JHO
"Kung di pa ako nagkasakit di mo ko maaalalang dalawin,ganon?" mataray na bungad sa kin ng "nanay" ko.
Andito ako ngayon sa apartment ni ate ells, ngayon ko nga lang nagawang dalawin ang donya. Nagsimula na rin kase ang klase sa school sabayan pa ng training nameng nakakamatay talaga. Lalo na ngayon na no more ate ly sa team kaya double time kame sa pagte training. Ang nakakaloka pa dito ay always nakatutok sa kin si bundit!
Andame nyang demands sa jhosa nyo, eh ako naman ay di na angal kaya go lang ako sa gusto ni coach kahit parang mamamatay na ako. Buti na lang talaga andyan palage ang "energizer" ko at taga hilot ko na always nakasupport sa kin at di ako iniiwan. Si behbeh beatriz ko.😍
"Ay di man lang ako papasukin talaga oh." sabe ko.
Sinamaan nya ako ng tingin. "Pasalamat ka....May dala kang foods kung hindi.....Sige pasok na!"
Umalis sya sa daraan ko kaya nakapasok ako sa apartment ng donya. Pagkapasok ko ay agad kong napansing malinis ang loob neto, inilibot ko pa ang paningin ko sa loob.
"Akin na yan." si ate ells na kinuha agad ang dala kong pasalubong sa kanya. "Upo ka, ihahanda ko lang ito para may makain tayo habang nag chichikahan." tas agad na tumungo sa kitchen nya na kita ko lang dito sa kinauupuan ko.
Di naman kalakihan ang nakuhang upahan ni ate ells, sa tingin ko nga ay sakto para sa isang tao, pwede din pang dalawahang katao sa loob neto. May sala, then may nakita akong isang nakasarang pinto malapit lang dito sa kinauupuan ko, siguro room ni ate ells yun. Tas sa dulo nya ay yung dining and kitchen nya.
"Kaw lang talaga ang nakatira dito ate?" tanong ko habang papalapit na sa kin ang donya na may dala dala ng platito na may laman ng buko pie.
Inilapag na muna nya yung platitong dala. "Hindi. May kasama ako. Yung isa kong pinsan pero obviously wala sya kase nakipagdate." ang bitter ng pagkasabe nya sa huli kaya lihim akong napatawa.
Muli nya akong iniwan para kunin naman yung juice na nasa pitcher, di pa sya nakakalapit ay tumayo na ko para tulungan ang donya sa dala.
Sa umpisa ay puro tanong ako sa kanya tungkol sa kanya nung nagkasakit sya last week. Dinalaw naman daw sya ng team besh at may pagkakataon pa nga na dito natulog sina ate ly and ate den nung di nakauwi yung pinsan nya. Kung saan saan pa napunta ang usapan namen hanggang sa mauwi na sa pangangamusta nya sa kin.
"Nakakatampo ka ha." pakatotoo ni ate ella sa kin.
"Di ba nasabe ko naman sayo na umpisa na ng school tas yung training namen sa team. Nag extend kaya ng oras si bundit sa training sabayan pa ng mga paiba iba pa ng sched namen sa school ngayon. Pati nga ako naloloka na sa sobrang pagkahilo ko sa sched ko, minsan nga nakakalimutan ko ng kumain buti na lang andyan si....." bigla akong huminto. Parang nahiya akong banggitin sa harap ni ate ells.
"Si de leon?" si ate ells. Marahan akong tumango. "Sooo......Kayo na?" tas sumubo ng pie na di ako hinihiwalayan ng tingin.
Marahan akong umiling tas napanguso. "Hindi."
Nakatingin lang sa kin ang donya habang marahan ngayong ngumunguya. Blangko lang nya akong tinitingnan nag iba ako tingin then ilang sandali pa ay may malakas na pwersa na nagpa alog sa ulo ko. Binatukan lang naman po ako ng donya! Langya!
"Aray naman!" sabe ko ng mapatingin ako sa kanya. "Magaling ka na nga!" sabay irap ko sa kanya. Inayos ko naman yung hair ko na nawala sa ayos ng bigla akong batukan ng nanay ko.
YOU ARE READING
Best thing i (N)EVER had
FanfictionTry ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaanan ang ship natin, tuloy lang!