Kabanata 1

131 7 3
                                    

Twink

Nakatayo ako sa may puntod , puntod ng aking ina at ama Oo wala na sila, wala na sila kasi pinatay sila kitang kita ng aking dalawang mata kung pano binaril at sinaksak sila. Year 2015 yon setyembre 8 dalawang taon na ang nakalipas dalawang taon na rin akong nangungulila sa kanila ako'y minor di edad pa lamang nong nawala sila.

Nakakatawang isipin no dalawang taon na ang nakalipas pero di ko parin sila nabibigyan ng hustisya.

Ako nga pala si Twink Rayle Mollen De la Mercedes  19 years old.

Hayst paalis na sana ako sa puntod pero may biglang huminto na itim na sasakyan at may bumaba na isang matandang lalaking, naka tuxedo may tatlong body guard din siya , tumago ako at pinagmasdan ko sila.

Napakunot ang aking noo, bakit sila nandito sa puntod ng aking magulang ? Kaano ano ko sila ? Bakit parang namumukhaan ko siya.

Nakataas lang kilid ng kanyang labi tapos umalis agad siya . Bakit ? Bakit ganon siya umakto ? Bakit parang nakita ko na siya hindi kaya.

"Sandali !" tawag ko sa kanila agad naman tong lumingon , yong bodyguards niya agad namang bumunot ng baril. Dahilan para mapaatras ako.

''Woah chill man put your guns down , tinatakot niyo yong bata ,"

Sabi niya ibinaba naman agad nila ang baril.

''Sino ka ? Bakit ka nandito ?"

Sunod sunod kong tanong sa kanyang , ngumite lamang siya at tinapon niya ang kanyang sigarilyo.

''Tao malamang, sino ka ba anak ka ba nila ,"  turo niya sa puntod nila mama umiling ako kasi iba ang kutob ko parang may iba sa mga galaw niya.

''Hindi naglilinis lang ako dito, sino ka ba ?"

Tanong ko ulit sa kanya.

"Felicito Romualdez," umalis na siya

Felicito Romualdez sino ka ba sa buhay ng magulang ko.

*Bahay*

''Magandang Hapon madam,"

Tumango ako sa kanila wondering why ganito sila umakto sakin ? Kasi ako yong anak ng pinakamayaman na mag asawang Mollen De la mercedes . Sa akin napunta lahat mga ari arian nila mama at papa pati narin kila ante and the  whole Mollen De la mercedes clan na  namatay sa akin lahat na punta kasi ako nalang ang natira.

"Nessie!"

''Yes ma'am ?"

"Aissh just call me Rayle or twink wag lang madam," ngumiti at tumango naman siya .

''Call Agent Binturilla kailangan naming mag usap,"  ma awtoridad kong sabi sa kanya.

"Okay,''

Sino ba kasi felicito bakit dumalaw siya don sa puntod ni papa at mama ?

"Malalim ata iniisip mo ?"

Napalingon agad ako sa nag salita , it's Agent Binturilla.

''Buti naman at nandito ka na tara follow me,''

Nag tungo na kami sa office ko umupo ako sa swivelchair ko.

''So anong paguusapan natin Twink?"

Napabuntong hininga ako .

''Kilala mo ba si Felicito Romualdez?"

Tanong ko sa kanya , nakapagtataka ba't napaatras siya bigla.

"Nakita mo siya ? Saan ? Anong oras ?"

Sunod sunod niyang tanong , napakunot ang aking noo bakit parang interasado siya.

"Sagutin mo muna tanong ko Binturilla !''

Napalunok siya sa kanyang laway na tila bay umurong ang kanyang dila .

"Felicito Romualdez , is the most wanted criminal madami siyang kaso, at lahat ng mga kasong yon ay di pa napawalang sala,"

Hindi kaya isa siya sa pumatay sa magulang ko ?

"May trentang kaso siyang dapat harapin pero di siya nahahanap di siya nagpapakita ni nino man, swerte mo ay mali malas mo nagpakilala ka ba sa kanya,'' malas ? Bakit ?

''Ha hindi naman sinabi ko lang na isa ako sa mga naglilinis don sa puntod,''

Napatawa naman siya seryoso anong nakakatawa sa sinabi ko ?

''Anong tinawatawa mo jan binturilla! Wala namang nakakatawa !!"

Napatikom siya sa kanyang bibig at umayos siya ng pagkakaupo.

''Search Felicito Romualdez hanapin mo siya now ! Di pa nakakalayo yon sigurado ako,"

Tumango naman siya at lumabas na, nakakapagtaka talaga si yong inasal ni Felicito Romualdez,

Di kaya isa siya sa mga armadong lalaking pumatay sa magulang ko.

Binuksan ko ang aking cabinet at kinuha ang letter ni mama at papa para sakin , gumawa si mama at papa ng isang letter para sakin bago sila mawala.

Naalala ko na naman , naiiyak na naman ako kapag naalala ko ang mga magulang ko.

Setyembre 07,2015

To our dear Twinky,

Anak mahal ka namin ni papa mo , pasensya na kung medyo busy kami at di ka namin nababantayan ng maayos , pero don't worry baby your father and I decided to throw you a party tomorrow well it's an apology party for our absence baby so be ready madami kang bisita bukas we love you anak


Nagmamahal,
Mama and papa

Tumulo na naman mga luha ko , marahan kong pinunasan ang luha ko . Napahampas ako sa aking lamisa nagagalit ako galit na galit sa aking sarili kung 'di lang sana ako natakot siguro hindi namatay mga magulang ko , edi sana masaya pa kami ngayon ,edi sana di ako mag isa ngayon.

May nakita akong litrato sa ilalim ng envelop , kinuha ko ito. Tinignan ko ito , nandon si mama at papa si Lola , mga pinsan ko , ito yong huling litrato naming lahat , nakakainis ako nalang isa ang natira sa aming angkan.

(Bzzzt bzzzzt bzzzzt) nag vibrate phone ko , kinuha ko ito at binasa ko ang mensahe.

0948*******
May natira pa palang isa ? Kala ko ubos na , hi ija papatayin kita .

Papatayin ? Ako muna papatay sayo
Di ako natakot sa text na aking natanggap , papatayin ko muna siya paunahan lang.

Kung sino man siya nakahanda ako at ang baril ko para pasabugin ang ulo niya . Di niya kilala kung sino ang kalaban niya.


-------

A/N:
This is a work of fiction. Names,characters, places and events are either the product of author's imagination or used in a fictitous manner . Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME !

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now