A/N: Makikisingit lang :)
Magsisimula na po ang totoong twist ng kwento. Enjoy Reading.Chapter 21: Meeting
Sandy's POV
NANG matapos ang klase sa umaga ay agad kong hinatak palabas ng classroom sina Missy at Claud. Marami akong tanong sa kanilang dalawa. Kung paano sila nakarating dito. Kung alam ba nila ang sikreto na nagtatago sa lugar na'to. Hindi talaga kasi ako mapakali, eh. Hindi naman sa ayaw kong nandito sila sa Dalton, siyempre masaya ako at nakasama ko ulit ang dalawang 'to pero kasi may mga sikreto ang Dalton na hindi maaaring mabunyag sa iba lalo na sa normal na tao na gaya namin.
Dinala ko sila sa likod ng building. Binitawan ko ang kamay nilang dalawa at hinarap sila.
"What are you doing? Ba't kayo nandito?" agad na tanong ko sa kanilang dalawa.
Bumakas sa kanilang mukha ang pagtataka dahil sa tinanong ko.
"Bakit, Sandy? Ayaw mo bang nandito kami?" kunot noong tanong ni Claud.
"That's not what I mean." Agad na sabi ko. "Alam niyo ba ang tungkol sa lugar na 'to? Kilala niyo ba ang mga taong nakatira dito?"
Nagkatinginan sila saka sumagot si Missy. "Of course, we knew. Babalik ba kami dito kung hindi namin alam?" nakataas kilay tanong niya.
Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean? Anong babalik?"
Claud let out a sighed and held my hand. "Sandy, maybe it's time for you to know about us..." naguluhan ako sa tinuran niya. Pero hindi ako umimik. Gusto kong hintayin ang susunod na sasabihin niya. "Actually, Missy and I grew up here. Taga-Dalton na talaga kami sa simula pa lang, bago pa kami lumipat ng Eastwood."
Wala akong masabi. Pakiramdam ko nalulon ko ang dila ko. Did I hear it right? Taga Dalton na talaga silang dalawa. Seriously? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?
"When we were three years old, humingi ang mga magulang namin ng permiso mula sa Head na lilipat kami ng ibang syudad. Pumayag si Head Sander kaya napunta kami sa Eastwood." Patuloy ni Missy. "Hindi na namin nasabi sa'yo ang tungkol sa bagay na 'to dahil baka hindi ka maniniwala o di kaya ay tatawanan mo lang kami. At saka isa pa, nangako kami kay Head Sander na ititikom namin ang aming bibig tungkol sa mga uri nila. Ayaw din naman naming ipagkanulo sila kaya hindi na namin nasabi sa 'yo. Pero nung makita ka namin kaninang umaga na papasok sa building, akala namin nagmamalik-mata lang kami ni Claud. Andami kasing nagbago sa'yo. Kaya imbes na dumiretso kami sa Deans Office ay sinundan ka namin, at yun, ikaw nga talaga ang nakita namin."
"We didn't know na dito pala kayo lilipat. At hindi namin inaasahan ni Missy na makikita ka namin dito." Dugtong ni Claud. "Halos dalawang buwan ka ring nawala sa Eastwood and everyone misses you so much. Lalo na si Brent."
Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. After hearing everything, it's clear enough. Hindi na ako pwedeng mag-alala sa kaligtasan nilang dalawa. Alam naman pala nila ang tungkol sa lugar na 'to sa simula pa lang.
"Sorry kung ngayon lang namin nasabi sa'yo ang tungkol dito, Sandy. Alam naming marami kaming pagkakataon na sabihin sa 'yo pero hindi namin ginawa." Nagsisising saad ni Claud.
"It's fine. Naiintindihan ko naman." Tanging sabi ko. Hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit nila ginawa yun.
Hindi na kami bumalik sa building at dito nalang kami nagpatuloy na nagkukwentuhan. At katulad din namin, bumalik sila dito sa Dalton dahil sa kaguluhang nangyayari doon. Gusto nilang umiwas sa lumalaking gulo na nangyayari doon kaya naisipan nilang bumalik dito. Hindi daw kinaya ng gobyerno ng Eastwood ang krisis doon kaya pati ang Mayor at Vice-Mayor ay nagkakainitan na rin. Well, noon pa naman hindi na magkasundo ang mga yun. Hindi lang sila magkalaban sa politika, magkalaban din sila sa kapangyarihan at pamilya. Ewan ko nga ba kung bakit nanalo pa ang mga yun nung eleksyon, wala naman silang magandang maidudulot sa kapayapaan at kaayusan ng Eastwood.
BINABASA MO ANG
The City Of Dalton: The Vampire's Lair
VampireA mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©All Rights Reserved