Chapter 50: The Beginning of the End

547 25 0
                                    





Chapter 50: The Beginning of the End






VIA





NANLAKI ang mga mata ko nang makita ang kalagayan ni Trina. Napasigaw ako ng malakas nang makita ang napakaraming dugo na lumabas mula sa dibdib niya. Walang hinto ang pagdaloy ng dugo mula dito. Mas lalo akong napaiyak nang makitang sumusuka na siya ng dugo.





Mabilis na gumapang ako sa tabi niya at inihiga siya sa aking paa. Wala na akong pakialam kung naliligo na ako ng dugo niya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang tinatakpan ang dibdib niya na may tama ng baril. Mas lumakas pa ang pag-iyak ko nang hindi man lang siya gumagalaw. Unti-unti nang nawawala ang kulay ng balat niya.






"Trina, please, wake up! Don't do this to me. Please..." umiiyak kong saad habang yakap siya ng mahigpit. Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalagyan ng pressure ang sugat niya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko na halos gusto na itong kumawala mula sa aking dibdib. Hindi ko kayang mawala ang kaibigan ko. Hindi sa ganitong paraan.






"Trina, please, wake up..." umiiyak kong pakiusap sa kaibigan. "We still need to save Sandy."





Ngunit wala man lang akong naramdaman kahit ano mula sa kanya. Hindi pa rin siya gumagalaw. Hinawakan ko ang pulso niya at nabuhayan ako ng loob na pumipintig pa ito ngunit napakahina. Hinanap ko si Mason at nakita kong katatapos lang niyang patayin ang isang lalaki na may hawak na armas. Mukhang siya ang bumaril kay Trina.





"Mason!" sigaw ko. Lumingon siya sa direksyon ko at tila nagising ito sa malalim na pag-iisip at bahagyang kinukurap-kurap pa ang kanyang mga mata nang makita ang kalagayan namin. Mabilis na tumakbo siya papunta sa direksyon ko at nakita ko kung paano nilukob ng takot ang mukha niya nang makita ang kalagayan ni Trina.






"S-She's still had a pulse..." nauutal kong wika sa kanya. "We need to save her."





Walang salitang mabilis na binuhat niya si Trina at nagmamadali kaming pumasok ng subdibisyon.






"Please, hang on..." rinig kong pakiusap ni Mason. Napansin ko ang panunubig ng mga mata niya na tila anumang oras ay tutulo na ang luha mula dito.






"We need to go to the Chambers, Mason." Utos ko. Mabilis ang ginawang pagtakbo namin patungong Chambers na nasa likod lang ng Headquarters. Isa itong malaking kwarto na ginawa ng Head para sa mga bampirang napupuruhan sa isang laban. Ang Chambers ay tila isang pagamutan ng mga bampira na naglalabas ng kakaibang usok na siyang makakatulong na magpagaling.






"Call Drew and the others." Utos sa akin ni Mason nang makapasok kami sa Chambers. Tumango ako at nilapitan ang isang telepono na nakasabit sa dingding. Nanginginig pa ang mga kamay ko at pakiramdam ko anumang oras ay mawawalan na ako ng lakas. Habang tinatawagan si Drew ay nakita kong inilagay ni Mason si Trina sa isang kahon na parihaba na tila isang aquarium. Buong lakas na hinubad ni Mason ang damit ni Trina hanggang pang-itaas na saplot nalang ang naiwan dito. Nakita namin kung paano bumubulwak ang dugo mula sa sugat niya.






Napapikit ako nang wala man lang sumagot mula sa kabilang linya. Lumilipas ang oras at natatakot kaming tuluyan ng mawala sa amin si Trina. Napaigtad ako ng biglang malakas na bumukas ang pinto ng Chambers at lumitaw sa harap namin si Den na sugatan at sinundan ni Ivan na karga-karga si Dino na walang malay at naliligo sa sariling dugo.





The City Of Dalton: The Vampire's Lair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon