Kabanata 26

24 1 0
                                    

Twink's
Naloko na , mabibisto na ata kami ngayon.

"Ano bang ginagawa niyo dito, pinagbabawal tayo na pumunta dito bakit kayo nandito?"

Gumawa ka ng excuse twink , kailangan kong gumawa ng excuse yong hindi naman kahinala-hinala pero dapat kumalma muna ako napaghahalataan kami masyado.

''Ahm we we're just passing by,"

Kinakabahan ako pero syempre hindi ako nagpahalata na kinakabahan na ako. Biglang naningkit ang mata niya.

"Kanina ko pa kayo pinamamasdan , lalo na ikaw kanina mo pa sila sinusundan."

Sabi niya kay Danger, magsasalita na sana si Danger pero pinigilan ko.

"Ah kasi, ahmm inutusan ko siya na bantayan ng maigi ang ating magiting na leader. Kasi paano na tayo kung wala sila mga leader natin. So yon inutusan ko si Danger wag kang mag alala wala naman kaming masamang balak."

Base sa kanyang mukha , hindi siya kombensido sa mga sinasabi ko.

"Pang ilang excuse mo na ba yan?"

Nakasmirk niyang sabi, ang sarap niyang suntukin sa mukha. Nakakainis, I heaved a deep sigh and then I looked into his doubtful eyes.

"Masama bang bantayan yong taong importante sa grupo natin?"

Itong lalaking to kanina pato nakabantay sa'kin nakakainis masyado siyang  epal.

"Wala namang masama, pero nakakapagduda ang mga ginagawa niyo. Masyado kayong halata."

He said while grinning like a dog. If I'am given a chance to slam this gun to him gagawin ko kaso mukhang di pwede.

"Alam niyo, kung ano man yang plano niyo hinding-hindi kayo magtatagumpay."

"Gago, ang advance mo namang mag isip pare. Hindi ka ba nakakaintindi wala nga kaming ginagawang masama.''

Sabi ni Danger. Biglang humalakhak ang lalaki mukha talaga siyang asong ulol nakakainis.

"Kahit ano pang gawin niyong excuse hindi ako maniniwala? Sa lugar nato sarili mo lang dapat ang paniniwalaan mo.''

Nangaasar ba tong gagong to? Ngumingiti pa ang takte. Tumalikod na siya.

"Hinay-hinay lang kayo. Swerte niyo ako ang nakabangga niyo,"

At tumakbo na siya palayo. Una mukha siyang gaging kalaban tapos biglang nag transform na parang kasamahan ? Tama nga yong sinabi niya  dapat wag agad magtiwala. Pero nakakalito siya.

"Tara na alis na tayo dito, baka may makakita pa satin dito twink."

Sabi ni Danger , tumango naman ako at nagsimula na kaming mag lakad. Habang naglalakad kami hindi talaga maalis sa isip ko kung bakit siya nandito.

Huminto ako, huminto din siya at tinignan ko siya at ganon din ang ginawa  niya.

"Ano bang ginagawa mo dito? Muntikan na yon."

Mahinang sabi ko, he heaved a deep sigh, at napahawak siya sa kanyang sintido.

"Sinundan ko lang sila. Na curious kasi ako sa pinaguusapan nila tapos sa hide out kung saan talaga nakatago si Guatisimo. Teka teka nag-aalala ka ba  sa'kin, ano ba yan na in love ka agad ??"

Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng mukha nito, he is back the hambog na nakalanghap ng sandamakmak na hangin is back.

Alam kong nakangiti siya ng nakakaloko ngayon, nakakainis.

"Ang kapal talaga ng mukha mo no, para kang tanga gumising ka nga jan."

Nakangiti parin siya, nanadya ba siya o ano sasapakin ko na talaga to.

"Tumigil ka nga sa kakangiti para kang baliw !"

Singhal ko sa kanya imbis na titigil mas ngumiti pa siya lalo. Napapikit nalang ako sa inis.

