Kabanata 29

18 1 0
                                    

Twink's
Maaga akong nagising dahil maingay sa labas nagkakagulo sila, siguro nakita na nila si Cartel na walang kabuhay buhay kawawa naman, nagbihis na ako at lumabas. Hmm ang ganda nilang lahat tignan nagkakagulo hindi alam kung ano ang gagawin. Natahimik ang lahat nang biglang dumating si Guatisimo.

"Buksan niyo," Agad namang binuksan ang sako napatakip naman siya sa kanyang ilong, napangise ako ano kaya ang nararamdaman niya ngayon nagagalit ? natatakot o nalulungkot? Galit na hinarap niya ang mga tauhan niya.

"Tangina niyong lahat, diba sabi ko higpitan niyo ang pagbabantay niyo. Napakabobo niyo mga kulang sa aruga mga inutil !" napangite ako sa aking nasaksihan , napayuko naman siya sa galit at biglang humalakhak dahilan para ikabigla ng lahat.

"I know you're watching us Mollen dela Mercedes ! you're such a coward why don't show yourself. Sa tingin mo madadala mo ako sa mga ganitong pasabog mo? heck no!" para siyang timang na sumisigaw sa itaas eh nasa harapan lang naman niya ako. Medyo natawa ako sa kanyang mga binitawang salita. Halos lahat ng tao dito ay hindi nakaya ang sangsang na amoy galing sa patay na katawan ni Cartel.

"Sa puso mo sila laging sinasaksak kutsilyo lang ba mga armas mo? kawawa ka namang bata ka gusto mo bigyan kita ng baril para naman may baril kahit papano ano haha!" Bakit sa tuwing tumatawa siya laging may kaba ? nagkukunware ka lang ba Ginoong Guatisimo. Nagtataka siya kung bakit sa puso ko laging tinitira mga tauhan niya syempre hindi naman sila very important person wag siyang mag-alala sa ulo ko siya babarilin tignan natin kung hindi ka mashutdown agad. Inenspeksiyon nya ang sugat ni Cartel maraming nandiri sa kanyang ginawa.

Napatingin naman ako sa tatlong natitirang magigiting nyang tauhan yong mga mukha nila kinakabahan hindi ko matantsa ang nararamdaman nila ngayon pero basi sa kanilang body movements at facial expressions natatakot sila. Napatingin ako kay Edo sya ang isusunod ko kaso mukhang mahihirapan ako sa pangatlong palapag siya meaning nasa loob ang kanyang trabaho medyo mahirap don masyadong sarado.

"Limang butas sa puso kaya hindi siya nakasurvive. Dalhin niyo yan sa morgue. at kayo pag sinabi kong higpitan ang siguridad higpitan! kung maaari walang matutulog !" at umalis na sya nanatili ang ang tatlo hindi na nila alam kung anong gagawin. Masyado naman silang kinakabahan hindi pa nga nagsisimula ang totoong laban. Naglakad ako pabalik sa loob ng tent at tinanggal ang mask ko. Mamaya na ako lalabas, kailangan ko munang malaman kung paano ako makakapasok don sa loob. Bawal kasing pumasok don, kapag ikaw ay nassign sa baba sa baba ka lang talaga magbabantay.

Para akong isang gagang ngumingite, natutuwa ako dahil malapit na malapit na talaga kunting tiis nalang at pwede na. Napalingon ako nang may biglang pumasok, napakunot ang aking nuo bakit ngayon lang siya. Lumapit sya sa mesa at kinuha ang mansanas.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi ?" hindi ko alam kung bakit ko sya tinanong ? maybe curious lang ako kasi halos isang gabi siyang wala dito natulog? Ngumise naman siya, kahit kelan talaga ayaw na ayaw ko sa mga ngite niya nakakaasar.

"Namiss mo ba ako twink?" Napahawak naman ako sa aking sintido jusmiyo anak ni marimar ano namang kalokohan ang kanyang naiisip.

"Biro lang, pumunta ako sa mansyon kung saan sila nagpupulong," Bakit hindi ,man lang nya sinabi sa akin.

"Kung nagtataka kung bakit hindi ko man lang sinabi sa inyo. Kasi alam kong busy ka sa pagpaslang kay Cartel ayaw ko din namang makasira nang plano kaya I decided to go alone." sabi nya habang nilalantak ang mansanas. Pero teka okay naman ang kanyang ginawa para naman may alam kami kung ano ba talagang nangyayari sa loob. Tumingin siya sa akin.

"Ibahin mo na ang disguise mo kung maari lagyan mo nang prosthetics para mag iba ang mukha mo?" Alam ko na kung bakit.

"Dahil mamayang gabi lahat nang babae ay kikilatisin, yan ang suhestyon ni Edo," teka bakit parang siniswerte ako. Ang nagplano ay ang taong isusunod kong papatayin. Tumingin ako  sa kanya.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now