"mga ala-ala"

29 1 0
                                    


Mga alaala
Ala alang ating pilit kinalimutan at isinara
Kay sarap siguro balikan
Kung wala lang ang luhang pumatak
At salitang binitawan

Sa bawat araw na lumilipas
Bawat oras na sinasayang
Mga luhang nasasayang
Luhang di napigilan sa pagpatak
Luhang aking pinagsisihang pinakawalan

Nung sinabi mong napagod ang iyong puso
Ang syang pagdurog ng puso at pagguho ng mundo ko
Di inaaasahan na ang lahat ay matatapos din naman

Ang pusong tumibok
Pusong nagmahal
Pusong mapusok
Ay puso ding nagkamali
Pusong winasak
Pusong binitawan
Pusong iniwan
Pusong pinagsawaan
Pusong paulit ulit pinarusahan , sinaktan at binalewala at sa paulit ulit na pananakit paulit ulit na pinaasa paulit ulit itoy nagasawa

Nagsawa sa sobrang tanga
Nagsawa sa sobrang sakit na
Paano nga ba?
Paano makakalimutan at matatakasan ang katotohanan na pilit binura pilit winala
Paano ba??

Ano nga ba talaga??
Kakalimutan o babalikan
Magmamahal o masasaktan
Papatawarin o papaiyakin

Mahal akoy nagsasawa na
nagsasawa na
sa sakit na aking pilit binura
Sa sakit na pilit kinakalimutan
Sakit na wala nang makakaunawa pa

Di na kaya na ang bawat luha ay pilit pinigilan ngunit kumawala
Mga pangakong pilit binura na parang bula
Mga salitang tumatak sa aking utak na di ko mabura
Sana akoy makawala
Sa ala alang wala nang kwenta.......

PoetryWhere stories live. Discover now