"Oo baliw na ata talaga ako...baliw na baliw na sayo."

"Hay nako jusko tara na nga, kailangan na nating hanapin si Binturilla kailangan na nating mag plano."

Nagsimula na akong maglakad, iba ang kutob ko don sa lalaking kumausap samin kanina parang hindi siya kalaban o ano. Naguguluhan ako sa kanya.

Halos malibot na namin pero hindi namin makita-kita si Binturilla. Kung kelan kailangan na kailangan naming mag usap tsaka naman siya mawawala.

Kailangan namin makausap siya , kasi siya lang naman ang may alam dito sa lugar na to.

"Ayon siya."

Nandito lang pala siya, linapitan na namin siya. Wala namang tao dito siya lang, so pwede naming pag usapan yong plano namin dito.

"Anong ginagawa niyo dito, baka mahalata tayo."

Napairap naman ako sa kawalan, masyado talaga siyang matatakutin at nakakainis yon. Masyado siyang duwag , lalaki ba talaga to o ano ?

"Hindi naman siguro , tayo tayo lang naman ang tao dito."

Sinuri muna ni Danger ang paligid, sinigurado niya muna na kami lang talaga ang tao dito.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

Tanong sakin ni Binturilla, huminga ako ng malalim at tinignan siya derikta sa kanyang mata.

"Kailangan mong sabihin sa amin kung ano ang mga dapat at 'di dapat gawin dito. Ikaw lang naman kasi ang nakakaalam sa mga patakaran dito."

Sabi ko sa kanya , tinanggal niya ang kanyang salamin at umupo siya ng maayos. Luminga-linga pa siya at sinenyasan niya si Danger na pumunta dito.

"Actually , hindi naman madami ang rules nila dito sa loob."

sabi niya habang nakatingin sa kalangitan at ngumiti. ang weirdo niya kailangan ba talagang ngumiti siya kapag sinasabi niya yon.

"Una dapat wag na wag kakausapin ang limang leader yan ang una , pangalawa wag susundan hayaan sila gawin nila ang mga gusto nilang gagawin kapag nag-roronda sila wag silang lalapitan dahil maghihinala sila. Pangatlo dapat laging isuot ang mask dapat hindi tatanggalin hindi ko alam kung ano ang mga  paandar  nila pero yon nga bawal mong tanggalin iyan  at last wag na wag kayong pupunta sa isang bahay na hideout daw nila kung saan nagtatago si Guatisimo. Yon lang naman , pero syempre alam ko namang hindi niyo susundin yang mga rules nila."

Tama nga siya hindi naman talaga namin susundin yan pero para safety din kami kailangan din naming malaman ang mga rules nila para maging smooth naman ang aaming mga gagawin dito kasi alam mo na, mahirap mabisto mahirap masira yong planong matagal ng gustong gawin. Sa totoo lang yong mga rules nila masyadong boring wala ba silang maisip na medyo cool ?

"Teka , kelan ba talaga natin papatayin yong pinapasundan mo samin; Nangangati na kamay ko men."

Masyadong hindi pa buo ang plano ko , alangan namag magpadalos-dalos kami edi patay kaming lahat.

"Just give me one day to think an awesome plan okay, for now spy muna dapat alamin muna talaga natin ang mga kilos nila okay."

Tumalikod na ako, kailangan ko na talagang mag-isip ng plano naiinip na din ako ayaw ko na ding mag tagal dito nakakasuka.

"Sige mag ingat kayo.

Sa di kalayuan maririnig mo ang kanilang halakhak, napataas ang kilid ng aking labi. Maaring sila ay humahalakhak ngayon sa sobrang tuwa, asahan nila sila ay iiyak sa sobrang sakit na gagawin ko sa kanila.

"Ge lang magsaya kayo ngayon, kasi bukas isa sa inyo ang iiyak sa sakit sa gagawin ko."

Humanda ka tanda malapit ka ng mamatay.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now