Chapter 34: Conspiracy

610 35 0
                                    


Chapter 34: Conspiracy



SANDY'S POV


"WHAT do you mean? Anong tungkol sa bead?" tanong ko kahit halos hindi ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko. May alam ba siya tungkol sa bead? At alam ba niyang nasa akin ang bead ni Drew? Posible.


"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Sandy. Alam kong nasa sa'yo ang bead ni Drew." Hindi kumukurap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Nakaka-concious tuloy. "Do you know that the bead is too dangerous? Lalo na't ang nakahawak nito ay isang normal na tao na kagaya mo."


 "Anong ibig mong sabihin?" kinakaban kong tanong.

"May posibilidad na mamamatay ka." Diretsong sagot niya.

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Ibinaling ko ang tingin sa harap ko at huminga ng malalim. "Alam ko na ang tungkol sa bagay na yan." Mahinang saad ko na sigurado akong umabot sa tenga niya.

"Ha?"

Nakahalukipkip na binalingan ko siya. "Matagal na akong patay." Seryosong wika ko. What's the point kung ililihim ko pa diba? One of this days ay ibabalik ko na rin kay Drew ang bead. Hindi na ito magtatagal sa katawan ko. Mas kailangan ni Drew ang bead na'to kaysa sa akin.

Nagsalubong ang kilay niya. "What do you mean?"

Napabuga ako ng hangin. "Sixteen years ago, I died. But because of Drew's bead, I live. So technically speaking, ang bead ni Drew ang nagbibigay buhay sa akin ngayon. Once the bead will take away from my body, I will immediately die. Well, base yan sa kwento ni Mom kagabi." Kibit balikat kong kwento. Binalewala ko ang reaksyon niya. Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. Nakayuko lang ang ulo niya.


"But don't worry, ibabalik ko kay Drew ang bead niya." Patuloy ko. "Besides, he owns this bead kaya karapatan niyang makuha ang pag-aari niya."



"Are you serious about that? It's your death we're talking about here, Sandy. Alam mo naman pala na mamamatay ka sa oras na matanggal ang bead sa katawan mo, bakit mo pa ibabalik sa kanya?" nahimigan ko ang galit sa boses niya.



Nagtataka man sa naging reaksyon niya ay sinagot ko siya. "In the first place, hindi akin ang bead na 'to, Vien. Kaya dapat lang na ibalik ko kay Drew 'to. At isa pa mas kailangan niya ang bead kaysa sa akin."



Hindi siya sumagot at ibinaling sa harap ang kanyang tingin. "Kalokohan yang iniisip mo. Wag mong alalahanin si Drew. Kaya niya ang sarili niya." Saad niya.



Tama. Kaya ni Drew ang sarili niya. Ano pa't isa siya sa pinakamakapangyarihang bampira sa buong Fallas kung hindi niya magawang protektahan ang sarili niya kahit wala ang bead sa katawan niya. Ayokong mangyari ang napanaginipan ko. Ayokong mamatay siya ng dahil sa akin. Kung maibalik ulit sa kanya ang bead, magiging immortal ulit siya. Hindi na siya mamamatay.


"Siya nga pala, ano ang sasabihin mo tungkol sa bead?" pag-iiba ko ng topic.



Bumuntong hininga siya at ilang sandali ay hindi siya sumagot. Tumitindi na ang lamig ng panahon at napakasikat ng araw.




"Malaki ang posibilidad na mamamatay si Drew kapag wala ang bead sa katawan niya bago dumating ang ikadalawampung kaarawan niya." Mabilis pa sa kidlat na napatingin ako sa katabi dahil sa narinig. "Hinahanap ng Council at ng Elders ngayon ang bead at ang may hawak ng bead dahil babawiin nila ito at ibalik sa totoong nagmamay-ari. Kapag hindi naibalik ang bead bago ang ikadalawampu, haharap si Drew sa isang parusa na magdudulot ng kamatayan sa kanya-at ang may hawak ng bead ay parurusahan din at bibitayin sa execution ground sa harap ng mga mamamayan ng Dalton." Mahabang saad niya.



The City Of Dalton: The Vampire's Lair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon