Kabanata 8

42 1 0
                                    

Twink
Maaga akong nagising tapos na rin akong mag ronda sa paligid. Kailangan kong maging alerto paniguradong ako talaga ang target.

Di pa ako tapos sa misyon ko , di ko pa nakikita si Joselito Herno at Guatisimo Bernal. Ayon kay Binturilla sa tatlong mga kriminal na iyon may leader pweding si Felicito , pweding si Joselito at mas lalong pwede si Guatisimo Bernal.

Inilagay ko na ang mga baril na aking paborito sa kaliwang banda ng aking pantalon at inipit ito, both side may SW MAGNUM at bitbit ko ang FN SCAR. Madaming bala akong dala , baka maubusan ako ng bala.

Naglakad na ako pabalik kung saan sila Danger at si Binturilla, sa di kalayuan mapapansin mo talagang seryoso ang kanilang pinaguusapan. Napakunot ang aking noo.

''Mukhang Seryoso kayo jan ah, mind if I join?"

Tanong ko sa kanilang dalawa, agad naman itong tumango. Tumabi ako kay Binturilla alangan naman sa manyak na si Danger ,yong pangalan niya  nababagay sa kanyang ugali delikado.

''Napagisipan lang namin Twink , what if doon muna tayo titira sa bahay ni Danger delikado kasi dito,''

Mas lalong delikado yang danger na yan , wala akong tiwala jan.

''Ano? Eh mas delikado pa yang taong yan eh!''

Turo ko kay danger , napangiwi naman siya sa aking ginawa.

"Di naman kita hahalayin , hindi naman kita type!''

Aba kala naman nito type ko tong si topless fighter.

''Tingnan mo wala akong binanggit na halay na salita pero ikaw nasabi mo , see may pagnanasa ka sa'kin!''

Tumawa siya ng napakalakas na parang wala ng bukas, anong nakakatawa sa sinabi ko.

''Kahit na sexy,maumbok ang pwet at madyoga ka , wala lang yon sa'kin sanay na akong makakita ng mga ganyan. Kaya wag mong isipin na hahalayin kita ang green minded mo naman."

Natameme ako sandali...nakakainis nyeta! Kung ano ano kasi iniisip mo Twink dapat mga plano ang mga iniisip mo hindi yang mga kahalayan thoughts.

Wala na akong nagawa , hindi na rin ako nakipagtalo kay Danger baka kung ano pang sasabihin non at matameme na naman ako. Sumakay na ako sa kotse nasa front seat ako para naman hindi magmukhang driver si Binturilla.

Sumakay na din si Danger at naghubad ulit siya ng T-Shirt niya. Topless na naman siya.

''Bakit ka naman nag hubad ng damit Danger soutin mo nga yang damit mo!"

Iritado kong sabi sa kanya, napakunot naman ang kanyang noo tapos his left eyebrow arched  nyeta mo delikado.

''Eh bakit ba , I like showing  my abs to everyone. Everyone loves pandesal,''

Not everyone loves pandesals specially his pandesals, I can't deny that he has a well toned body pero nakakainis parin siya. Di ko nalang siya pinansin. He's  a knuckleheaded moron anyway tsk.

Napapansin ko lang kanina ko pa siya minumura sa utak ko well who cares utak ko naman to. Mga ilang oras ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay ni Delikado, ganon parin ang desinyo wala siyang binago. Yong mga antique na gamit ay nasa lugar parin kung saan ito nakalagay.

''Itong kwarto mo Twink , tapos dito sakin kay Binturilla ng pinakadulo."

Hindi ko na siya pinakinggan at pumasok na ako sa kwarto, well ng ganda naman ng kwartong ito simple lang I admit lumaki ako sa mga mayaman na pamilya halos lahat puro arte but hey iba ako sa kanila. Mas gusto kong simple kesa sa pabongga. Simplicity is beauty.

Humiga ako sa kama. Buhay ko puro action puro piligro kailan kaya ito matatapos. Hindi siguro sila titigil hangga't di nila ako napapatay.

