Kabanata 9

40 1 0
                                    

Twink
Nasa lamisa kami ngayon nagiisip ng malupit na plano, busy sa pagtitipa si Binturilla habang ako at si Danger ay busy sa paglilinis ng baril as usual wala na namang pagitaas si Danger.

''Twink, sigurado ka ba sa gagawin mo ?"

Tumango ako napabuntong hininga lang siya.

''Sige tell me about Joselito punyeta Herno?"

Napailing lang si Danger sa aking sinabi... Naastigan siguro kaya ganon.

''Joselito Herno isa siya sa mga krimenal na hanggang ngayon ay di nakikita, pero don't worry na trace ko na siya kung saan ang lungga niya ngayon. Joselito,Guatisimo and Felicito are friends way back in high school,''

Naks ano yon friendship goals. Goals na ba sa kanila yong pag-patay nila sa magulang ko sa pagpatay ng pamilyang Mollen De la mercedes family?!

''They graduated at ateneo de manila with flying colors,before they became criminals naging business man sila naging mag partner sila . Isa sila sa mga sikat na kompanya but their company went down when the new built company arises. Naghirap sila sobra , ang pangalan nila ay nawala sa business world pero bumalik ulit sila pero madumi na ang  kanilang pangalan. Joselito got prisoned in jail because of drugs nila ang nagsusupply ng mga droga kasama na rin niya sila Guatisimo at Felicito...''

Kaya pala nong nagharap kami ni Felicito parang mukhang gago ay gago na pala yon.

''They killed thousands of family including Dela Cruz, Santaherosiya, Montelargo, Cabañero, Endencia and Mollen De la mercedes family and many more. But no one knows na sila ang pumatay sa family niyo Twink ang alam lang ng Gobyerno ay yong ibang pamilya lang nobody knows, except danger.''

Tumatango-tango pa si Danger pa.

''Hanggang ngayon ay di pa sila napawalang sala, after sa trial sa court the three criminals got escaped and no one knows kung saan sila.''

May purpose din pala tong misyon ko sa pagpatay sa kanila eh. Sa gagawin ko di lang hustisya sa pamilya ko kundi hustisya sa lahat ng kanilang pinaslang.

''Now tell me saan ang lungga ni Joselito Herno,''

Tinignan muna niya ang kanyang laptop at iniharap sa'kin para siyang isang digital map at itinuro niya yong may red dot.

''Nasa Mindanao siya ngayon , nasa Cabadbaran Agusan del norte siya. Ayon sa aking taohan doon, Joselito Herno is the mayor of the city hindi Joselito ang gamit niyang pangalan ngayon kundi Fernando Dagani. Twink mahihirapan ka kasi mayor siya sa lugar na yon maraming taohan siya.''

Napabuntong hininga ako. Marami pang araw na pweding mag isip ng plano para sa pagsulong, kaya ko to at kakayanin ko.

''Kaya yan, di naman natin siya pababayaan don eh. Sasama kami Twink in case you need back up,''

Sabi niya habang kumakain ng mansanas then okay.

''Book a flight Binturilla. Pupuntahan natin yang gagong yan.''

Joselito Herno your time has come.

---

Nasa loob ng eroplano na kami. Mga alas kwatro ng umaga dadating sa Butuan kuno tapos sabi ni Binturilla sasakay muna kami ng bus papuntang Cabadbaran tatlong oras lang naman ang byahe kuno papunta doon.

''Matulog ka muna Twink, halika isandal mo ang iyong ulo sa aking balikat para naman makatulog ka. Malayo pa ang ating biyahe,''

Sabi ni Binturilla sa'kin 'di naman bago sa'kin yang mga kilos niya pero nakakagulat lang. Napakacaring niya masyado. Di naman sa pinagduduhan ko siya sa mga ginagawa niya at sa mga kilos niyang nakakabilib. Ginawa ko lang ang kanyang sinabi napatingin naman ako kay Danger na kanina pa nakatingin sa'min. Buti naman at di siya naghubad ng pang-itaas na damit ngayon kasi kung gagawin niya yon ako mismo ang sasapak nito.

