Kabanta 27

24 1 0
                                    

Twink's

Gabi na , halos lahat ng tao ay tulog na ako nalang ata ang gising ngayon.
Kinuha ko ang lapis at papel, kailangan ko na  mag plano kabisado ko na ang mga pasikot-sikot dito sa lugar nato; ang kailangan lang talaga ang tamang timing sa pag atake.

Inilatag ko na ang papel sa lamisa, nasa loob ako ng kwarto kung saan walang ibang tao. I was about to write ng may biglang pumasok , agad ko namang itinago sa aking likuran, kung kelan magpaplano may maangdidistorbo.

"Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog ?"

takang tanong ni Modeza kung minamalas nga naman, tinignan ko lang siya nakakunot parin ang kanyang noo na tila nagtataka siya kung bakit gising pa ako sa mga ganitong oras.

Napatingin siya sa aking kamay kung saan nakatago ito sa aking likuran.

"Ano yang itinatago mo sa iyong likuran?"

Napalunok ako sa kanyang tanong, bakit ngayon pa ? Tae naman oh.

"Ah wala naman po,"

Sabi ko , mabuti nalang at nakamask ako hindi gaanong halata na kinakabahan ako. Napakunot ulit ang kanyang noo; parang hindi ata siya naniniwala sa mga sinasabi parang hindi siya kumbinsido.

Bigla siyang ngumiti, nakakakilabot men. Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti nalang bigla paniguradong may iniisip na naman itong hindi tama.

Tumalikod siya, akala ko aalis na pero mali ako mas nagulat pa ako sa sunod niyang ginawa nilock niya yong pinto; Mukhang mapapadali ang  plano ko ngayon. Napataas ang gilid ng labi ko akala niya siguro hindi ko alam ang kanyang gagawin style niya bulok.

Unti-unti siyang lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako.

"It's been 2 years na hindi ako nakakatikim ng babae, panahon na siguro para ako'y tumikim ulit."

Nakangisi lang siyang parang asong ulol. Napayukom ako sa kanyang sinabi , naiinis ako gusto ko ng patayin siya humahanap lang ako ng tamang tyempo bawal maingay baka magising pa ang iba baka ako'y mabulilyaso.

"Alam mo  kong papayag ka sa ayaw at sa gusto mo papayag ka.  Kasi kung hindi ka papayag mamatay ka at hindi mo na makikita ang pamilya mo!"

Tanga wala na nga akong pamilya,

"Wag kang lumapit kung ayaw mong mamatay,"

Pagbabanta ko sa kanya, humalakhak lang ito akala niya siguro hindi ako seryoso sa mga sinabi ko. Lumapit siya sakin at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang balikat ko. Ang ayaw ko sa lahat ang nasasaktan ako.

"Sige yell for help, walang tutulong sayo dito. Baka nakakalimutan mo kami ang batas dito,"

Natawa ako sa kanyang sinabi dahilan para mas lalo siyang magalit, sinampal niya ako.

"May sasabihin ako sayo."

Sabi ko sa kanya, dahan dahan kong kinuha ang M1918 trench knife sa aking bulsa. Nakangisi parin siya.

"Ano yon? Papayag ka na ba ?"

Hinawakan ko ng maigi ang trench knife baka mahulog lagot na.

"Alam mo bang ito na ang huling gabi mo hindi ka na sisikatan ng araw gago !!!"

Sinipa ko ang balls niya dahilan para mapadaing siya sa sakit. Umatras ako ng unti at bumwelo ng takbo papunta sa kanya sinuntok ko sa kanyang panga gamit ang knuckles na nakaattach sa kutsilyo  nagpagiwang-giwang siya ;Kinwelyohan ko siya at tinignan sa mata.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now