BEA
"Kaya pala kating kati akong pumunta dito kase andito ka na naman." sabe ko sabay akbay sa babaeng ito. "Aminin mo nga...." saka tinitigan ang kaakbay ko ngayon habang naka upo kame ngayon sa sofa. "Na miss mo ko 'no? yieee....." panunukso ko pa sa kanya.
"Pano kung sabihin ko sayo na "oo"? Namiss agad kita....Namimiss ko na yung dating tayo?" balik neto sa kin.
Yung kaninang pagkakangisi ko at panunukso ko sa kanya ay unti unting napalitan ng pagseryosong tingin sa kanya. Mataman kame ngayong magkatitigan, hinahalukay ko sa kanyang mga mata kung totoo at seryoso ba yung mga sinabe nyang yun.
"Yun oh!"
"Kaya naman pala...."
"Oh, ano bea? Sagutin mo yun." banat ni cel. "Wag kaseng magbiro kung di naman kayang sagutin, hahahha....."
Sabay kameng napabitiw sa pagkakatitigan namen at napatingin kame kay maki at sa mga kasamahan namen ngayon dito sa unit nya.
Hindi ako pumasok ngayon. Wala lang, gusto ko lang. Imbes na kase tumuloy ako sa first class ko for today, eh naisipan kong puntahan na lang si maki at dito tumambay. Wala akong gana.... Okay, tinatamad akong pumasok.
Tas nasaktong pagpunta ko nga dito eh makikita ko yung hindi ko inaasahang makita ulit. Si janna padilla. Oo, after 4 months eh nagbalik bayan na naman ang babaeng ito. A-attend lang pala sya ng kasal ng auntie nya sa bulacan. Bale one week din syang andito sa pinas. Kahapon lang sya dumating dito at nakikipisan muna sya sa unit ni maki for 2 days bago pumunta dun sa mga kamag anak nya sa bulacan.
"Baka naman magsipagbalik na yung dapat MAGSIPAGBALIK." maintriga netong banat sa ming dalawa ni janna. "Ay naku, bet ko yun!"
Umugong ang kantyawan ng tropa, alam kase ng lahat yung naging "relationship" namen dati nung highschool hangggang nung ng senior high kame. Kaya ang lalakas na mangantyaw saming dalawa.
"Ewan ko sayo." ako at inalis na yung pagkaka akbay ko sa kanya.
"Kakanta na ba ako ng 'if ever youre in my arms again, this time i love you much betterrrr.....' " sabat naman ni cel na pakanta pa.
"Balikan na yan! Balikan na yan! Balikan na yan!" pasimuno naman ni tina. Na nagsipagsunuran ang mga loko.
"Ewan ko sa inyo!" natatawa kong sabe.
Kumuha ako sa bowl ng mga popcorns at pinagbabato sa kanilang lahat. Mga loko eh. Pero sige parin ang banat sa min ni janna, ito namang babaeng ito ay panay lang ang tawa, di man ako tulungan sa pagpapatigil sa mga tukso sa min.
Matapos ang ilang minutong tuksuhan ay salamat namang napagod na ang mga ito kaya nag focus na lang ang lahat sa pinanonood namen. Pagkatapos manood ay nagkayayaan naman kameng uminom. Sumige ang lahat kaya nagsipagbabaan sila para bumili ng iinumin namen at syempre ng pulutan.
At tulad ng dati nauto na naman nila ako. Ako na naman ang naglabas ng pera para sa mga walwalerang yun. Ano pa bang bago dun? Hahaha...
"Tingnan mo nga yun. Mga walasak, naguunahan pang bumili ng alak eh." naiiling kong sabe habang nakatingin pa rin dun sa pintong pinaglabasan ng tatlo.
"Tama ka." sang ayon ni janna. "Lam mo naman, pag narinig na nila yung magic word na "libre" ay mag uunahan talaga ang mga yun."
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
Hayran KurguTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!