ang tanga mo

6 0 0
                                    

Ewan ko
Sa mundong ito
Ang dami na nyang mali sayo
Ngunit nagpapakabulag ka parin dahil sa feelings mo
Mali sya at mali ka pareho kasi kayong tanga
May mahal syang iba kaso nililihim pa
May alam ka tungkol sa kanya kaso mas pinili mong magpakatanga

Walang mali sayo
Maganda ka naman
Kaso matagal na syang nawala sayo
Kasi mas pinili nya ang mas higit pa sayo
Mas pinili nya ang iba kesa sayo
Sinabi ko naman kasi sayo
Na itigil mo na ang kakabulag sa sarili mo
Kasi sa huli ikaw din naman ang nagpaloko

Problema mo na yan ngayon
Binalaan na kita noon
Kaya ano ngayon??
Hihingi ng tulong
Para maka move-on
Nagdudusa dahil sa pagiging tanga
Nagpakatanga dahil nabulag sakanya
Kung nakinig ka lang sana
Wala sanang nangyaring masama

Sino ngayon ang nagdudusa??
Hindi naman sa sinisisi kita
Kung di ka lang sana nagpakatanga
Edi sana ok ka pa
Pero wala na tayong magagawa
Kung talagang tapos na at wala na
Hwag kang iiyak
Dahil sawi ka lang at hindi namatayan
Hwag kang sisimangot
Break-up lang yan
Hindi magtatagal
Magiging ok din yan
Sadyang naging tanga ka lang

PoetryWhere stories live. Discover now