Napatingin ako kay Binturilla na nakapikit ang mata. Ngayon ko lang napansin na ang haba pala ng pilik mata niya at ang tangos ng ilong niya. Yong mukha niya mala adonis talaga. Tanginis bakit ko ba siya pinupuri.

Pinikit ko nalang ang aking mata at natulog na.

Someone's Point of View
Itinapon ko sa harapan nila ang boting walang laman. Mga wala talaga tong utak tong mga gagong to.

''Boss pasensya na po, pero wala po talaga don halos na search na namin ang whole area pero wala talaga.''

Nag igting aking bagang , naguumapaw na ako ngayon sa galit. Punyeta nagawa niya pa akong takasan sige lang mahahanap din kita  at kapag nahanap na kita sisiguraduhin kong mapapatay kita Twink Rayle Mollen De la mercedes. Mabubura na ang pangalang Mollen De la mercedes sa mundong ito.

Twink
Nagising ako nong ginising ako ni Binturilla. Nasa labas na kami ng airport , sumakay na kami ng tricycle papuntang bus terminal mga ilang minuto pa ay nakarating na  kami sa Terminal pumasok na kami sa loob. Ang daming tao. Puro bisaya wala akong naiintindihan.

Wala kaming clue kung anong sasakyan namin, should we ride the bus papuntang talacogon or cagayan or surigao , the heck I really don't  know.

Kinalabit ni Danger yong matandang lalaki.

''Ah manong, hmm unsa nga bus ang among sakyan padulong cabadbaran ?"

Translation: ah manong, hmm anong bus ang aming sasakyan papuntang cabadbaran.

Nagbibisaya siya , what the heck marunong pala to eh. Pero alam niyo wala akong naiintindihan sa sinabi ni Danger padulong ano yon?

''Ay dong , sakay ka anang bus nga padulong surigao. Mag bus stop mana sila sa Cabadbaran terminal kay naay musakay og naay munaog,''

Translation: Ay dong, sumakay ka sa bus na papuntang surigao. Mag babus stop kasi yan sa cabadbaran terminal. Kasi may sasakay at may baba.

Alam niyo yong walang halos maintindihan. Para akong ingot na nakatunganga. Tumango si Danger at nag pasalamat sa manong na yon. Agad  naman siyang linapitan ni binturilla at lumapit din ako.

"Anong sinabi ni manong?"

Tanong ni Binturilla kay Danger.

''Sabi niya, sumakay daw tayo sa bus na yan , papuntang surigao kasi raw magbabus stop daw yan sa Cabadbaran Terminal kasi may baba at may sasakay.''

Di na kami nag aksaya ng oras pa at nagtungo na kami sa bus  umupo kami sa pinakadulong upuan. Katabi ko si Binturilla nasa may bintana ako , si danger naman ay katabi ni Binturilla bali nasa gitna namin siya. Ang daming sumakay halos nag sisiksikan na kami dito.

Maya maya pa ay umandar na ito , nakadungaw lang ako sa bintana ang dami na mang magagandang tanawin dito.

''Why don't you capture some photos Twink, ang daming magagandang tanawin oh.''

Umiling ako , di ko kasi hilig na mag picture picture eh. Mga ilang oras ang nakalipas ay nakarating na kami sa cabadbaran, bumaba na kami,nairita ako bigla alam niyo kung bakit mukha ni Joselito Herno ang bumungad. May sign board kasi na may mukha niya na may nakasulat na 'Welcome to cabadbaran !''

Napaangat ang gilid ng aking labi welcome pala ah. Mamatay ka rin naman eh intay lang lasap lasapin mo na ang buhay mo dito dahil last mo na ngayong taon dito.

Her Sweet & Greatest Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now