"naaalala mo pa ba?"

22 1 0
                                    

Mahal naaalala mo pa ba
Mga alaalang iniwan mo ng basta
Mga salitang aking pilit binura
Mga kasalanan ko at mga sinabi mo
Mga pahina ng bawat pagkakakamali ko
Mga oras na pilit patigilin ngunit ako ang tumigil nung ikay kumawala
Kumawala mismo sa mga yakap ko

Naaalala mo ba ba nung sinaktan kita
Nung akoy nagpakatanga na sana
babalik ka pa ngunit hindi na
Naaalala ko pa
Nung akoy nagmakaawa ngunit binalewala mo kasi wala akong kwenta

Naaalala mo pa nung nasaktan ako ng sobra at ako mismo ang nagmakaawa na tila parang desperada ngunit kinaya ang sakit na pinadama dahil ikay unti unting nawawala ikay unti unti nang sumusuko ngunit akoy umasa nang iyong sinabing Oo, at babalik ka pa ngunit nung tinanong ko kung sigurado ka ba ikay nagduda at tuluyang nawala

Mahal sa pagkawala mo
Akoy naging parang baliw
Di ko alam kung paano gigising ng wala ka di ko alam kung paano masasanay sa imaheng hindi ikaw ang yakap yakap hindi alam kung paano maging ako pa
Simula nung iniwan at pinagtabuyan mo ako akoy nanghina na

PoetryWhere stories live. Discover now