Chapter 31: Energy Transfer

645 34 1
                                    




Chapter 31: Energy Transfer


VIA'S POV


"NGAYON darating ang mga magulang nina Ken. Pupunta ka ba?" mula sa binabasang libro ay nag-angat ako ng tingin. At bahagya akong nagulat nang makitang nasa harap ko na si Irene. Nasa garden ako ng school ngayon at kasalukuyang lunch break, dito ko naisipang magpalipas ng oras habang hinihintay ang pag-ring ng bell.


Napaisip ako. Ngayon na pala darating ang mga magulang nila? Akala ko ba sa susunod na araw pa? Ibinalik ko ulit ang aking tingin sa libro.



"Bakit naman ako pupunta?" tanong ko. "Privacy nila yun. Hindi nila kailangan ng presensiya ng ibang tao para lang ipaalam na nandito na sila." Saad ko.




Umupo sa tabi ko si Irene at nakapangalumbaba. "Kaibigan kayo ni Sandy at Ken kaya natural lang na nandun kayo kapag dumating sila." Saad niya.



"Kaibigan ka din naman ni Sandy, ah " Komento ko.



Mahina siyang tumawa. "Sa tingin mo makakaalis ako ng Library kapag nasa paligid si Mrs. Albos? Tss. Mahabang paliwanagan kapag nagkataon." Saad niya. "Nag-aalala rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa kaibigan ko." She sighed deeply.



Isinara ko ang libro at tumingin sa malayo. "Pareho pala tayo. Hindi ko rin alam kung paano siya matutulungan. Alalang-alala na si Ken sa kanya."


"Sa tingin mo, ano kayang nangyari sa kanya? Sa pagkakaalam ko wala naman siyang malubhang sakit kaya nakapagtataka lang ang nangyari." Wika niya.



Bumuntong hininga ako. "Si Drew lang ang makakasagot sa bagay na yan. Siya lang ang tanging pag-asa ni Sandy."




Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Irene. Parehong nakatutok sa field ang tingin namin ngunit naglalakbay ang mga diwa namin. Nasaan na kaya si Drew ngayon? Apat na araw na simula nang umalis siya at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa kanya. Hindi naman sa nawawalan kami ng pag-asa para sa kaibigan namin kaya lang hindi namin maiwasang mag-alala. Sana nga makabalik na siya, kung hindi man ngayon sana bukas. At nang magising na rin si Sandy.




Maya-maya ay tumayo na si Irene at nagpagpag ng pantalon. "Maiwan na kita. Sigurado akong hinahanap na ako sa Library. Dadaan ako mamaya sa bahay nina Sandy, gusto mong sumama?" tanong niya.




Tumingala ako. "Hindi na. Ikaw nalang." Tanggi ko.



"Sigurado ka?" paninigurado niya.



Tumango ako. "Oo. At saka kailangan kong umuwi ng maaga, may dinner kami buong pamilya." Sagot ko.



Nagkibit balikat siya. "Ikaw ang bahala." Umalis siya sa harap ko at nanatili akong nakaupo habang hawak ang libro. Ilang minuto ang lumipas hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng bell. Tumayo na ako at binitbit ang aking bag. Papasok na ako sa building nang makasalubong ko si Trina na masayang nakikipagtawanan kasama ang isang anak ng Council na kaklase din namin.



Huminto ako sa paglalakad at nakipagtitigan sa kanya ng ilang saglit. Simula nung araw na magkasagutan kami ay hindi pa kami nagkausap ulit. Alam kong hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin at masama ang loob niya dahil sa tingin niya kinakampihan ko si Alice. Pero hindi ganun yun, wala akong kinakampihan ni isa sa kanila. Mali kasi para sa akin ang ginawa niya kay Alice.



The City Of Dalton: The Vampire's Lair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon