Alam mo ang dami kong gustong sabihin sayo
Mga salitang di ko mabitawan
Mga sikretong puro katangahan
Ewan ko kung saan ako magsisimula
Magsisimula ba ako sa gitna , huli o sa pinakadulo
Mga tanong na di masagot sagot
na laging nasa utak ko
Mga sikretong gusto ko nang ilabas
at pakawalan nang mabawasan
ang sakit na kinikimkim
Nalilito
natataranta
Di alam ang gagawin
Na para bang tanga
O nagtatangatangahan lang talaga
Tila parang ibon na nakakulong sa hawla gustong gustong makawala ngunit walang magawa
Mahal ang sakit
kasi hindi ko kayang sabihin lahat lahat
kung paano mo ako sinaktan,pinaglaruan at ginwang tanga
inapakapakan at dinurogdurog
Asan ang hustisya
nung sinabi mong nasaktan ka
ngunit ako pala yung mas nasasaktan na nung sinabi mong ayaw mo na
pero gusto ko pa
sa mga oras na yun ikaw ang iniisip ko pero nandun ka iniisip ang sarili mo nagpakatanga ako
binigay lahat sayo
lahat ng pagmamahal ko
ni walang natira sa sarili ko ngunit ni isang katiting walang nanggaling sayo at hanggang ngayon
ikaw parin ang rason ng pasulat ko ng ganito