Chapter 15: The Warning
Sandy's POV
"HI, it's nice to meet you."
Bahagya kong ipinilig ang aking ulo nang biglang sumakit ito. Argh. Here we go again. Ano ba 'to-
Mabilis na umangat ang tingin ko sa mukha niya mula sa nakalahad na kamay niya. Her voice... Why is it...?
Lihim akong napangiwi nang sumakit ulit ang ulo ko. Damn!
"Sandy, are you okay?"
"Miss, are you okay?"
Napadilat ako. And I remembered something.
"Excuse me, Miss, are you okay?"
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. I saw Irene. She was seriously looking at me. Alam ba niya ang nangyayari sa akin?
"I'm sorry guys, hindi pa maayos ang kalagayan ni Sandy. Iuuwi ko muna siya." Narinig kong saad ni Irene habang nanatili sa aking mukha ang kanyang mga mata.
Hindi na hinintay ni Irene na magsalita pa sila at walang imik na inakay niya ako palayo sa kanila. Hanggang sa makalabas kami ng university hindi pa rin maayos ang kalagayan ko. Nandoon pa rin ang sakit sa ulo ko. Dinala ako ni Irene sa lugar kung saan malayo sa university. Unti-unti namang humuhupa ang sakit sa ulo ko. Iniupo niya ako sa isang bench. At napansin kong nasa isang parke kami. Paanong...? Yeah, I almost forgot.
Nilinga ko si Irene. Nanatiling seryoso ang mukha niya.
"Do you remember something?" tanong niya.
Wala sa sariling umiling ako. Malaking palaisipan pa rin sa akin ang nangyari. Ang boses niya pamilyar. Parang ang boses na yun ang narinig ko bago ako nahimatay sa hallway. Parang siya yung babae na nakabangga sa akin. Mahaba ang buhok. Maliit ang mukha. Pero yung mga mata niya ay hindi ocean blue kundi brown ito. Naguguluhan tuloy ako. Malakas ang kutob ko na yun ang boses na narinig ko bago ako nahimatay. Pero hindi ako sigurado kung siya ba yung babaeng bumangga sa akin. Dahil sa kulay ng kanyang mga mata.
"I saw how you react. Imposibleng wala kang maalala, Sandy. Try to remember something and we'll figure it out together." Boses ni Irene.
Tumingin ako sa kanya. "Her voice... it's familliar. I'm not sure. Pero imposible namang siya yun." I said.
"What do you mean, her voice? Siya ba yung babaeng bumangga sa'yo sa hallway? Si Alice ba?" tanong niya.
Hindi ako sigurado kung siya ba yun. Hindi kasi malinaw sa akin ang mukha niya. Tanging naalala ko lang ay ang kulay ng mga mata niya. Ocean blue.
"I'm not sure, Irene." Depressed na wika ko. "Pero nang magsalita siya kanina, bigla nalang sumakit ang ulo ko. Katulad nang nangyari sa hallway bago ako mawalan ng malay. It's the same, Irene. Hindi ako pwedeng magkamali. When she asked me if I'm okay, naalala ko bigla, na ganun din ang sinabi ng babae bago ako mahimatay. Parehong-pareho. Mula tono ng boses at lambot nito." Pero pagkaraan ay umiling ako. "Pero imposible pa rin, eh. They have different eyes."
BINABASA MO ANG
The City Of Dalton: The Vampire's Lair
VampirosA mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©All Rights Reserved