Chapter 29: Mt. Malaya
KEN'S POV
"PAKIDALA nalang po sa kwarto ni Sandy, Manang." Magalang kong utos kay Manang Rosa habang bitbit niya ang isang tray na may lamang mga pagkain at prutas.
"Sige, ako na ang bahala nito. Kailangan mo ring magpahinga, Ken. Dalawang gabi ka ng walang maayos na tulog. Nag-aalala na ako sa'yo, hijo." Puno ng pag-aalala ang boses niya.
Isang ngiti ang ibinigay ko sa matanda. "Ayos lang ako, Manang. Wag po kayong masyadong mag-alala sa akin. Ang isipin po natin ngayon ay si Sandy. Dalawang araw na po siyang di nagigising, nag-aalala na ho ako sa kakambal ko."
Tinapik ni Manang ang balikat ko. "Wag kang mawalan ng pag-asa, Ken. Matapang ang kapatid mo. Gigising din siya." Nahimigan ko ang pag-asa sa boses niya kaya tanging tango lang ang isinagot ko.
"Sige, dalhin ko na 'to sa taas." Paalam niya. Tinanaw ko si Manang habang papaakyat ng hagdan hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Inilabas ko ang aking cellphone at idinial ulit ang number ni Drew.
The subscriber you are calling is out of coverage area, please try your call later.
Out of reach pa rin si Drew. Dalawang araw na simula nang umalis siya ng Dalton at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya ma-contact at wala akong balita mula sa kanya. Nagsimula na rin ako mag-alala.
Drew, where are you?
I dialed his number many times pero wala pa rin. Imposible namang napahamak na yun, bampira yun. Isa siya sa pinakamalakas sa lahi ng mga bampira kaya alam kong kaya niyang protektahan ang sarili niya. Hindi lang talaga ako mapakali. Wala kasi akong ideya kung saan siyang lupalop ng mundo ngayon.
I dialed Mason's number. Wala pang ilang segundo ay agad na sumagot ito.
"Ken? May problema ba?" bungad niya.
"I'm sorry for disturbing you, Mason, pero makikibalita sana ako tungkol kay Drew. Hindi ko siya ma-contact, eh. Did he call you?" tanong ko sa kaibigan.
I heared Mason sighed. "Just like you, we're waiting for his call, Ken, but he didn't. Two days had passed and yet we didn't hear anything from him. But we have to wait, Ken. I'm sure Drew will give us a good news. Don't worry kapag tumawag siya, I let you know." Pangako niya.
I nodded. "Thanks, Mason. And please call me."
"Sure. So, how's Sandy? Any progress?" tanong niya pagkaraan.
"Nothing. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Nag-aalala na ako, Mason." Pagod na umupo ako sa kalapit na sofa. I massaged my temple to ease the pain.
"Naiintindihan kita, Ken. Just trust Drew. He will not fail you." Wika niya. "How about your parents? Your brother? Alam na ba nila ang nangyari kay Sandy?"
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. "I already inform them. I texted Kuya Seth and he said he will come home the day after tomorrow. Sina Mom naman susubukan daw nilang umuwi para makita si Sandy." Paliwanag ko.
"Well, that's good."
"I don't think it is." Matamlay kong bawi. "Kung talagang nag-aalala sila kay Sandy, uuwi sila agad dito pero mas inuna nila ang gulo sa Eastwood kaysa sa sarili nilang anak na nag-aagaw buhay." Nagtiim ang bagang ko. Nang sabihin ko sa kanila ang tungkol sa kalagayan ni Sandy, ang buong akala ko ay uuwi agad sila dito pero nagkamali ako. Susubukan daw nilang makauwi pero hindi nila maipapangako yun. Sa puntong yun, gusto ko nang sumabog. Hindi man lang ba sila nag-aalala sa anak nila? Mas uunahin pa ba nila ang gulo sa letseng lugar na yun kaysa iligtas ang buhay ng sariling anak? At paano nalang kung tuluyang mawala si Sandy? Ano? Lalamayan na lang siya?
BINABASA MO ANG
The City Of Dalton: The Vampire's Lair
VampiriA mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©All Rights Reserved