Kabanata 4

69 2 0
                                    

Twink
Kanina pa ako naghihintay kay Binturilla, pupuntahan kasi namin si Danger. Kailangan ko siyang harapin at kaibiganin, kailangan ko siya hawak niya ang mga impormasyong kailangan ko, ang pinakaimportanting impormasyon na kailagan ko.

"Ano! Binturilla bilisan mo na !"

Sigaw ko sakanya naiinip na kasi ako , kanina pa ako dito sa kotse. Bakit ba napakakupad nitong kumilos kainis.

"Teka lang, excited eh no ?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay, ngumite naman siya ng nakakaloko at inirapan ko lang, sinenyasan ko siya na bilis na.

''Oo na Oo na ito na ,"

Pumasok na siya sa kotse at pinaandar ko na ito.

Habang nasa daan di ako mapakali kanina pa kasi titig na titig si Binturilla sakin.

"Binturilla kanina ka pa titig na titig sakin ah,''

Agad naman siyang nag iwas ng tingin.

Napabuntong hininga ako, naisip ko lang tama ba tong ginagawa ko ? Aissh tama to para din naman to sa pamilya ko.

"Nandito na tayo ihinto mo na Twink,"

Sinunod ko naman ang sabi niya , infairness huh ang laki ng bahay ni danger dito ba talaga to nakatira ? O hindi ? Umunang lumabas si Binturilla sa kotse , agad namang naalarma si Danger.

''Draco Binturilla anong ginagawa mo dito ?''

Sabay bunot niya sa kanyang baril, di rin ako nagpahuli bumunot din ako ng baril quits na kami.

"Ayaw namin gulo Danger, ibaba mo yang baril mo!"

Ngumisi lang si Danger, ayoko sa ngisi niya pota nakakairita, kahit na gustong gusto kong pasabugin ang bungo niya di pwede.

''Sabihin mo rin jan sa chikabebe mo na ibaba niya rin baril niya''

Tumingin naman si Binturilla sakin, hayst wala akong nagawa kundi ibinaba ko rin ang baril ko. Pasalamat siya kailangan ko siya kasi kung hindi kanina pa siguro siya nakahilata sa sahig.

''Bakit nandito huh ? Ano ba kailangan niyo sakin,''

Huminga ako ng malalim , ngina gagawin ko ba talaga to ?

''Gusto ko lang makipagkaibigan,''

Ngumisi ulit siya ng nakakaloko, arrgh nakakainis na ha

''Sabihin mo na lang na nandito ka para makakuha ng impormasyon ulit, di naman ako madamot kaya sasabihan kita sa mga alam ko lang,"

Sabi niya sabay tapon sa sigarilyo niya, ngayon ko lang napansin na topless pala tong gago.

''Pero pumasok muna tayo sa loob delikado dito sa labas,''

Pumasok na kami sa loob ang daming antique na gamit ? Para saan ba to.

Kumuha siya ng isang beer at tinungga ito. Sinenyasan niya kami na umupo.

''Bakit alam mo?"

''kasi nandon ako , nakita ko kung paano nila pinatay ang mga tao don sa loob, Nakita ko pa nga kung paano nila pinasabog ang bungo ng papa mo!"

Napayukom ang kamay ko, at napahampas ako sa lamisa.

''EH SINO ! SINO SILA POTA SABIHIN MO!"

ngumisi siya tapos nag sindi ulit siya ng sigarilyo.

''Eh pag sinabi ko ba anong gagawin mo ?"

"Papatayin ko sila malamang."

Napailing siya

''Wag kang magpadalosdalos malaking groupo ng kriminal ang makakalaban mo , tatlong tao na may mabibigat na kaso na mahirap hulihin,''

''Sabihin mo lang sakin kung sino, ako na bahalang magplano ,"

Napataas ang gilid ng kanyang labi.

''Sige dahil gusto mong malaman okay , isa si Felicito Romualdez"

Di ko alam pero parang gusto ko na agad sugurin si Felicito Romualdez Pota kaya pala punta siya ng punta don sa puntod.

''Pangalawa si Joselito Herno,''

Gago kilala ko yan walang hiya yang pakyo na yan . Pero di ko alam kung nasaan siya.

''Pangatlo Guatisimo Bernal, yan lang muna Twink, masyadong marami na ang nalalaman mo."

"Bakit mo sila kilala ? Ano connection mo sa kanila! ''

''Masyadong personal na yan Twink,pwedi na kayong umalis dito !"

Pasigaw niyang sabi , wala kaming nagawa kundi umalis na lang.

"Binturilla hanapin mo yang mga gagong kriminal mag research ka about sa kanila kung anong meron sa kanila,''

Tumango naman siya, kailangan kong malaman muna kung ano sila para naman maging smooth lang ang revenge ko, pangako kong uubusin ko sila lahat ng angkan nila putik.

Nasa bahay na kami inihanda ko ang mga baril ko lahat ng armas ko isa isa ko itong inilatag sa lamisa.

"Tae Twink susugod ka ba ngayon? Naalala mo yong sinabi danger na wag mag padalos-dalos huh tsaka isa pa di mo naman alam kung saan nakatira si Felicito Romualdez ah!"

Napapraning na naman tong ogag na nato para lilinisan ko lang yong mga armas ko .

''Baliw !lilinisin ko lang naman to eh ! Syempre alam ko na wag mag padalos-dalos kailangan ko pang mag-plano yong plano mabangis yong di talaga nila kayang kalimutan!"

Nanggigil na naman ako putik kasi.

''So ano na ang plano ?"

Excited nilalang nato nakangisi pa siya tsk !

"Just wait gawin mo nalang yong pinapagawa ko sayo okay''

Tumango naman siya , kailangan ko munang alamin ang mga connections ni Felicito ng maging smooth lang yong revenge ko yong sweet and greatest revenge ko.

Kailangan ko na talagang mag plano , pero bukas na pag alam ko na ang mga connections ni Felicito Romualdez.

''Felicito Romualdez humanda ka sakin papasabugin ko yang bungo mo hintay lang,"

Napaangat ang gilid ng aking labi , magiging masaya to. Siya muna ang uunahin ko.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now