Chapter 9: The New Member
Via's POV
"THE seed was born. You have to protect it to avoid the mourn. Chaos will begin. Blooadbath will reign. Love will be their hope and so their loss. Choose what is right to fight."
What? What does she mean by that?
"Via, come on! We need to hurry."
Hindi ko namalayan na napahinto na pala ako sa paglabas ng pinto ng shop. Lumingon ako sa direksyon ni Herminia at nakita kong nakatalikod na siya sa amin. Naramdaman ko nalang na hinatak na ako ni Trina papalabas.
At dahil wala pang bus sa terminal ay halos magpapadyak si Trina dahil sa inis.
"Argh! Anak ng teteng naman, oh! Bakit wala pang bus?" bugnot niya.
Hinawakan ko siya sa kamay. "We don't have a choice, Tri. Kailangan nating makaabot."
Using our vampire speed ay tila hangin nalang kami na dumaan sa kalsada. Ganito kami kapag urgent talaga at si Drew na ang nagpatawag ng meeting. Ayaw niyang may nale-late. Gusto niya lahat kumpleto, importante man o hindi ang pag-uusapan.
Habang tumatakbo ay hindi mawaglit sa isip ko ang mga huling salita ni Herminia na nagdulot sa akin ng malaking katanungan. Ano ang ibig niyang sabihin? Ngayon ko lang narinig yun mula sa isang bampira. Para siyang isang paalala o di kaya pagbabanta. Kung anuman ang mga salitang yun alam kong may malalim na eksplenasyon yun. At alam ko ring may dahilan si Herminia kung bakit niya sinabi yun. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kami ba ang pinagsabihan niya? Nalilito kasi ako. Kami lang ang kasalukuyang nasa harap niya at hindi rin masyadong matao ang shop.
Lihim akong napailing. Hindi siguro. Baka may kausap siya bukod sa amin ni Trina. Pinilit kong iwaglit sa isip ko ang mga salitang yun.
Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa mansion nina Drew. Napansin kong kumakalat na ang dilim sa buong paligid.
"We arrived on time." Trina muttered between her breath.
Pumasok kami sa mansion at naabutan namin ang ilang katulong na naglilinis sa sala.
"Nasa Library po sila, Miss Trina at Miss Via." Salubong sa amin ng isa sa mga katulong.
Tumango kami at inakyat ang mahabang hagdan papuntang second floor kung nasaan ang Library nina Drew. Napakatahimik ng mansyon. Marahil ay nasa Headquarters pa si Tito Sander. Minsan kasi ay sa Headquarters na nagpapalipas ng gabi ang Head at madalang nalang siyang umuuwi dito sa mansion. Kaya ang tanging naiiwan dito ay si Drew nalang at ang mga katulong at mga gwardiya sa labas. Nasanay na si Drew na ganito palagi. Wala naman siyang reklamo at isa pa naiintindihan niya ang responsibilidad ng ama niya.
Tinungo namin ang pinakadulong pinto at binuksan ito. Naabutan namin sina Mason na nakaupo sa mahabang kulay brown na couch at si Drew naman ay nasa likod ng malaking mesa, sa mismong upuan niya. Nakatukod ang dalawang siko niya sa mesa habang nakayuko. May baso sa harap niya may lamang pulang likido.
"Where have you been?" agad na tanong ni Mason na salubong ang kilay at nakatingin kay Trina.
Trina rolled her eyes and sat next to Ivan. "Just somewhere. Ano bang pag-uusapan natin?"
Umupo na rin ako katabi niya.
Bununtong hininga si Mason. "May announcement si Drew."
Oh. Ano naman kaya yun at kailangan pa talaga ang presenya namin? Hindi kami umimik at hinintay nalang kung kailan magsisimula si Drew. Nakayuko pa rin kasi siya kahit alam niyang nandito na kami. Anong oras ba siya balak magsimula? This will be a simple announcement, right?
BINABASA MO ANG
The City Of Dalton: The Vampire's Lair
VampirosA mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©All Rights Reserved