Kabanata 38

25 1 0
                                    

Twink's

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon, pero  posible ba yon? nakita nang dalawa kong mata kung paano sila namatay.

"Gulat ka no ?" Natatawang sabi ni Felicito Romualdez sa akin napayukom ang aking kamao, naiinis ako sa sarili ko ang gulo nang isip ko.

"Next  time kasi siguraduin mo munang patay na talaga kami, Alam ko naman talaga  na may balak ka talagang masama buti nalang at agad akong nakatakas sa plinanta mong bomba sa ilalim ng aking lamesa," Natatawang sabi ni  Felicito sa akin, napatingin naman ako kay Joselito Herno na umiinom ng beer  bakit siya nabuhay eh putik  sapol siya sa kanyang ulo non eh, napansin niya atang nakatingin ako sa kanya ngumite ito sa akin.

"Nagtataka ka siguro kung bakit buhay pa ako? Alam mo bata," Inayos niya muna ang kanyang necktie "Decoy lang yon hindi naman talaga ako yon kalook alike ko lang yon, sinira ba namin ang ekspektasyon mo, kawawang bata wala nangang pamilya bigo pa sa kanyang mga plano," Nanginginig ang aking buong sistema gusto kong gilitan ang mga leeg nila pero wag muna, huminga akong malalim at nginitian din sila.

"Aaminin ko nagulat ako pero naalala ko hindi pala agad namamatay ang demonyo." Nakangising sabi ko  itinapon niya ang kanyang beer, oh nagalit siya bakit hindi nya ba tanggap na demonyo siya.

"Oh, hindi mo tanggap ang aking sinabi? Gago totoo naman ang sinabi ko you killed Innocent people mga gago and ikaw Guatisimo Bernal pinaslang mo lang ang pamilya ko pinaslang niyo ang mga taong wala namang kasalanan sa inyo. HAHA nakakatawa kayo lalo ka na Guatisimo sa dahilang hindi mo lang matanggap na ang ama ko ang mahal ng nanay ko ginawa mo yon? nagmumukha kang loser sa paningin ko,"  Nag igting ang kanyanga bagang sa aking sinabi , isa lang ang gusto ko ngayon ang mamatay sila at mabigyan ko nang hustisya ang aking pamilya kasi nga diba  buhay ang kinuha nila buhay din ang kapalit.

Kinuha ni Guatisimo ang kanyang cellphone  feeling ko may tinawagan siya kailangan kong ihanda ang aking sarili dahil ito na ang totoong laban. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga isang daang kawal, biglang humalakhak si  Joselito akala niya siguro natatakot ako.

"Ano aatras ka na ba tw..." Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang nabasag ang mga bintana  agad naman akong napadapa  dahil nagulat din ako, putik ang dami naman niyang pasabok naiintindihan ko namang atat na atat na silang mamatay ako.

"Are we late?" Napaangat naman ako ng tingin  hindi ko inaasahan na babalikan nila ako akala hindi na talaga. Inilahad ni Danger ang kanyang kamay at tinulungan niya akong tumayo, nabasag ulit ang isang bintana at may pulang carpet pang nalatag.

"Nux grand entrance master Botch," Ngumite pa ito at sumaludo pa ito nalilito ako bakit sila nandito.  Sumunod namang lumabas is Binturilla na may hawak na  F-2000 Assault Rifle at ngumite ito sa akin.

"Oh, welcome back my dear students." Nakangiting sabi  Guatisimo kay Danger at Binturilla  nalilito ako ano daw ? Tumingin ako sa kanila  tinanggal ni Binturilla ang kanyang Mask  at ginulo niya ang kanyang buhok sabay tingin kay Guatisimo.

"Hindi ka namin tinuring na Master , si Botch lang ang master namin," Nakangising sabi niya, bigla namang napahalakhak si  Felicito.

"So ngayon tell us bakit niyo tinulongan ang babaeng ito eh siya naman ang dahilan ng pagkawala ng mga magulang niyo at ikaw Danger  hindi mo man ako yayakapin anak ?!" Nakangising sabi ni Felicito teka naguguluhan ako sa nangyayari dahilan kung bakit namatay ang magulang nila ? teka bakit ang daming pasabog.

