BEA
WORST BIRTHDAY EVER!!!
Padabog kong inihiga ang katawan ko sa kama ko sa bahay namen. Di pa ako nagpapalit ng damit, ayoko lang! Gusto ko ganto muna ako! Nakatingin lang ako sa kisame, di pa ako nagtatagal sa pagtitig sa kisame ng bedroom ko ay may naramdaman na kong may mainit na likido na dumadaloy papunta sa may tenga ko. Dahil curious ako ay hinawakan ko ang dinaluyan neto. Tubig?
(Pwede. Pero mas papasa na...... LUHA mo yan.)
Napasmirk ako. Tama si brain, luha ko nga ito. Ilang sandali pa ay nagsunud sunod na ang pagdaloy ng luha ko, di pa rin kase ako gumagalaw sa pagkakahiga ko. Bumibigat din ang dibdib ko tas namalayan ko ang sarili kong humihikbi na at dahil nahihirapan na kong makahinga ay umupo na ko.
Tumunog phone ko kaya kinuha ko yun at meron akong 3 messages at lahat ng yun ay galing sa family ko: sina mom and dad at syempre si kuya. Lahat sila gri-neet nila ako ng "happy birthday, baby princess!"
Wala ang parents ko ngayon,meron silang bussiness trip sa singapore at nung isang araw pa sila wala ni mom. Si kuya naman, umatend ng bussiness convention sa ilo ilo. Ito ang kauna unahang birthday ko na wala ang parents ko at si kuya, magcecelebrate ako MAG-ISA.☹☹☹
Tanging nasabe na lang ni mom sa text nya sa kin ay babawi daw sila ni dad pagkauwi nila, which is sa tuesday pa! Matagal tagal pa kaya nun! Nagpromise si mom na Magvi-video call sila ni dad sa kin later para daw makita nila ako. Mag uumpisa na daw kase yung meeting nila.
Dapat nga masaya ako kase nga guy's BIRTHDAY,BIRTHDAY KO NGAYON! Tas kahapon nanalo pa ang team against sa tumalo sa min sa semi finals last season,ang arellano and still undefeated pa rin kame,bonus pa na naging player of the game ako. Pero yung saya ko kahapon binawi ngayon....
Kase ni isa sa mga friends ko ay wala man lang bumati sa kin. Pati nga teammates ko ay walang paramdam na naalala nila ang araw na 'to! Nagpapansin na nga ako kanina sa kanila pero sinungitan pa nila ako.☹☹☹
Maging yung inaasahan kong babati sa kin at yung taong di (sana) makakalimutan ang special day ko ay parang nagka amnesia!
"Di mo man lang naalala na b-day ko ngayon?" Parang tanga lang! Kinakausap ko si jho sa phone ko. Kuha ito 4 days ago sa loob ng room nila na naki sit-in ako ,dahil na rin sa gusto nya.
(Yieee....di nya mahindian. Alam na this!)
😊
( Yun oh! Smile lang ang sagot ni lodi! Hehehe! )
Nukaba? Di ko tuloy mapigilang magsmile.
Sa totoo nyan, pinag sit in nya ako kase naboboring/inaantok daw sya sa subject nyang yun kaya pinilit nya ako. At dahil sa wala na akong next class that day ay napilit din nya ako.Mas mabuti na rin yun kesa sa IBA sya nagpasama, di ba?
(Nagbabakod na si beadel! hehehehe!)
Going back sa dinadrama ko ngayon,yun nga guy's, WALA. AS IN W.A.L.A.
Walang nakaalala talaga!Sakit ha! Di ko inaasahan na magiging ganto ang 19th birthday ko! Wala ang family ko, nagka "amnesia" ang team,maging sina maki dedma at ang pinaka pinagkakatampuhan ko, si jhoana, yung beh-stfriend ko,yung partners in crime ko, yung best buddy ko,yung-----
( Yung MAHAL mo........?)
Tsk! Wag ka nga dyan!
Matutulog na nga muna ako baka mamaya paggising tumawag na sina mom and dad.
Itutulog ko muna 'tong tampo ko bakasakaling paggising ko wala na 'to.Nagising ako ng may nakatok sa pinto ng bedroom ko. Patamad kong sinabihang "pasok!" Tas nagpatuloy akong matulog pero may mahinang kumakalabit sa kin kaya muli akong dumilat. Si yaya pala!
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
FanfictionTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!