Chapter 28: Connection
VIA'S POV
"KAILAN daw babalik si Drew, Mason?" tanong ni Den nang makasakay na kaming lahat sa sasakyan.
Pumwesto si Mason sa driver's seat. Katabi naman niya si Ivan. Habang kaming apat ay nasa likod. "Hindi ko alam. Wala siyang sinabi sa akin." Mason started the engine.
"Humingi kaya tayo ng tulong kina Red," suhestiyun ni Dino. "Alam naman natin na pagdating sa ganyang bagay, sila lang ang may kakayahang alamin kung ano talaga ang nangyayari kay Sandy. At saka isa pa, bawas trabaho din yun."
Pumalatak si Ivan. "Narinig mo ba ang sinabi ni Drew kagabi? Hindi nga pwede. Ni ipaalam sa Council bawal nga eh, kaya kung ayaw mong magalit si Drew at magwala sumunod ka na lang."
"Bakit nga ba bawal?" tanong naman ni Den. "Kung ang iniisip niya ay ang kaligtasan ni Sandy, sa tingin niyo ba hindi ligtas si Sandy sa kamay ng Elders?"
Sumingit na rin si Mason. "Kilala natin si Drew. Simula pagkabata, kasama na natin yan at anak siya ng Head. Do you think wala siyang alam tungkol sa mga pinaggagawa ng Elders at Council? They are both selfish. Sarili lang nila ang iniisip nila. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ayaw ipaalam ni Drew sa kanila ang tungkol kay Sandy." Mahabang saad niya.
Nakalabas na kami ng subdibisyon at ngayon ay binabagtas na namin ang kahabaan ng Marcus Highway papuntang university. Patuloy lang sila sa pag-uusap habang kami ni Trina ay tahimik lang at nanatiling nakikinig sa kanila.
Hindi mawaglit sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Ken kanina sa bahay nila. Natatakot siyang mamatay si Sandy. Naiintindihan ko siya. Alalang-alala siya ngayon sa kapatid niya kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganun siya mag-isip. Pero alam ko namang hindi mangyayari yun sa kaibigan namin. Drew will find a way. He will help Sandy. Kaya kailangan naming maniwala sa kanya. Maybe three to four days, nakabalik na si Drew dala ang seer na nahanap niya.
Aminado akong mahirap ang paghahanap ng seer ngayon. At tanging ang mga Elders lang ang may hawak sa karamihan ng seer ngayon sa buong Fallas. Naubos na kasi ang ilan nung nakaraang digmaan ten years ago. Kaya pahirapan talaga ang paghahanap ng seer ngayon. Sana nga lang makanahap si Drew na hindi tauhan ng Elders.
Gusto kong tumulong para mapabuti ang kalagayan ni Sandy. At nang sa ganun, hindi na mag-aalala si Ken sa kanya. Pero paano? Paano ako makakatulong sa kaibigan ko?
"Sabagay tama ka," sang-ayon ni Den sa sinabi ni Mason. "Alam ni Drew ang ginagawa niya. Wala tayong ibang gagawin kundi ang hintayin siya."
Sumang-ayon silang lahat sa sinabi ni Den. Wala pang isang oras ay narating na namin ang university. Nang mai-park ni Mason ang sasakyan ay isa-isa kaming bumaba mula dito. Hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa highschool building ay sinalubong na kami ni Alice at Marlon. Malawak ang ngiti ni Alice pero agad ding nabura ito nang hindi makita ang hinahanap niya.
"Si Drew, Via?" tanong niya.
"Wala siya, Alice. Umalis siya. Hindi pa namin alam kung kailan ang balik niya." Si Trina na ang sumagot.
Bumaha ng pagtataka ang mukha niya. "Umalis? Bakit daw?" tanong niya.
Nagkatinginan muna kami ni Trina. Ang bilin ni Drew ay wag ipaalam kay Alice ang dahilan ng pag-alis niya at tungkol sa kalagayan ni Sandy. Hindi man namin alam kung bakit ibinilin yun ni Drew kaya sa ngayon susunod kami sa utos niya.
BINABASA MO ANG
The City Of Dalton: The Vampire's Lair
VampirgeschichtenA mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©All Rights Reserved