"Sabihin na natin na ganon nga, kaya namatay ang magulang ko kasi they only save Twink's life  may mga dahilan ang lahat ng bagay. Kung ano man ang nangyari sa magulang ko ay labas na si Twink don. Alam naman ng lahat kung sino talaga ang pumatay sa magulang ko Felicito kundi ikaw yon!" May namumuong luha na sa kanyang mga mata hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nila.

"At wag mo akong matawag na anak kasi hindi naman talaga tayo kadugo Don Felicito dinamitan mo ko pero hindi mo naman ako itinuring na anak mo talaga itinali mo pa nga ako sa ilalim ng punong manga." Sigaw na sabi ni Danger  agad namang inakbayan ni Botch ang dalawa at sinamaan sila ng tingin. Inayos niya ang kanyang damit at kinasa ang baril.

" Alam mo ba kung bakit kami nandito because we are part of Her Sweet and Greatest revenge!"  Agad namang pinaputokan ni Botch si Guatisimo at natamaan ito sa kamay , agad namang naalarma ang mga sundalo nila Guatisimo. Agad naman akong hinila ni Danger at isinuot niya sa akin ang isang vest.

"I can't afford to lose you kaya suotin mo yan," seryosong sabi niya sa akin tumango naman ako , Biglang humalakhak si Guatisimo.

"Ano pa bang hinihintay niyo sugodin niyo na !!" Pagkasabi niya non ay agad namang nagpaputok ang mga kawal niya itinulak ko si Danger kapag hindi ko siya itiniulak siya ang matatamaan.  Tumalon ako para sugodin ang taong nagtapon ng dagger sa amin nagulat naman siya nang biglang sumulpot ako sa kanyang harapan.  Napatingin naman ako sa kanyang number tag kung sinuswerte ka nga naman.

"Naalala mo yong sinabi ko sa inyo don sa silda ?" I said while smiling , kinuha ko sa aking likod ang isa ko pang sword, umikot ako at sinipa ang kanyang mukha dumugo naman ang kanyang ilong itinayo ko siya gamit ang aking isang kamay naiiyak siya awwe kawawa naman pero hindi bagay sa kanya I headbutted him full in the face pagkatapos ay agad ko namang itinarak ang  samurai sa kanyang puso.

Bigla naman akong sinugod ng kasamahan niya  tatamaan na sana ako ng baseball bat pero agad naman akong nakaiwas , I ducked and then umatras ako pagkatapos ay itinapon ko ang Samurai papunta sa kanya  at natamaan ang ulo niya.

"They're escaping !" Sigaw na sabi ni Binturilla  agad naman akong napatakbo papunta sa bintana, putik aalis sila hindi pwede to.

"Umalis na kayo ! Danger samahan mo siya kami na ni Botch ang bahala dito,"  Tumango naman si Danger , pero paano namin sila masusundan.

"Sakyan niyo yong chopper bilis !" Sigaw na sabi ni Binturilla , tumango kami ni Danger agad naman kaming umakyat sa chopper at inihanda ang mga baril ko I loaded ito with tons of bullets.

"Are you ready ?" Tanong ni Danger , tumango ako  ngayon pa ba ako susuko ? kung kelan malapit ko na talagang  makamit ang hustisya. Nakikita ko na ang sasakyan nila  at agad ko naman itong pinaputukan lalo pang bumilis ang kanilang takbo sinusubukan nilang iwasan ang bala ko.

"Lintek!" Napatingin ako sa isang kahon at agad ko namang binuksan ito kung sinuswerte nga naman kinuha ko ito  and then I loaded it tinanaw ko naman ang sasakyan nakasunod pa naman kami itinutok ko ang bazooka sa kanila.

"Fire !" I pulled the trigger  and the rocket launched papunta sa kanilang sinasakyan mayamaya pa ay sumabog na ito. Hindi ko alam pero bigla akong napaiyak sobrang saya ng puso ko.

"la guerra ha terminado," Palakpak na sabi ni Danger , nag land na ang aming sinasakyang chopper  malapit sa sinabugang sasakyan nila  ewan ko pero bigla akong napaluhod sobrang saya ng puso ko.

"Mama , papa tapos na ang laban."  Naiiyak na sabi ko , yinakap naman ako ni Danger. Tapos na tapos na ang laban.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now