Chapter 37: Abducted
KEN'S POV
SINUBUKAN kong sundan si Drew sa taas pero pinigilan ako ni Mom.
"Let him be, Ken. Sandy needs him right now. Siya lang makakapagpakalma sa kapatid mo." Mahinahong saad niya.
I sighed. "I'm sorry, Mom. Hindi ko gustong saktan ang damdamin niya. I swear, nawala na ta-"
Mom cut me off. "You don't have to apologize, sweetie. Naiintindihan kita." Nilapitan niya ako. "For now, hintayin natin ang pagkalma niya."
Nanghihinang napaupo ako sa sofa na malapit sa akin. "She'll be okay, right?" tanong ko na nag-aalala.
Tumabi sa akin si Mom. "Of course, she'll be okay. Drew's with her."
"Nag-aalala ako, Mom." Hindi ko maiwasang sabihin. "Ayokong magalit sa akin si Sandy. Nasasaktan ako."
Hinaplos ni Mommy ang balikat ko. "Intindihin mo siya, anak. She's too vulnerable right now. Intindihin mo ang damdamin niya."
Nilingon ko si Mom. "It's my fault. Kung sana sinabi ko agad sa kanya ang nangyari. Kung hindi lang sana nawala sa isip ko-"
"Stop blaming yourself, Syril." Putol ni Mom sa litanya ko. "Walang may kasalanan dito kaya itigil mo 'to. Makinig ka, hahanapin natin sina Cloud at Missy. Okay?" pampalakas loob niya.
Pilit akong tumango. Hindi ako mapakali hangga't hindi bumababa si Drew at sabihin niyang okay lang si Sandy. Pero habang dumadaan ang oras at wala pa ring Drew na bumaba, nagsimula na naman akong mag-aalala. Kasalanan ko 'to, eh. Kung sana hindi nawala sa isip ko ang tungkol sa pagkawala nina Cloud at nasabihan ko agad ang kakambal, hindi sana ganito ang nangyari. Hindi sana siya magagalit sa akin ngayon. Ang ayoko pa naman sa lahat, ang magkaroon kami ng alitan ng kakambal. Bumibigat ang dibdib ko.
Naalala ko nung araw na nawala sila Cloud at Missy. Ang sabi ni Tita Clarissa, balak daw nilang dumaan dito nung nalaman nilang may sakit si Sandy- and that was six days ago. Mag-iisang linggo na rin. Humingi kami ng tulong sa mga opisyal ng syudad at agad naman silang umaksyon para hanapin ang kaibigan namin. Pero ang tanging impormasyon lang na hawak ng mga opisyal ay isang CCTV footage na mula sa isang convinience store na malapit sa subdivision kung saan huling nakita sina Cloud. Tumestigo rin ang mga crew ng convinience store na natatandaan nila ang dalawang dalaga na bumili nga doon ng mga pagkain. Pero hindi na nila alam kung saan nagpunta matapos nitong bumili sa kanilang tindahan. At ni isa ay wala man lang nakakakita sa mga ito.
At hanggang ngayon, ay wala pa rin kaming balita sa dalawa. Nababahala na ako. Ayokong isipin na baka na-biktima na sila ng mga rogue na pagala-gala dito sa syudad. Matapang si Cloud. Hindi niya hahayaang mapahamak sila ni Missy. At kung nasaan man sila ngayon, sana malayo sila sa kapahamakan. At malayo sa mga rogue.
Napatayo ako ng makarinig ng yabag mula sa taas. Bumaba si Drew na basang-basa ang damit. Ayokong magtanong kung ano ang nangyari sa kanya, malamang sa banyo nagkulong ang kapatid ko. Yan ang ginagawa niya kapag masama ang loob niya.
"She's fine. Nakatulog na siya." Saad niya nang makalapit sa amin.
Nakahinga ako ng maluwag. "Galit pa ba siya sa akin?" tanong ko.
Tinapik niya ako sa balikat. "You should talk to her when she wakes up." Mahinanong payo niya. Nanlulumong tumango ako.
"Salamat, Drew." Dad said.
BINABASA MO ANG
The City Of Dalton: The Vampire's Lair
VampireA mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©All Rights Reserved