Naranasan nyo na ba?
Ang maging sandalan nya
Sa mga panahong nasasaktan na sya
Ang pasayahin sya
Dahil ang taong mahal nya ginagawa syang tanga
Ang maging unan na kayakap nya tuwing nalulungkot na sya
Naranasan nyo na bang maging panyo na laging pinupunasan ang mga luha nya
Inshort
Naranasan nyo na bang maging pansamantala??Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko
Kung bakit ako nahulog sayo
Kung bakit tiniis ko ang lahat ng toh
Para lang makalapit sayo
Hindi naman ikaw ang tipo ko
Pero ang ngiti mo ibang iba sa mga nakikita ko
Ang tanga ko
Dahil kahit alam kong hindi mo ako gusto
Pinipilit at pinipilit ko parin ang sarili ko sayo
Kahit sobrang wasak na tong puso ko
Siguro ganito lang talaga ako
Isang tanga na nahulog sayoNahulog ako sayo
Kahit alam kong hanggang pagkakaibigan lang toh
Alam kong mali ang lahat ng ito
Ang mahulog sayo
At ang hindi ko pagpigil sa sarili ko
Sinubukan kong ilayo ang sarili ko sayo
Kahit alam kong magiging mahirap toh
Kaso yang ngiti mo ang humihila sakin pabalik sayo
Kaibigan kita
Kaso mas pinili kong ibigin ang tulad moAlam kong hindi mo ako gusto
Kaya alam kong hanggang dito nalang toh
Hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa isang tulad ko
Ang hirap maging ako
Lalo na kung hindi mo ako gusto
Ayoko nang magpanggap na okay ako
Kasi ang totoo
Hindi ako okay simula nung nahulog ako sayo
Pasensya na kasi hindi ko napigilan ang sarili ko
Pasensya na kasi kahit alam kong hanggang dito nalang toh pinilit ko parin ang sarili ko sayo
Hwag kang magalala kasi kontento na ako
Sa sitwasyon na toh
Kahit hindi ok ang lahat ng toh