"perpekto"

25 1 1
                                    

Perpekto
Yan yung babaeng gusto mo
Yung babaeng pinapangarap mo
Yung babaeng sobrang ganda na parang dyosa
Yung babaeng takot makapatay ng lamok
Yung babaeng hindi ka kayang iwan
Pero ang babaeng gusto mo ay hindi ako
Dahil ang babaeng gusto mo ay perpekto
At kahit kelan hindi ako magiging perpekto
Kaya sino nga ba ako para magbago
Sino nga ba ako para mangarap na sana may tayo
Sino nga ba ako para sabihing bagay tayo pero gusto parin kita
Ewan ko nga kung bakit gusto kita
Kung bakit gusto kitang angkinin
Gusto kitang sarilihin
Gusto kong sabihin at ipagsigawan na ikay akin
Kasi gusto kita gustong gusto kita
Kaso wala akong karapatan para gawin yun
Wala akong karapatan na mahalin at angkinin ka
Kasi ang babaeng gusto mo ay hindi ako
Ano bang dapat kong gawin
Para ikay maging akin
Kelangan ko bang maging maganda sa paningin nila
Kelangan ko bang maging perpekto sa mga mata nila
Kelangan ko bang magbago para sayo
Kelangan bang maging ako ang babaeng tukoy mo
Pero para saan
Kung umaasa lang ako sa kasinungalingan
Kelan ko ba ito ititigil
Kelang ko ititigil ang kasinungalingang ikay akin
Ang kasinungalingang balang araw akoy magugustuhan mo
Hanggang kelan ako mabubulag sa ilusyon na may ikaw at ako

PoetryWhere stories live. Discover now