"oras"

109 2 0
                                    

Sisimulan ko sa oras
Oras na nga ba para kalimutan ka
O oras na ba para patawarin ka
Oras na ba para mahalin kita
O oras na ba para tumigil na
Oras na ba para umasa pa
O oras na ba para sumuko na
Oras na ba para sabihin kong mahal parin kita
Oras na nga ba para sabihin kong nasaktan na ako ng sobra

Oras na pilit hinabol
Akalay kakayanin ko pa
Pero akoy nagtaka
Nang bigla kang nawala na tila parang bula
Asan ka na??

Mahal asan ka?? Mahal , mahal na mahal parin kita
Mahal akoy nasaktan
Mahal akoy nawalan
Pero akoy handang sumubok para lang makita at mayakap ulit kita
Handa akong sumugal kahit alam kong wala na

Mahal ang tagal na din simula nung huli akong ngumiti at nung huli akong tumawa
Matagal tagal na din simula nung huli kong narandaman ang haplos ng kamay mo
Mga yakap sa bewang ko
Mga huling bulong sa tenga ko

Mahal sa mga oras na akoy umiiyak at nasasaktan yinakap mo ako at sinabing "andito lang ako sa tabi mo" ngunit mahal asan ka na iniwan mo nalang ako dito sa tabi
Iniwan mo na parang alikabok
Iniwan mo na parang lukot na papel
Iniwan mo na parang lumang kahon

Mahal kelangan ko na bang kalimutan ang mga pangakong sinabi mo o kelangan ko na bang sabihin sa sarili ko na tama na ang ilusyon ko dahil hindi ito totoo
Mahal , nasan ka
Mahal kelangan ko na bang sabihin sa sarili ko na oras na para bitawan ang mga sinabi mo
Ang sinabi mo na ikaw at ako , ang mga pangakong hahanapin ko , mga bulong na nakakabit sa tenga ko

Mahal naghihintay ako oras na ba para sumuko ako
O oras na ba para kalimutan ang ikaw at ako........

(。・ω・。)(。・ω・。)(。・ω・。)(。・ω・。)(。・ω・。)
~mashang and mika≥3≤
First try lang po

PoetryWhere stories live. Discover now