52

4.8K 76 23
                                    

JHO




Simula ng umatend kame ni beatriz sa get together nila ng mga high school friends nya sa poveda ay may napansin akong onteng pagbabago sa kanya. Madalas na itong natatahimik at para bang may malalim na iniisip, although andun pa rin yung pagiging jolly nya at pagiging bully nya sa team.Lam mo yun parang bawas na di na tulad ng dati at kung minsan ang cold nya sa min especially sa kin, ewan ko kung bakit pero yun ang nararamdaman ko.



Napapadalas na rin yung pagpunta nya kina maki, wala namang problema sa kin yun kase super close friend nya ito pati na rin si cel at di ko yun pinagseselosan. Promise. Walang selos akong nararamdaman sa kanila. Pero nakakapagtaka lang kase dalawang beses na sa isang linggo na sya kung magpunta roon at inaabot na sya ng hating gabe kung umuwi sa dorm at kung minsan pa nga ay di na sya nauwi. Di na rin kame minsan nag oovernight sa house nila kase nga na kina maki sya.



Pinapabayaan ko na nga sya kase naiintindihan ko naman yung sitwasyon nila kase sa tagal ng di sila nagkakasama sama at alam kong miss nila ang isat isa kaya siguro ganon na lang ang drama nila ngayon. Super busy rin naman kase ni bea, buhay student-athlete nga ba naman ang hirap kaya balansehin ang sports and acads. Lam nameng lahat yan 'no! Pero mga bes, proud ako sa damulag kong yan kase kahit hectic ang sched namen bilang athlete ay consistent yan sa acads nya at deans lister pa.



Nagpaalam na naman sya sa kin na pupunta ulit sya kina maki, ayoko sanang payagan kase may naka sched kameng date ngayon pero nagpumilit sya, sabe nya kelangan daw ni maki ng tulong nya para sa isa netong project. Alam nyo kase masyadong concern si beatriz sa mga friends nya kaya pag humingi ng tulong kahit na sino sa kanya ay gagawa yan ng paraan at oras para makatulong yan sayo, Isa din yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Napakabuti nyang tao kahit napaka pilya at bully nyan.😁



Going back, di na lang ako kumibo kase magpupumilit lang talaga ito at baka mauwi pa sa tampuhan kaya kahit mej nagtampo ako sa part na to ay pinayagan ko na lang. Nagpromise naman syang uuwi pagkatapos at niresched na lang yung date namen.😞🙁



Halos walang tao ngayon sa dorm, sunday ngayon at wala kameng game. Medyo hindi maganda ang kinalabasan ang last 2 games ng team, for the first time in this season na naka back to back na talo na ang team. Last week and last game of 1st round of elims ay natalo kame ng ameng archrival na DLSU tas kahapon lang natalo naman kame ng UP at ang masakit dyan ay una nameng game for 2nd round of elims yun. Medyo masakit sya sa min kase kame ang defending champs at ang laki ng expectation ng lahat sa min at we seeking for 3peat this season nga di ba .......Pero sabe nga sa sports ng vball ay dapat madali kang makalimot at wag masyadong indahin, ang dapat gawin ay maging positive lang.



Kaya nga halos walang natira ngayon dito sa dorm kase lahat gusto munang mag unwind at mag recharge ng good vibes dahil feeling namen masyadong naging toxic yung sunud sunod na pagkatalo ng team. Kaya nagsigalaan ang girls, may kanya kanyang lakad. Yung iba grupo, pero yung may ka lovelife ay nakipagbonding sa mga partners nila......At ako?.....uhm.....Eto paalis din. Wala naman dapat akong pupuntahan ngayon kase nga di ba di kame tuloy ng damulag ko at ang balak ko lang sana ay mag mukmok at matulog lang maghapon ngayon pero thanks kay ate ella at nag yaya na mag gala daw kame ngayon kaya nga eto papunta na ko sa tagpuan namen ng "nanay" ko.



Sakto din yung pagdating ko dito sa ayala mall kase halos kararating lang din naman ng "nanay" ko. Pagkakita ko pa lang kay ate ells at di ko na mapigilang yakapin sya, as in ng mahigpit ha. Na miss ko talaga ang donya!



"Huy, anuna?" si ate ells na inihinto pa ang pag kain nya para itanong sa kin yan.



"Huy, donya." saway ko kase may laman pa ang bibig neto ng tanungin nya ako. "Hanggang ngayon ba naman donya, ganyan ka pa rin?" saka inirapan ko sya at nagpatuloy kumain. Naramdaman ko na lang na may sumipa sa kin at walang iba yun kundi ang donyang kaharapan ko lang ngayong kumakain. "Aray ha!" reklamo ko.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now