*Tok tok tok*

Napabangon ako sa pagkakahiga at nagtungo  sa pinto, binuksan ko ang pinto.

''Oh anong ginagawa mo dito Binturilla mag-pahinga ka na.''

Sabi ko sa kanya bumuntong hininga siya.

''Pwede bang pumasok , gusto lang kitang kausapin,''

Ano namang gustong pagusapan nitong taong to. Pinapasok ko na siya, umupo siya sa gilid ng kama at heto ako nakatayo lamang.

''Ano bang paguusapan natin?"

Takang tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa kanyang ulo at nagpakawala siya ng isang napakalalim na buntong hininga...ganon ba kalalim ang kanyang sasabihin. Hinawakan niya ang aking kanang kamay, napakunot ang aking noo. Bakit niya hinawakan ang kamay ko ? Nagandahan ba siya sa kamay ko?

''Twink, ayokong mapahamak ka.''

Aware naman ako sa mga pinag-gagawa eh, alam kong tinuring na ako ni Binturilla na isa sa kanyang kapamilya alam kong nag-aalala siya. Pero kaya ko naman sarili ko.

''Alam kong nag-aalala ka sa'kin Binturilla, alam mo namang ayaw ko ng ganon,''

Oo ayaw ko , ayokong may nag-aalala sa'kin.

''Eh kasi naman Twink sobrang delikado na eh. Nakikipaglaban ka sa mga krimenal na mahirap patumbahin , sa mga krimenal maraming koneksyon. Paano kung...''

''Mahirap patumbahin ? Binturilla napatumba ko nga si Felicito yong gurang na yon, maraming koneksyon? Eh ano naman kung maraming koneksyon paki ko ba sa kanila , paano kung mapatay ako ? Edi mapatay. Matira matibay. Kung yon man ang magiging kapalaran ko okay lang pero bago muna yon mangyari sila muna uunahin ko.''

Bumuntong hininga ulit  siya , makikita mo talaga sa mata si Binturilla na nag-aalala siya. Hindi na sana siya nag-alala sanay na ako sa buhay na ganito simula nong nawala magulang ko...kailangang maging matapang wag mag-padala sa takot.

''Ano ka ba , sobrang sanay na ako sa buhay na ganito. Hindi tahimik puro gulo lang. Hay nako Binturilla lumabas ka na nga,you should take a nap alam kong napagod ka sa bakbakan nong nakaraang araw.''

Ngumite siya , tumayo na siya at lumabas na sa silid. Ayaw ko na may nag-aalala sa'kin di ko rin alam kung bakit basta yon na yon. Humiga ulit ako sa kama.

"Naks naman, may pahawak hawak pa sa kamay mag-jowa ba kayo?"

Napalingon ako sa nag-salita. Ang hilig niya talagang mag-hubad ng pangitaas ano. Kala mo naman yummy.

''Magkaibigan lang kami,  sobrang tagal na naming nagsama ni Binturilla simula palang nong nandito at  nawala magulang ko andiyan na siya sa tabi ko. Kaya ganon wag mong bigyan ng malisya wala lang yon.''

Hinipan niya ang kanyang mainit na kape tapos uminom siya ng unti. Nakakairita siya bigla bigla nalang susulpot kong saan tapos topless pa.

''Kaibigan ang pakikitungo mo sa kanya, ang tanong kaibigan din kaya ang turing niya sa'yo I mean sa sobrang tagal niyo ng nagsama 'di ka pa ba nagtataka ? Baka gusto ka non.''

Gusto imposible naman kung ganon, sa panahon ngayon di importante yang lecheng pagibig na yan wala akong oras para sa mga ganyang bagay.

''Kaibigan kaibigan lang walang talo talo.''

Nagkibit balikat lang siya at umalis na, pagibig ? Punyeta wala akong oras jan mas mabuti ng magpukos muna ako sa bago kong misyon na gagawin. Kapag umibig ka magagago ka lang so mas mabuti pang wag nalang.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now