"litrato"

37 2 0
                                    

Mga litrato
Litratong lagi kong nasusulyapan
Litratong aking nahawakan at natititigan
Litratong nakakabit sa sulok at inaalikabok
Litratong iyong kinabit at iniwan
Litratong binasag ko at binuo muli

Sa dinami daming litrato na iniwan mo , pinagsawaan mo at pinunit mo
Tila nagiisang iniwan
Minsan ko nang iniyakan
Minsan ko nang niyakap
Ang iyong mukhang nakangiti
Mga mata mong kumikislap
Hanggang litrato ko nalang makikita
Hindi na at wala nang mukha mong mahahawakan ko

Mahal simula nung iniwan mo ako di na nabuhay ang bahay na linisan mo
ang bahay na pinuno mo nang litrato at ala ala
bahay kung saan iniwan at pinagtabuyan mo ang isang tulad ko
bahay kung saan gumuho at nawala ang ikaw at ako

Mga litratong nakatago sa sulok na inaalikabok at nagiging luma na
Mga litratong naglalaman ng mga ngiti at nakaraan na di na mabalik kahit kelan pa
Mga litratong iniwan mo at pati ako iniwan mo

Gigising ulit ako sa umaga nakatitig sa mukha mong nasa lalagyan ng larawan
Larawan na iniwan at pinagsawaan na parang wala lang
Gigising ulit ako na may luha sa mata at mga alaala na nakasara sa utak ko na di na maalis kahit anong gawin
Gigising sa kamang wala ka , unan na huli mong hinigaan kumot na iyong niyakap sa mga malalamig na gabi

Lahat ay ala ala nalang
Lahat ay panaginip nalang......

PoetryWhere stories live. Discover now