Kabanata 25

22 1 0
                                    

Kabanata 25- Target #1 Modeza

Twink's

Maaga akong nagising para maghanap ng impormasyong maaring makakapagtumba kay Modeza. Ganon din ang ginawa nila. Kanina pa akong nakasunod kay Modeza hindi ko lang pinapahalata. Busy siya sa pagroronda sa likod. Dito talaga ang spot niya.

Ayon sa mga kasamahan ko, ganyan daw talaga siya every morning dideritso agad sa  likod para magronda. Napakamasunurin naman niya no, ginagawa niya lang ba talaga trabaho niya o nagpapabibo lang siya kay Guatisimo para gawin siyang  leader nilang lima.

Ayon sa nasagap kong impormasyon, may alitan daw si Bernardo at Modeza. Kaya gusto niya sigurong maging leader para nasa kanya na ang lahat.

"Bakit mo ako sinusundan ?"

tanong niya alam ko naming ako ang tinatanong niya, humarap siya at taas noong tumingin sa'kin.

"Hindi naman po kita sinusundan, ginagawa ko lang din ang trabaho ko nagroronda lang din po ako."

Pagsisinungaling ko, napataas ang kanyang kilay sa sinabi ko , hindi ba siya naniniwala halata na ba ako masyado?

"Sigurado ka ?"

'di ako nagdalawang isip pa tumango agad ako. Naniningkit ang kanyang mata parang sinusuri niya ako gamit ang kanyang naniningkit na mata.

"Hmm, mukhang bago ka sa aking paningin."

Tagaktak na ang pawis ko sa sobrang kaba, hindi ako nagpahalata na kinakabahan na ako.

"Parang ngayon lang kita nakita dito sa kampo,"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.  May biglang tumikhim napalingon naman ako, si Bernardo. Napatitig naman siya sa'kin, biglang nanuyo lalamunan ko.

"Naghire ka ba ng bagong tauhan Modeza?"

Tanong ni Bernardo kay Modeza, tumingin naman si Modeza.

"Hindi, pero parang bago siya sa paningin ko."

Hindi ko na alam kung ano ang irereact ko, pinagpapawisan na ako pero nanatiling kalmado ang postura ko. Unang araw palang pero parang nasisira na plano. Napasobra lang ata yong pagsunod ko sa kanya.

"Pinatawag tayo ni Guatisimo, kailangan natin pumunta sa head office. Tayo nalang ang wala don."

Tumingin naman ulit sa'kin si Modeza at nagsimula ng maglakad. Nagpakawala ako ng isang napakalalim  na buntong hininga. Muntikan na ako don.

"Be careful next time Twink,'' sermon ko sa sarili ko. Masyado ko kasing minamadali lahat. Ayon muntikan ng ma-dali yong plano. Kailangan ko ng makaalis dito kailangan kong puntahan sila Binturilla.

Nagsimula na akong maglakad, hindi mahagip ng aking mga mata sila Binturilla nasaan na kaya sila.

"Masyadong mahirap patayin yong gustong ipapatay ni Guatisimo sa'tin she's too strong,'' may napantig ang dalawa kong tenga. Ako ang pinauusapan nila, maingat akong tumago sakto lang para marinig ang kanilang usap usapan.

"Babae nga iyon pero she's too good with guns and martial arts, sobrang lakas niya." biglang napaaangat ang gilid ng aking labi. Hindi naman sa pagmamayabang pero malakas ako. Hindi ako mahina ,hindi ako magiging mahina. Nanatili ako sa aking pwesto upang makinig pa.

" Oy, may sabi sabi na may nakapasok daw sa dito na hindi isa sa'tin. The old gate is unlocked so posibleng may nakasapasok."

"Eh , baka nga bumigay yong lock non. Masyadong old na 'yon edi pweding mabuksan yon,"

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi kasi namin naisara 'yon naiwan lang yong nakabukas, napahawak ako sa aking sintido. Kailangan kong mahanap sila Binturilla. Tumayo na ako at nagsimula ng mag-lakad.

Ang dami kong iniisip ngayon, hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Hindi ko maikalma ang aking sarili.

"Hoy !"

Napatigil ako sa aking paglalakad, lumingon ako sa tumawag sa'kin. Pagharap ko may isang lalaking nakacross ang kanyang mga kamay. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumingin siya sa aking mga mata. Nararamdaman kong nakataas ang gilid ng kanyang labi. Napakunot ang noo ko sakanyang ginawa.

