tapos na ako

10 0 0
                                    

Gusto kong magsimula sa pagsabing
Tapos na ako
Tapos na ako sa pagiging ako
Tapos na akong maging ang taong gusto mo
Tapos na akong tanggapin ang sakit na binibigay mo
Tapos na ako sa lahat nang ito

Tapos na ako kasi nakakapagod nang maging ako
Tapos na ako kasi masakit na
Tapos na ako sa mga kasinungalingan mo
Kasinungalingang tulad ng sinasabi mong mahal mo ako
Kahit ang totoo ay kinamunuhian mo ako
Tapos na din akong maging laruan mo

Ayoko nang maging laruan mo kasi hindi ako manika
Manika na pwede mong damitan at ayusan
Hindi ako manika para iyong paglaruan o turuan
Hindi ako laruan dahil tao ako nasasaktan at nasusugatan
At pagsinasabi mong mahal mo ako
Natutuwa ako pero nagdurugo rin ang puso ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoetryWhere stories live. Discover now