BEA
Alam nyo yung feeling na akala mo okay na kayo pero feeling mo lang pala yun?
Ganun ang feeling ko!
Akala ko bati na kame pero kinabukasan dinedma,inisnob at para akong hangin lang sa kanya!Ang tinutukoy ko ay si "negra",AKA Jho Maraguinot!
Ay,wait! meron pa pala ako tawag sa kanya
"Sungit"! bwahahaaha.....Sa totoo lang,ha? Naiinis talaga ako sa kanya!
Pano ba naman......."Good morning everyone!"masayang bati ko sa team.
Nasa dining area na halos lahat ng team,habang hinihintay namin ang niluto ng JIAMICH .Sila kase ang nakatoka sa pagluluto ngayon.
"Matagal pa ba yan mga ineng?"si ate ella nahalatang naiinip na.
"malapit na,donya!" sigaw ni mich na nasa loob ng kusina.
"wag atat kase,besh."Si ate den habang nainom ng kape.
"uy,ang daya! Ba't si den maypakape ako wala?"sumbat ni ate ella. "Nasan ang hustisya ,Alyssa Valdez?"
"Mee too! No coffee rin!" sabat ni ate kiwi(amy).
Nagsituksuhan na rin ang buong team.Kaya wala ng nagawa pa si ate ly kundi timplahan ang dalawang nagtatampo kuno.
Eh,ang team ay likas na malakas na mangtrip kaya pati si captain phenom ay di
nakalagpas.
Inutusan lang namin na pagtimplahan kame ni ate ly!
Di ba ang cool non?hahahaha......Ang malupet pa dun ay di lang kape ang ipagtitimpla nya!
May gustong juice,gatas or chocolate drinks!"Mga walanghiya kayo!" nagbibirong sabe sa min ni ate ly habang inilalapag ang huling tasa ng kape.
"oh,kain na mga ANAK!"si mich habang dala dala ang bandehadong may laman na sinangag.
"Mga ANAK talaga?" si jia na natatawa pa at inilapag ang dalawang pinggan.Ang isa ay may laman na hotdogs at yung isa naman ay bacons.
"Buti naman nagising na rin ang sleeping beauty." si gizelle na ang tinutukoy nya ay si "negra".
Kabababa lang neto at halatang kagigising lang.Di nya pinansin ang sita ni gi(gizelle) nagtuluy tuloy lang ito sa paglapit sa hapag.
Walang bakanteng upuan kundi sa tabi ko lang kaya walang kibo itong umupo sa tabi ko."May topak na naman si JHO-SA." bulong ni kim na ikinatawang mahina nila ate aeriel at jamie.Nasa kabilang side ko lang sila kaya narinig ko yun,may kalakasan kaya ang pagkasabe kaya malamang narinig din yun netong katabi ko.
Nilinga ko ang katabi ko pero wala itong reaksyon.Baka di nya narinig.
Nagdasal muna kame then nagsimula na kameng mag almusal.
Panay ang kwentuhan ng iba,pinaplano na nila ang lakad nila mamaya.Sunday kase ngayon at wala kameng training.Inaaya nila akong gumala pero tumanggi ako kase uuwi ako ngayon sa bahay.Miss ko na ang parents ko at si kuya!
Tumayo ako at pumunta sa kusina.
Kukunin ko lang sana ang loaf bread kase mas gusto ko tinapay lang sa breakfast✌
Pero naalala ko ang nangyare kaninang madaling araw kaya nagtimpla ako ng kape yung matapang.Baka may hangover ang isang yun."Pahigop ha?" si "negra".
Narinig kong paalam nya kay ate mae,na nasa kabilang side nya."oh bei,akala ko ba gatas ang gusto mo?"si ate den.
Napahinto tuloy ako buti na lang nasa mesa na ko at paupo na.Nakatingin ang buong team sa kin na para bang hininhintay ang sagot ko. Hawak ko pa rin ang mug na may kape.
"A-ano....Oo milk nga ang gusto ko and this....."
Bahagya kong itinaas ang hawak kong mug. "This is not mine." casual kong sagot then inginuso ko ang katabi ko na kumakain na.Napatulala lang sila sa sinabe ko.
Di ko na lang inintindi at inilapag ko na ang mug sa harap nya tas umupo sa tabi neto at nagsimulang kumain ng......Tinapay.
Hehehehehe.......😄✌Nagkibit balikat na lang ang teammates namen at ipinag patuloy na ang pagkain.
Pansin ko na di man lang tinikman ng babaeng 'to ang tinimpla ko.
Pano ba naman dun sya kay ate mae nakikihigop ng kape!
Di na ko nakatiis kaya....."Pssst....Ba't ayaw mong tikman yung timpla ko?"pasimple kong tanong sa kanya na alam kong narinig nya.
Naghintay ako ng sagot sa kanya pero wala akong nakuha. Patuloy lang ito sa pagkain at parang nananadya pa kase hiningi pa nya kay ate mae ang kape neto.
Biglang uminit ang ulo ko pero pinakalma ko ang sarili ko.
Sunday ngayon.Ayaw ko ng may kaaway.
Ayaw ko ng magkasagutan kame ng babaeng 'to.Pero guys nakakainis lang talaga😠
Nag effort akong timplahan sya ng kape tapos.....tapos.....Argh!Nagsitayuan na ang mga teammates namen kase ayaw nilang maghugas ng pinagkainan kaya nagsipag unahan na makatapos kumain ang mga kumag!
(kumag talaga?!grabe ka ha.Sumbong kita kay "mommy den" mo.)
Ay nabuhay si utak! kala ko tulog ka pa?
(mainit na naman ulo mo Isabel.)
Kaasar kase 'tong katabi ko.Sarap ingudnod eh .
(Bad yan,Isabel.Sunday ngayon.Magsisimba ka pa with your family di ba? )
Yeah,right!
Tatayo na rin sana ako kase kameng dalawa na lang ang nandito at ang awkward ng katahimikan sa min.
Pero gusto ko syang kausapin.Gusto kong malaman kung bakit di nya ininom ang tinimpla ko?
Bakit di nya ako pinansin?
Sa pagkakaalam ko ay okay na kame.
Nakapag usap na nga kame kagabe ay este kaninang madaling araw.
Nakapag inuman pa nga kame sa isat isa!
Eh,anyare?Nasa loob na kame ngayon ng kusina.
Nagsisimula na syang mag sabon ng mga pinag kainan. Ako naman ay pinanonood ko lang sya,nasa may lababo ako .
Nakasandal ako,siguro,may kalahating dipa ang layo ko sa kanya.Nagbabanlaw na sya at eto pa rin ako sa pwesto ko.Nakatingin lang sa kanya....ay mali pala,nakatingin sa ginagawa nya.
Kailangan ko ng mag tanong kase parang
Walang balak ang isang 'to na magsalita!"Di mo man lang tinikman yung tinimpla ko." may himig tampo. "Tinimplahan kita kase alam kong may hangover ka.Sa dami ng nilaklak mo kanina siguradong masama ang gising mo."
Naghintay ako ng sasabihin nya pero nakatapos na sya't lahat lahat ay di pa rin nya ko kinikibo.Di pa rin nya ko pinapansin.
Ang malupet pa dyan,iniwan akong mag isa sa kusina!
AY NAKU!NAKAKA HIGH BLOOD!Kung ayaw nya akong makausap ,
Eh di wag!
Sino ba ang mapapanisan ng laway?
Bahala na sya buhay nya!
And this time i mean it!AN:
#SABAWNANAMAN
Sorry.Lutang si ako eh.
Sensya na po.😥
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
FanfictionTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!