"Bagohan ka ?"

Umiling ako , hinawakan ko na mahigpit ang baril. Lumapit siya sa'kin dahilan para mapaatras ako. Hindi ko mabasa ang isip niya. Tumingin ulit siya sa aking mga mata at lumapit sa may tenga ko.

"Sinungaling,"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Posible kayang nakita niya kaming papasok dito?

"A--no ang ibig sabihin mo ?"

Nararamdaman  kung ngumingite siya ngayon, hindi ko alam kung bakit siya ganyan magsalita posible kayang alam niya ? Nakita niya kaya kaming pumasok dito.

"Nasabi ko lang, tapos kanina ka pang nakasunod kay Modeza. Alam naman ng mga tauhan dito na kapag si Modeza ang nagroronda sa isang lugar hahayaan lang siya kasi yon ang habilin niya satin,"

Para akong sinampal ng isang dosenang libro sa mukha ko haysst. Bakit ba kasi hindi ko muna inaalam ang mga rules nila.Tumingin ulit siya deritso sa aking mga mata at tinagilid niya ang kanyang ulo at naningkit ang kanyang mata.

"Tapos sasabihin mong hindi ka baguhan ? Ni-hindi mo nga alam ang habilin ni Modeza."

Kailangan kong gumawa ng excuse; hindi niya pweding malaman ang mga plano namin hindi niya pweding malaman na nandito kami para patumbahin sila.  Huminga ako ng malalim.

"Hindi kasi ako baguhan. Oo sinusundan ko si Modeza dahil gusto kong  masigurado na safety siya bakit ? Kasi kung hindi natin aalalanahin ang safety ni Modeza paano tayong mga tauhan niya. Papayag nalang ba tayo na  mawalan tayo ng leader ng dahil lang sa habilin niya?"

Nasusuka ako sa mga pinagsasabi ko pwee kadiri. Waka na akong maisip kaya 'yon ang nasabi ko kahit ayaw kong sabihin 'yon.

''Hmm, concern ka naman masyado. Tama ang mga sinasabi mo pero mali ang aksyon na ginawa mo, hindi mo ba alam na sa pinag-gagawa mo pwede kang mamatay? Bago mo aalalahanin ang kapakan ng iba alalahanin mo muna sarili mo masyado kang loyal."

Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na agad siya.  Napahawak ako sa sintido ko. Hayst muntikan na 'yon. Masyadong loyal ? Eh siya hindi ba ? Ay bahala na nga. Kailangan kong hanapin sila Binturilla at Danger.

Danger's P.O.V
Maingat kong sinundan si Modeza papunta sa isang malaking bahay kasama si Bernardo. Medyo malayo ako sa kanila. Hindi ko marinig ang  mga pinagsasabi nila. Hindi na muna importante yong mga sinasabi nila; ang importante ngayon kailangan kong malaman kung sino sino ang mga tao jan sa malaking bahay na yan.

Kanina ko pa sila sinusundan ang daming pasikot-sikot sa lugar na'to. Huminto sila  huminto rin ako at nagtago sa malaking damo. Luminga-linga si Bernardo, medyo malapit lang ako sa kanila ngayon.

"Tara na hinihintay na tayo ni Guatisimo."

Pag-aaya ni Modeza kay Bernardo, tumango naman siya at nagsimula na silang maglakad patungo sa malaking bahay. Isa lang ang gusto kong gawin ngayon, kailangan kong makapasok jan sa bahay.

"Hoy!"

Napahawak ako sa dibdib ko , tae tong babaeng to nasa kalagitnaan ako ng aking pagmamasid tapos biglang susulpot at gugulatin ako.

"Ssshh tumahimik ka baka marinig nila tayo,"

Sabi ko sa kanya , tumango naman siya.

"Alam mo Danger kung ano man yang ginagawa mo jan, mamaya na yan kailangan nating mag-usap."

Seryoso ang kanyang mukha , malamang seryoso ang aming paguusapn ; sabagay seryoso naman siya palagi eh. Aalis na sana kaming ng biglang may tumawag samin.

"Hoy anong ginagawa niyo dito ?"

Tae ito na nga bang sinasabi ko.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now