay sa kanya, di rin naman sya umiimik kahit unti unti ng humihina ang pag iyak nya hanggang sa tumigil din sya. Pinakiramdaman ko sya kung may sasabihin sya pero wala. Lumipas ang ilang minuto pero tahimik lang sya....ako.... Kame.Pasimple ko syang sinusulyapan. At yun,tulala ang ate nyo! Pero ang malupet dyan, tulala na tumutulo pa ang luha! WOW! Nakaka amaze lang!
Pero kidding aside,Ano kayang problems neto? (Tanungin mo kaya, duh.)"Uhm---"
Di ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng biglang tumayo sya,kaya napatayo na rin ako. Sinundan ko na lang sya ng tingin habang paakyat ng hagdan pero huminto rin sya sa ikatatlong baitang...
"Salamat. Salamat sa tubig."sabe nya. "Salamat..... Salamat at di ka nangulit. Salamat sa katahimikan mo. Salamat sinamahan mo ko.....kahit sandali."dagdag pa nya tas nginitian nya ko!
Nginitian nya ko........ ng tipid.
Okay na yun. Kesa nakabusangot sya sa kin.
Nagpasalamat pa sya sa kin dahil di ko nga sya kinulit. Dapat lang di ba? Kase alam ko naman naiyak sya at di pwedeng asarin lalo lang syang ma badtrip. Alam ko naman ilugar ang kapilyahan ko 'no! Kala nyo, ha?
At nag pasalamat din sya sa pagsama ko sa kanya dito kanina. Bigla ko naalala ang oras.1:08Am!!!
Oh, shet! Umaga na! Sa kababantay ko sa kanya di ko na namalayan ang oras!
Maaga pa naman ang call time namin bukas, no, i mean mamaya sa training!
Dumating na kase si coach tai galing thailand. Bawal ma-late sabe ni ate ly, kapitana namin.Agad kong in-off lahat ng ilaw sa sala at sa kitchen. Dinoble (double) check ko rin ang pinto kung nakaluck na tas patakbo na kong umakyat sa room ko.
Good luck mamaya sa training sa kin!
Sana di ako lutang mamaya.
Good night... I mean Good morning everyone!
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
Fiksi PenggemarTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!